Chapter 57: Her Happiness!

26.2K 309 185
                                    

Chapter 57: Her Happiness!

Zhai´s POV

Pinagmamasdan ko lang ang pagtulog niya. Napakapayapa ng mukha niya. Napangiti ako lalo na ng ilipat ko ang tingin ko sa katabi niya sa batang yakap yakap niya..

Palihim ko silang hinalikan sa pisngi si Raph at si Phia.. Ilang saglit pa ay tumayo na ako

Riiiiiiiing Riiiiiiiiiiing

Sinagot kona agad ang phone call ko. Isa sa mga trusted friend ko si Louie isa siyang doctor dito sa Spain, nakilala narin siya ni Phia dahil isa siya sa mga tumulong samin para mapalago ang busines namin..

¨Yes! Thank you so much.. Everything was set according to plan.....well, it is because of you! Oh pare, Im just happy.. Happy of having her....All I want is her happiness and I want it to be special, this is the first time I´ll do this, and i want to make it perfect and memorable. Hahaha! Oo naman, salamat talaga pare, sige sige... Hmm.. About that!? I made my decision if ever, and im ure of this. Nakapagpabook narin ako ng ticket namin. Yeah! Oh sige na. Magkita na lang tayo mamaya. Bye!

 

Then we both end up the call, napatingin muna ako kay Phia at kay Raph na tulog na tulog, nakatulog na kasi si Phia sa kwarto ni Raph..

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kwarto.

****

Ryan´s POV

¨Kuya ano ba kasing hinahanap mo!?¨ Tanong saakin ni Jean. Hindi ako sumagot, halungkat padin ako ng halungkat ng mga gamit ko. ¨Uy kuya!¨ 

Natigilan lang ako ng makita ko na ang bagay na hinahanap ko at agad na napangiti..

¨Kuya ano yan!?¨ Hinarap ko siya. Agad naman nataas ang isang kilay niya ng makita ang hawak ko. ¨Oww! Knee pad. Knee pad from ate Phia.¨ Medyo malungkot ang boses niya habang sinasabi yan. ¨Namimiss kona siya kuya.¨ Napayuko ako at niyakap si Jean.

¨Me too. I really miss her so much.¨ 

--

¨So paano!? Mag-iingat ka na lang don kuya ha, magingat ka sa pagdadrive mo.¨ 

¨Oo nga, pati narin ikaw Con. Kung magkaron man kayo ng problema tumawag agad kayo.¨ 

Niyakap na nila kaming lahat..

Napagdesisyunan kasi namin na magpunta sa Albay kung saan magbabakasali na nandon ang magina ko.

¨Tol, babalitaan ka din namin once na magkaron kami ng alam tungkol sa kanila.¨ Pahayag naman ni AJ.

¨Salamat.¨ Tanging nasabi ko.

Pasakay na sana kami sa sasakyan ng matigilan kaming lahat sa biglaang pagdating ni Sofia.

¨What are you doing here!?¨ Tanong agad ni Cathy sa pagkamalditang tono.

¨Ahmm..¨ Napaayos ang tayo ko at agad siyang nilapitan na nakakunot ang noo.

¨Sofia anong ginagawa mo dito!?¨ 

¨Kung nandito ka para manggulo, makakaalis kana!¨ Sagot naman ni Jean.

¨Hindi ako nagpunta dito para manggulo.¨ Mahinahon na sabi niya..

¨So bakit ka nandito!?¨ Tanong ulit ni Jean.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon