Chapter 8 ..Forget About It

51.7K 463 8
                                    

** PL's Note: Pang-update ko ngayon ay base sa napanaginipan ko. Medyo binago ko nga lang dahil limot ko yung ibang pangyayari. Pero sana hindi lame >3< nabago sa original plot may naisip kasi ako, na mas realistic! Kaya yun ang gagawin ko.. In 3 days, 3k reads! Thank you sa lahat ng READERS!

 

DEDICATION IS STILL OPEN!

 

My Bodyguard Is My Killer, guys basahin niyo habang naghihintay kayo ng UD dito ahaha :D..

___________________________________________________________________________

Chapter 8 ..Forget About It.

 

Pagkatapos ng klase ko lumabas nako, para dumarecho sa resort..

"Uy paano goodluck nalang sa exam.." Pagpapaalam ko dun sa dalwa na talaga namang hindi ako tinantanan sa mga tanung nila kanina, kaya puro kasinungalingan lang ang naisagot ko. Balak ko naman kasing sabihin sa kanila kaya lang hindi pa siguro sa ngayon dahil, hindi pako handa at maging ako naguguluhan sa mga nangyayari at sa kung anung meron kami ni Ryan.

Kung isa lang din ba ako sa mga nagiging babae niya? Bakit sa thought na yon sumasakit at naninikip na naman ang dibdib ko.

Paglabas ko ng room nagdarecho na muna ako sa powder room para ayusin ang sarili, muka nakong haggard eh >3<.. Naglagay ako ng light na blush on at lipgloss para hindi manuyo ang labi ko, kung sa bagay anu panga bang silbi ng lipgloss ko kung si Ryan naman ang taga basa nito? Aishh >.< bakit ko ba siya laging naiisip. Ibinalik kona ang mga gamit ko sa bag at handa na sanang umalis ng may yumakap sakin mula sa likod.

"Maganda kapa din naman para sakin, kahit hindi kana mag-ayos! *tsup!*" Tumayo lahat ang balahibo ko ng halikan niya ang leeg ko, at take note habang nagsasalita siya ramdam na ramdam ko ang bawat init ng hininga niya na tumatama sa leeg ko.

Umikot ako at humarap sa kanya.

"A-anung ginagawa m-mo dito?" Tanung ko sa kanya,atsaka nagpalinga linga baka kasi may makakita samin, bakit siya basta nalang pasok ng pasok.

"Ihahatid kita diba?"  Napapikit ako, ou nga pala, naalala ko.

"Hindi naman ako pumayag di ba?" Wala naman kasi akong natatandaan na pumayag ako na magpahatid sa kanya.

"Pero gusto kitang ihatid." Nagpout siya >3<

"Hahaha.. Ou nga eh alam mo naman yun ang gwapo!" Nanlaki ang mata ko at nanlumo ng may barkadahan na pumasok, na tingin ko ay taga ibang department, natulala sila ng makita kami at lalo na ang makita si Ryan. Tapos ang pwesto pa namin sobrang lapit sa isat-isa at iisipin mo talaga na magkayakap kami at naghahalikan.

Mabilis kung hinigit sa kamay si Ryan at lumabas ng powder room. >///< nakakahiya!

"Phia!!" Natigil kami sa pagtakbo ng may tumawag sakin. Si Jeff pala.

"Oh Jeff bakit?" Hinawakan ng mahigpit ni Ryan ang kamay ko, as in sobra at nasasaktan ako dahil don, kaya lang hindi kona pinahalata pa kay Jeff.

"Oww!" Napatingin si Jeff sa kamay naming magkahawak ni Ryan, ano na naman ba tong katangahan kung nagawa at nangyayari sa buhay kung to, napansin ko na hindi lang si Jeff ang nakatingin samin, kung hindi maraming mata ang nakamasid saming dalwa ni Ryan, at karamihan ay puro mga babae, ikaw ba naman kasi ang mahawakan ng ganito ka-gwapo na lalaki..tsk! Ipinilig ko ang ulo dahil sa isipin nayun, san bang lupalop ng braincells ko nakuha yun.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon