Finale

3.6K 58 16
                                    

Inedit ko pala yung Chapter 70, kung gusto niyo lang balikan. Marami akong dinagdag kasi at may konting binago.

Guys try to visit din po yung bago kung sinusulat ngayon ONE NIGHT STAND ang title its still on going. Panibagong timpla lang po,.Kilalanin niyo po si Miguel Arcela Matthew Arcela the two hot twin brothers and their leading lady Samantha Marquez. Bagong story, bagong ingredient at bagong plot twist. Thank you sa lahat ng mga nag aadd sa library nila ng mga stories ko. I hope na subaybayan niyo din po ung OnGoing kung ONE NIGHT STAND and supportahan din katulad ng mga ibang stories ko at lalo na ni Ryan at Phia. Ciao Ciao!

---------
Ryan's POV

Bumaba ako ng sala, nakita ko dito si Mommy na may hawak na color gold na envelope. Napatingin naman siya sakin na pababa ng hagdan

"Anak, nagpadala sila tito at tita mo ng Invitation para sa Golden Anniversary nila." Inabot sakin ni Mommy ang hawak niya kanina.

Mga magulang ni Zhai. Natigilan ako panandalian. Diko alam. Hindi ko alam kung pupunta ako.

"Wag ka ng magdalwang isip kasi ngayon wala ang daddy mo. Ikaw ang sasama sakin." Sabi ni Mommy.

Ningitian ko lang si Mommy at tumango. Tama na siguro ang taguan. Haharap nako sa kanilang lahat.

Nagdarecho ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Daaaaddy!!" Yung boses na yon. Napatingin ako agad sa tumawag sakin.

"Anak." Masigla akong makita anak ko. Nandito pala siya. Kumunot noo ko. "Sinong kasama mo?" Tanong ko. Agad naman siyang napatingin sa may pinto na sinundan ko din ng tingin.

Nakita ko dito si Phia na nakatayo. Humakbang siya palapit sakin. Seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"G-gusto ko lang sanang ibigay to sayo." May inabot siya saking puting papel. Wedding Invitation. Natigilan ako sa nakita ko. Pero bago pa man ako lamunin ng emosyon ko.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. "Congratulations. Tuloy na tuloy na talaga." Sabi ko habang nakangiti. Ayokong makita niya na nasasaktan ako. Gusto ko nalang maging masaya para sa taong mahal ko.

Hindi man siya para sakin. Alam ko na nasa mabuting kamay siya. Alam kung di siya sasaktan ni Zhai. Aalagaan at mamahalin niya ito gaya o higit pa sa naibigay at kaya kung ibigay.

"Thank you." Seryoso niya lang sabi sakin. Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko. Tila para kaming nagsusukatan ng tingin. Nagtitimbangan, nagbabasahan ng iniisip. Mataman lang siyang nakatingin sakin, pakiramdam ko sa sandaling titigan na iyon ay parang may koneksyon saming dalwa. Is she expecting me na magwawala? Na pipigilan siya? No! Hayy, aasa pa ba ako. Alam kung hindi yun ang inisiip niya. Si Zhai ang paulit ulit niyang pinili.

"Hindi narin kami magtatagal ni Raph." Sabi niya at ngumiti ng pilit.

Pakiramdam ko diko kayang magsalita napabuka nalang ng kaunti ang bibig ko, ngumiti lang ng pilit at tumango nalang ako sa kanya.

"S-sige. Alis na kami." Sabi niya ulit. Matagal lang kami magkatinginan. Hindi padin siya naalis, ako nalang sana maglalakad palayo sa kanya dahil kung hindi, hindi ko na naman mapipigilan sarili kung yakapin siya.

Matapos ang ilang hakbang na makalampas sa kanya, tumigil ako. Huminga ng malalim at muling humarap sa kanya.

Kita kung nakatayo padin siya don at nakatalikod sakin. Hindi padin siya nabago ng pwesto niya.

Ilan sandali umikot narin siya para paalis na sana ng makita akong nandito padin. Pinagmamasdan siya. Hindi kona napigilan sarili ko. Ito na naman ako. Ito na naman emosyon ko.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon