Chapter 34 ..Part I

27.7K 216 14
                                    

** PL's Note: Tingin kayo sa side? Meet Harley Aragon ^__^ -------------->> Paki-play narin nung YTvideo dyan sa side -------->>

 Nga pala may FB Account ang ating mga characters. ADD niyo sila wew! May group narin tayo. Nasa Bio ko po lahat ng link. Bisitahin niyo naman >3<..

May new story ulit ako.. Kaya lang diko pa na-popost hehe.. Tatapusin ko muna yun at aayusin ko ang plot. Pero may title na. "LIVING with HIM. (Shut up! Just Kiss Me!)" Hahaha.. Kakaiba naman yung bidang babae ko dun.. Liberated kase >3<

I dedicate this Chapter to @Mromnom :).. And guys, paki-visit naman daw po nung story niya na "Journey To Forever" ..Thanks sa paghihintay ng Update!

_____________________________________________________________________________

Chapter 34  Part I

 

 

Jeff's Pov

 

"So pano mamaya nalang tayo magkita kita?"Sabi ni Nikka. Napag desisyunan muna kasi naming magsiuwian bago magkita kita mamaya.. Umalis nasi Nikka at naiwan kami ni Rina dito..

"Ikaw di ka pa ba uuwi?" Nagulat ako ng biglang magtanung si Xyrina sakin. Napatawa pa siya ng mahina ng hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. "Uy okay ka lang ba?" Sino ba naman kasing hindi matutulala eh ang ganda nitong kaharap ko.

"O-ou naman." Sagot ko. Tumango siya at hinawakan ang braso ko.

"Pano una nako ha." Akmang aalis na sana siya ng muli ko siyang tawagin, napatingin pa siya sakin ng nagtatanung.

"H-hatid na kita sa i-inyo." Feeling ko namula ako dahil sa sinabi ko sa kanya.. Bakit ba kasi kailangan ko pang maramdaman ang ganitong kaba kapag kaharap siya..

"Nako wag na. Kaya ko naman eh." Sagot niya.. At dahil hindi naman ako papayag na basta nalang siyang umalis na hindi ko manlang naihahatid, hinawakan ko siya sa kamay.. Nakaramdam panga ako ng kuryente ng hawakan ko yun eh.

"Hindi ako papayag! Halika na." Bago pa siya magsalita hinigit kona siya..

******

Phia's Pov

 

 

Nananakbo akong papunta sa Parking lot, hanggang sa may nabangga na ako.

"Aah!" Napalingon ako dahil sa pagtili niya, nakita ko pang nagkandalaglagan ang mga gamit niya "Ah sorry" Hindi ako kumibo dahil anytime kapag nagsalita ako tutulo na ang luha ko Nanahimik ako habang isinisilid ang mga gamit niya sa bag niya.

"S-sorry din." Bigkas! Napapikit ako ng maramdaman kona nga ang pagtulo ng luha ko

"Miss okay ka lang?" Napaiwas ako ng tingin at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"Sorry talaga!" Ng mailagay ko ang kahuli hulihang gamit niya tumayo nako at hindi na siya hinarap pa.

"Thank you!" Rinig kung sigaw pa niya.

 At ng makarating ako sa parking lot, kusa akong nanghina at napatigil sa pagtakbo ng  masaksihan ko ang hindi ko inaasahan.. Matagal huminto ang oras at maging ang pagtibok ng puso ko ay natigil. Pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko at tanging panginginig ng katawan ang nararamdaman, naninigas na halos ang paa ko dahil dito.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon