Chapter 2 ..What the hell!

82.2K 729 16
                                    

** PL's Note: Thanks sa 5votes! Please vote and comment.

_____________________________________________________________________

Chapter 2 ..What the hell!

"Aalis lang ako. If you will allow me to kiss you!" Mapang-akit niyang sabi gamit ang kanyang 'sexy-voice' .. Natigilan ako ng maka-ilang saglit.

"Hey babe!"

"Psh!" Napakunot ang noo niya at naayos niya ang bangs niya kahit wala namang bangs atsaka humarap sa tumawag sa kanya. "Oh.. Hi babe!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan yung hipon atsaka arrg! Tama bang dito kung saan nasa public place nila gagawin ang bagay na yon. They are kissing, a very intimate kiss. =__= .

Nabalik ang tingin ko sa dalwang kaibigan ko na nakatayo padin sa harapan ko at nakatingin dun sa dalwang naghahalikan.

"Girl sino yon?" Tanung ni Nikka sakin. Nagkibit balikat lang ako bilang pagsagot ng hindi-ko-alam. Umupo na silang dalwa, sa harapan ko. "Eh bakit humihingi sayo ng kiss?" Dagdag pa niya.

"Walang manners eh!" Sagot ko.

"Teka.. If I'm not mistaken siya si Ryan Pascua, ang very yummy and popular dito sa school." *U* pahayag naman ni Rina.

"Kilala mo siya!?" Sabay naming tanung ni Nikka kay Rina.

"Oo naman." Tipid na sagot niya. "Nako. Ikaw ha, Sophia.. Lumayo layo ka sa lalaking yan dahil....isang matinik sa babae yan. Kilalang kilala kaya yang cassanova" May pagbabanta sa tono ni Rina, tsk! As if naman na papatol ako sa lalaking yon.

"Hay nako kahit hindi mo sabihin sakin yan! Hindi naman ako magkakagusto sa kanya noh!"

 

Pagkatapos naming kumain,nagpunta na kami sa last subject naming tatlo.

 

 

 

*******

Pagkatapos ng last subject.. Dali-dali na akong umuwi dahil nga sa may trabaho pa ako. Hay! Student sa umaga, Part time super ANAK naman sa hapon.

"Phia.. Daanan ka na lang namin mamaya ha." Sabi ni Rina habang inaayos ang kanyang books sa locker.

"Ha!?" Sagot ko.

"Tsk! Nakalimutan muna ba na may girls night out tayo mamaya." Sagot naman ni Nikka sa mukha kung nagtatanung. =_____= Maalala ko meron nga pala kaming usapan.

"Mamaya na ba yon?"  Pagtatanung ko. Nakalimutan kona kasi talaga.

"Hay nako napakamakakalimutan mo talaga. So ano basta mamaya ha?" Nilapitan na ako ni Rina. Napayuko tuloy ako.

"Alam niyo naman kase di ba? Na may work pako. Kung ok lang sa inyo kayo nalang muna." Sabi ko. Hindi naman kasi pwedeng unahin ko pa ang pagpapasarap ko kesa ang trabaho ko. Sayang naman kasi ang sweldo ko ngayong araw, kung aabsent ako. Ilang tablet narin ng gamot ni Mama ang mabibili ko dun.

"Text nalang namin na may sakit ka at hindi ka makakapasok ngayon." Suggestion ni Rina.

"Nako hindi na.. Sayang naman yung suswelduhin ko ngayong araw kung mas uunahin ko pa yan." Hinawakan ako ni Nikka sa kamay.

"Minsan lang naman to di ba? Tsaka kaya lang naman tayo lalabas ngayong friday night ay dahil din sayo....kase masyado ka ng stress. Look! Kami ng bahala, kakausapin namin si Zhai.. I'm sure maiintindihan ka naman nun." Punong puno ng lungkot ang boses ni Nikka. Nag'guilty tuloy ako dahil matagal na namin tong usapan. Pero magagawa ko, hindi naman pwedeng basta ko nalang pabayaan ang trabaho ko.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon