Chapter 32 Inuman at.....Aminan?

9.7K 173 79
                                    

Chapter 32 Inuman at…..Aminan?

Natapos ang Gandang Gabi Vice show na puro tawanan. Si Julia naiyak na sa kakatawa at pati si Mama tuwang tuwa din. Hanep talaga yung show na yun, parang hindi ako nagttrabaho pag yun ang guesting kasi nag-eenjoy kami. Ewan ko lang si Kath kasi alam ko nagseselos sya. Naguiguilty ako pero hindi ko rin mapigilan na magtake advantage sa pagkakataon na kasama ko si Julia. Besides, hindi naman sya magtatagal dito. 3 days na lang babalik na sya sa Germany at back to normal nanaman. Di ko sya makikita, walang communication at puro sa mga balita ko lang sya mamomonitor. Ni minsan nga di pa kami nakapag-usap ng masinsinan kaya naisip ko bago sya makauwi kailangan makaisip ako ng way para makausap ko sya ….ng kami lang.

“Nak, san ang lakad mo sunod?” tanong ni Mama kay Julia pagbalik namin sa backstage na kasama na si Vice.

“Ahm…balik po ako sa hotel.” Ang kaninang masayahing Julia, lumungkot nanaman. Sabagay ikaw ba naman salubungin ng balita na patay na parents mo baka kung ako yung nabaliw na lang ako.

“Princess, condolence ha…Tsaka thank you talaga.” Naiiyak na sabi ni Vice sabay yakap ng mahigpit kay Julia para makiramay. Nagsunuran ang mga staff na nandon para icomfort si Julia.

“Tayo, san tayo after this?” tanong sakin ni Kath na halatang naiinip na. Kasabay namin si Mama pero kasama pa sya ng mga staff na kausap si Julia kaya di kami makaalis.

Sa totoo lang ayoko pang umalis. I was hoping na makakasama ko pa sya kahit yung ihahatid ko lang sa hotel na tinutuluyan nya. Kahit di ko sya makausap.

“Ah…ikaw…may gusto ka bang puntahan?” tanong ko kay Kath pero wala sa kanya ang atensyon ko.

“Pagod ka na ba?” nagaalangang tanong nya muna sakin.

“Mejo…puyat kasi eh halos wala pa kong tulog.” Sagot ko naman. Ilang araw na 2 hours lang tulog ko sa dami ng appointment, shows, guesting, gig, lahat na!

“Sige uwi na lang tayo mejo pagod na din kasi ako.” Sagot ni Kath pero alam ko ineexpect nya na hindi pa sana kami uuwi.

“Nak, sabay ka na samin.” Kahit malayo nadinig ko si Mama. Napalingon ako kay Julia, mukhang nagulat din sya sa tanong ni Mama. Close na nga yata sila ah! Ayos!

“Ay, wag na po papasundo na lang-” sasagot pa sana si Julia pero inunahan na sya ni Mama.

“Hyaan mo na sumama ka na samin ihahatid ka na lang namin. Tara.” Hinatak ni Mama si Julia paplapit samin. Muntik na ko mapangiti nung Makita ko yung reaction ni Julia. Parang kinabahan na ewan.

“Alam ko malungkot ka ngayon at di ka dapat mag-isa pag ganyan ang mga sitwasyon. Dapat lagi kang may kasama.” Parang nanay na nagsesermon pa si Mama habang naglalakad sila papunta samin. Walang nagawa si Julia kundi sumunod.

“Sabay na natin si Julia para may kasama sya ha. Tara na mga anak.” Sabi ni Mama at sumenyas samin na lumabas nan g studio. Napansin ko pa na tumaas ang isang kilay ni Kath sabay buntong hininga.

“Okay lang po ako talaga. Thank you na lang po. Natawagan ko na po kasi yung susundo sakin, hintayin ko na po sya dito sa parking.” Papasok na sana kami sa sasakyan ng nagsalita si Julia.

Sayang! Kala ko pa naman kasama na namin, bumwelo lang pala, tatanggi din. Hayz!

“Sigurado ka?” napatingin si Mama sa kanya sabay tingin kay Kath at mukhang  nun pa lang nya nakuha kung bakit ayaw ni Julia na sumabay samin.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon