Chapter 9

49.4K 422 6
                                    

** PL's Note: Thank you po sa lahat ng mga Nag-aadd sa kanilang LIBRARY nitong story, so much appreciated at lalo na ang mga nagv'vote at comment.

_____________________________________________________________________________

Chapter 9 

 

Simula ng ihatid ako ni Ryan ng araw na yun, hindi kona siya masyadong nakikita, minsan naman kapag nagkikita kami o nagkakasalubong, parang hindi niya ako kilala, dedma at nilalampasan nalang niya ako. Madalas ko din siyang makita na may ibat-ibang klaseng babaeng kasama.

<.< pakialam ko ba sa kanya!

Kaya lang...nakuha na niya sakin ang first kiss ko, isang playboy na katulad niya ang nakakuha nito. Wala na naman akong magagawa dahil nangyari na. Siguro, kalimutan ko na nga lang talaga, gaya nga ng sabi niya sakin.

Naglalakad nako ngayon pauwi, gabi na pala dahil 7pm na.. Hindi naman nakakatakot dahil madami pa namang tao sa labas.

Pagkarating ko sa bahay, agad na bumulaga sakin si Mama na nakahiga sa sofa at tulog na tulog, nakalawit pa ang kamay at paa niya, mabilis kung inilapag ang bag na dala ko at nilapitan siya.

Napangiwi ako ng maamoy ko siya, amoy alak.. Dun ko lang din napansin ang dalwang bote ng alak sa gilid ng sofa at walang laman.

"Mama.." Bulong ko, unti-unti akong nanghihina sa nakikita ko. Umupo ako sa katabi ni mama sa sahig at hinaplos ang pisngi niya. Napansin ko na mukhang kakagaling lang sa iyak ni Mama.

Akala ko ba okay na siya?

Akala ko tanggap na niya na wala nasi Papa samin.

Akala ko,okay na sa kanya na kaming dalwa nalang!

Tumulo ang luha ko dahil sa isipin nayon, at ang masakit pa ay ang ichura ni Mama ngayon..

"Ma, kalimutan muna si Papa..nandito naman ako oh!" Napahikbi ako. "Ma, hindi kita iiwan katulad ng ginawa ni Papa, pangako! Please ma, tulungan mo naman ang sarili mo....." Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko. "Ma, may iba na siyang pamilya, at kahit kailan.....hindi na siya babalik satin!" Niyakap ko si Mama mula sa pagkakahiga, tulog na tulog siya at bakas ang kalasingan, lumayo ako ng kaunti, at nakitang may tumulong luha mula sa gilid ng mata ni Mama.

"Ma mahal na mahal kita.......at lahat gagawin ko para sayo!" Sabi ko habang tuloy tuloy padin ang pagtulo ng luha ko.

*****(Pic ni Nikka sa side ----->>>>>>>>>>>>>>

Nikka's Pov

 

Nagdarecho na muna ako sa Bar na pagmamay-ari namin to relax, alam kung exam na namin bukas pero mas pinili ko pa ang magpunta dito, maaga pa naman! Dahil 3pm ang tapos ng klase namin, dito nako nagdarecho!

 

Umupo ako sa stool at sumenyas sa bartender, alam na naman niya ang ibig kung sabihin don, bigyan ako ng madalas kung inumin.

"Nikka!" Napalingon ako dun sa tumawag sakin. Hindi ko kilala. "Nikka ikaw nga!" Masayang masayang sabi niya.

"Excuse me, pero kilala ba kita?" Tanung ko, epsi kasi.. Imbis naman na magsalita siya, isang malakas na batok lang ang natanggap ko sa kanya. "What the hell did y......." Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng matitigan ko siyang mabuti.. "H-harley??? Harley Aragon???" Napatayo ako mula sa pagkakaupo at malakas na gumanti ng hampas sa braso niya. Si Harley Aragon, isa siya sa mga naging Ex ko sa France, well fling lang naman at hindi seryosohan dahil puro liberated ang tao sa France at walang relationship na seryoso. Masyado lang kaming close ng lalaking yan kaya nagsasakitan kami, but that is our way of showing our sweetness! Di nga pala siya kilala ni Rina at Phia dahil highschool ko pa naging boyfriend si Harley at nitong college ko lang naman sila nakilala.

"Buti naman at tanda mo pako!" Nakangiti niyang tanung. =___= paano ko ba naman makakalimutan ang lokong to, eh siya ang first boyfriend ko. First love ko, nagkahiwalay lang kami ni Harley dahil sakin, natatakot kasi ako na baka dumating ang time na iwan niya. Natatakot ako na mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya,ganung alam ko naman na marami na siyang naging girlfriend.. Pero naging mag-kaibigan naman kami after that!

"Ou naman." Sabi ko.

"So, wala ka bang kasama? Boyfriend mo?" Iwas tingin niyang tanung.

"Wala akong kasama, at wala din akong boyfriend." Sabi ko ng nakangiti padin.

"I know you're just kidding.. so where is he?" Tanung niya ulit. Ang kulit din ng isang to eh.

"Wala nga! Single ako!" Sabi ko. Nakita ko panga na biglang nagliwanag ang mukha niya, ewan ko lang o baka naman namamalikmata lang ako, imposible naman kasi

"Sa ganda mung yan!" Panloloko padin niya.

"Ou nga, how about you? Where's your girlfriend?" Pabalik na tanung ko.

"Well same as you..I dont have one!" Sagot niya, napangiti tuloy ako dahil biglang lumukso ang puso ko.

"No! You gotta be kidding." Mailing iling na sabi ko, sa gwapo niya kasing yan. Imposible talaga.

"Ou nga! Ang totoo nan, kaya ako nandito sa Pilipinas, ay para balikan yung taong hanggang ngayon ay nagagawa pading patibukin ito." Itinapat pa niya ang kamay, kung saan naka-locate ang puso. Napangiti tuloy ako ng mapait at umiwas ng tingin, akala ko pa naman, may chance pa! Eh mukang wala na, dahil may babalikan pala siya.

"Ganun ba?" Nayuko ako at huminga ng malalim bago muling ibalik ang tingin sa kanya. "Sana magkabalikan kayo!" Tinapik ko pa siya sa braso at ngumiti, ngiti na may sakit sa nararamdaman ko.

****

"Yaya please naman oh! Don't tell it to mommy." Pagmamakaawa ko, gusto ko kasing lumabas ngayon ng bahay..

"Nikka hindi na pwede 10pm na, at sakin magagalit ang mommy mo, kapag pumayag ako." Sabi niya, padabog tuloy akong pumanik sa taas ng kwarto ko. Nakakainis! Gusto ko kasi sanang bumalik sa bar at baka sakaling nandun pa siya.....si Harley!

****

Jeff's Pov

 

"Kuya, anung ginagawa mo dyan?" Tanung sakin ng kapatid ko, nagpipinta kasi ako ngayon ng isang imahe ng babae.. Babae na gusto ko! Babae na mahal ko!

"Wag kang magulo dyan at maraming tanong! Pwede?" Sagot ko sa kapatid ko na nasa pinto ng kwarto ko. Busy ako at ayoko ng may magulo dahil baka hindi niya magustuhan to kapag pangit ang naging resulta.

"Sus!! Sino ba kasi yang pinipinta mo?" Nakita ko siyang papalapit sa gawi ko kaya nanakbo ako papalapit sa kanya at isinara ang pinto.

"A-ah naman kuya." Reklamo niya ng itulak ko siya palabas.

"Tsk! Dyan ka muna sa labas, bata bata mo pakialamero ka!" Kunot noo kung sabi, kahit naman ganyan ako magsalita sa kapatid ko mahal ko yan, ganyan lang talaga kami maglambingan at magtratuhan.

Bumalik ulit ako at muling humarap sa Masterpiece ko. Nakasando lang ako at puro pintura na itong katawan ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang malapit na niyang matapos kung mukha.

Sana magustuhan niya! >///<

____________________________________________________________________________________________

Another short update! Babalik pa kasi ako sa Holy Family eh. Okay lang yan, aanhin natin ang mahabang update kung waley naman. Guys, simula ngayon payo ko lang READ BETWEEN THE LINES! Importante yun, dahil dun kayo magkakaclue sa iba pang mangyayari, baka kasi mabigla kayo kung bakit ganun, kaya basahin mabuti hahaha.. Wag lang ang init ng halik ni Ryan, ang talaga namang binabasang mabuti ahahaha. =3= ..

PLEASE VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTS! Salamat ^__^V 

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon