Chapter 31 ..We're Officially On Part II

40.5K 316 34
                                    

PL's Note: Paki-add naman po ang ating mga characters wew nasa bio ko ang mga link ng FB Acc nila yahoo.. Sa mga nagtatanung ng FB ko at hindi ko ibinibigay.. Hanapin niyo ako! Friend ko sila Sophia, Ryan at Zhai.. Basta ako yung naka-color white sa DP.. Wew! ^__^ haha :D..

Teka bakit ganon? Nababawasan yung VOTES? Tapos may iba pang comment na nawala? o_O? 

Habang naghihintay ng UD dito, bisitahin niyo nalang muna ang iba ko pang stories XD.. Karamihan nga lang ay puro One Shot.. May short story ako dun "CELEBRATING MY COLD CHRISTMAS, AGAIN?" 14-PARTS at COMPLETED na yun.. Kilalanin niyo si Nasareth Keith Thompson at Maria Finary Israel <3.. Love ko yang dalwang yan eh >.<;;

Dedicated ulit kay Misswitty(Jen) hehe.. Ngayon ko lang kasi natapos ang His BEDMATE over-all ang masasabi ko lang Syems! HAHA.. KILIG eh *O*

_____________________________________________________________________________

Chapter 31 ..We're Officially On Part II

(Please play the video on the right side ---->>

weeee.. Ganda ni Phia dyan sa side oh, nakakangiti na siya. >,<) 

Nagulat ako ng marinig sa kanya mismo ng tawagin akong Sophia. Kumalas siya sa yakap sakin. "Natatandaan mo paba ko?" Tanung niya sakin. Napakunot ang noo ko, eh hindi ko naman kasi maintindihan ang sinasabi niya. Tinawag niya akong Sophia at the same time tinatanung niya ako kung natatandaan ko siya? May saltik ba to?

Tiningnan ko lang siya ng blangko, mabilis nawala ang matamis niyang ngiti dahil dito. "Hindi mona ba ako natatandaan?" Mahina ko siyang itinulak, ano ba kasing sinasabi niya.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Natatandaan? Bakit naman kita matatandaan?" Balik na tanung ko.. Kumunot ang noo niya at naihilamos ang palad sa mukha. Muli niyang kinuha sa pagkakahawak sakin ang knee pad na kinuha ko kanina sa kanya.

"Ito!" Itinaas niya yung hawak hawak niya. "Sophia." Mabilis kung hinablot mula sa pagkakahawak niya ang knee pad na bigay pa sakin nung batang mataba na nagligtas ng buhay ko.

"Pano mo ba nakuha to?" Nakakunot noo kung tanung sa kanya.. Pero hindi padin naaalis ang ngiti niya sa mukha.

"Engot mo naman!" Nagulat ako ng sabihan niya ako bigla ng engot..

"Anung engot, baka ikaw!" Napakamot siya sa batok.

"Phia, hindi moba ako natatandaan? Ako? Yung batang nagligtas ng buhay mo noon?" Masiglang masigla niyang sabi sakin. Natulala ako dahil hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi niya, parang ayaw mag-sink in.. "Phia, yung....." Hindi siya mapakali at mukang hindi alam ang sasabihin o gagawin. "Eto!" Nag-act siya na parang mataba, tulala padin ako na nakatingin sa kanya..

At dahil sa ginagawa niya ngayon! Napalunok ako ng laway ng mapagtantong siya ang batang nagligtas ng buhay ko noon. Teka! Si Ryan ang batang yon? Ganito na ba kaliit ang mundo? "IKAW!" Hinampas ko siya ng malakas sa braso. Inis na inis ako sa kanya noon dahil sa pagsagip niya ng buhay ko, pero thankful narin dahil don nakasama kopa at napagbago si Mama.

"H-hindi ko akalaing!" Hindi niya matuloy ang sinasabi. "Hindi ko akalaing...." Niyakap na muna niya ako, sa yakap na ramdam na ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso niya. "Matagal na pala kitang natagpuan." Ng tuluyang nag sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya, doon lang ako napangiti..

Matagal narin akong umaasa na baka sakaling makita ko ulit ang batang ito. Pero hindi ko din akalaing si Ryan pala ang batang yon, kumalas siya sa yakap sakin. At hinarap ako!

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon