Chapter 47: I'll Do Anything.

25.1K 192 25
                                    

** PL's Note: Guys, paepal muna haha xD.. May bago kasi akong One Shot ang title ay Group Message so pa-visit naman po.

Pakibasa naman po ng NOTE ko sa baba.. Kasi kailangan talaga, dahil...basta SORRY HA! Vote and Comment :P.

Dedicated to: thebassistswife

__________________________________________________________

Chapter 47: I'll Do Anything.

 

 

Zhai's POV

 

Ng ibalik ko ang tingin sa likod ni Phia.. Wala nasi Ryan doon! Doon palang ako nagkaroon ng pagkakataon na lumayo kay Phia.. Nagtatanung pa ang mga tingin niya, alam kung nabigla ko siya sa ginawa ko..

"Best....hihintayin ko ang magiging siguradong sagot mo.." Nakangiti kung saad.. Hindi kona hinintay ang magiging sagot niya dahil pumasok nako sa loob..

Alam kung naguguluhan pa siya sa mga oras at pagkakataon nato, pero gusto ko munang makasiguro kung dapat ba na iwan kona siya agad.. Lalo na ngayon, na dumating na naman si Ryan. Alam ko na hindi na naman siya titigil na makuhang muli si Phia.

.

.

.

.

.

.

.

Matagal akong nakatitig sa kisame ng bahay habang nakapatong ang braso ko sa may noo at nakahiga sa sofa dito sa may sala.. Kitang kita ko ang naging reaction ni Ryan ng makita niya kami ni Phia.. At paulit-ulit iyong bumabalik sa isipan ko. Ang laking gago lang niya dahil sinaktan niya si Phia..

Kung ako lang masusunod hindi kona hahayaang makalapit pa siya kay Phia, pero alam kung mahal padin ng bestfriend ko si Ryan, at hindi ko iyon mababago basta basta nalang..

Napatayo ako bigla dahil sa isipin nayon.. Ambigat na naman ng pakiramdam ko, gusto ko lang naman maiwasan ngayon ay ang masaktan ulit si Phia.. Mahal na mahal ko si Phia at hindi kona hahayaang mangyari ito ulit sa kanya. Pero anung magagawa ko, buntis siya at si Ryan ang Ama..

Kung wala lang pinanghahawakan si Ryan, desidido na talaga akong agawin si Phia at ilayo siya, dahil narin sa naging reaction ni Phia at nasabi kanina. Alam kung may pag-asang mapatawad pa niya at balikan si Ryan.. Sa isipin nayon naninikip talaga ang dibdib ko..


****************

Ryan's POV

 

Hinang hina akong nagbalik sa sasakyan ko. Pagkapasok ko sa loob ay napaubob ako sa manibela at padabog na pinagsusuntok ito.

"Gago! Gago! Gago!" Matitigas na sambit ko habang nagpipigil ng sakit na nararamdaman. Bakla na kung bakla dahil umiiyak ako ngayon, pero sa kadahilanang hindi ko mailabas ang matinding sakit na nararamdaman ko ay nagtutuloy ito sa mata ko at nagsasanhi ng luha. Umobob akong muli sa manibela! At hinga ng hinga ng malalim.

.

.

.

.

.

.

.

.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon