Chapter 19

43.5K 327 10
                                    

** PL's Note: Hep hep! Guys mag-Cchristmas naman di ba? Visit niyo naman yung other stories ko, punta lang kayo sa My Works ko.. Promote ko nadin yung "Celebrating My Cold Christmas, Again?" bisitahin niyo dali.. 14parts lang po at Completed na yun ^__^V.. Thank you!

_____________________________________________________________________________

Chapter 19

 

Bukas na bukas ay makakalabas narin si Mama sa Hospital.. Tatlong araw narin pala kaming hindi nagkikita ni Ryan at lalong nagkakausap. Hindi na muna ako umalis sa tabi ni Mama para magbantay hindi rin naman kami iniwan ni Tita dahil dito muna daw siya, balak nga din niyang isama muna kami ni Mama sa province namin sa Albay.

Doon na muna kami for the meantime.. Pumayag na naman ako dahil Sembreak pa naman at isa pa, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang-enroll ko. Baka mag-stop na muna ako sa pag-aaral, dahil dito..

At ang isa pang malaking problema ko ay ang hindi ko maamin kay Mama na nawala ang scholarship ko, dahil sa mga napabayaan kung subjects.. Masyado kasi akong problemado kay Mama na halos sa kanya ko nalang naituon ang pansin ko.. Kaya ngayon, mapipilitan na talagang tumigil ako! Nakakahiya man kay Zhai..

Sa province namin, mas makakabuti kay Mama kung dun na muna kami dahil kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin at hindi polluted..

Umuwi na muna ako sa bahay para makakuha pa ng ilang mga gamit at maiuwi narin tong iba..

Papara na sana ako ng taxi ng may tumawag sakin "Phia." Agad naman akong napalingon dito at ngumiti.

"Jeff." Tawag ko din sa kanya.. Nilapitan niya ako.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanung ko kaagad ng makalapit siya.. Ngiting ngiti kasi ang loko.

"Gusto ko sanang bisitahin si Tita." Ngumiti akong muli sa kanya..

"Ganun ba? Okay sige...halika na muna." Sinamahan ko na muna siyang bumalik sa loob at mamaya nalang umuwi sa bahay.

Ryan's Pov

 

Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng kotse ko ng matanaw ko sila mula dito. Ang pakilala sakin ni Phia kay Jeff noon ay kaibigan lang, pero bakit hindi naman..

Nakakabaklang isipin na sobrang sikip ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko silang dalwa na magkasama.. Bakit ba ganito nalang magreact ang dibdib ko na punong puno ng matitigas na muscle. Bakit pakiramdam ko lumalambot to.

Nagulat ako ng mapatingin siya sa side ko, pero mabilis lang yun at nabawi agad ng gagong yon ang atensyon niya

"Shit!" Napahampas na naman ako sa manibela ng nakita kung bumalik na sila sa loob. Hindi ko manlang magawang lapitan si Phia, dahil alam kung galit pa siya sakin.. Hindi ko naman magawang kausapin siya dahil alam kung kasalanan ko naman talaga.

Bakit kasi ganon, bakit siya lagi ang hinahanap ng katawan ko, ng hindi nagrereact ang isip at puso ko.. Sa iba kung nakakasamang babae, hirap na hirap ako dahil may kung anung bagay ang bumubulong sa may tenga ko.

Pero bakit kapag si Phia na..

Ibang iba na.. Sa kanya ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na ganito! Kung nagtataka kayo kung bakit 'ulit' dahil noon may nakilala akong bata na siyang nakapagparamdam sakin din ng ganito..

Naniniwala ba kayo sa 'Love at First Sight?' ako kasi hindi.. Pero simula ng makilala ko ang batang yun, naniwala na ako.. Kaya lang ang masaklap hindi kona alam kung nasaan siya.. Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan niyang

Sophia

Ito kasi ang nakaburda sa cap na kinuha ko sa kanya ng mga panahon na yon.. Nasaan na kaya siya? Sabi ko pa, hahanapin ko siya, dahil siya ang gusto kung maging girlfriend...

Hindi pa man ako nagiging ganito, natagpuan ko siya.. Masayang masaya ako dahil nakita ko siya.. Nagpakilala siya sakin na siya si Sophia, at dahil masyado akong natuwa at kasabik sa katotohanan na yun, naging kami for 1year, pero nalaman ko lang na niloko niya lang pala ako..

Nagpanggap lang pala siyang si Sophia dahil napag-alaman kung obsess pala sakin ang babaeng yon! Nasaktan ako ng sobra, dahil minahal ko siya, binigay lahat lahat....pero sa kabilang banda niloloko lang pala niya ako..

Dahil don, nagawa kona ang mga bagay nato, hanggang sa nakasanayan kona at hindi maalis sa sarili ko.. Pero ngayon na dumating sa buhay ko si Phia.

May nagbago na naman sakin!

******

Phia's Pov

 

Tulala lang ako habang pabalik kami sa room ni Mama, hindi ko kasi alam kung namamalikmata lang ba ako. Ipinilig ko ang ulo, imposibleng siya yon..

Hindi naman siya ang tipo ng tao na I-pplease ang isang babaeng nagawan niya ng ganun dahil, ganun talaga ang personality niya, imposible talaga na siya yon!

Sa tatlong araw na hindi namin pagkikita, baka kung sino sino na namang babae ang nakakasama niya. Wala na yun pakialam sakin, at kung magkaron man ay yun ay dahil may utang ako sa kanya.

Babayaran ko naman siya, at hindi tatakbuhan.. Kung kinakailangan na magtrabaho ako 24/7 mabilis lang maipon ang halagang inutang ko sa kanya ay gagawin ko..

"Phia ano sa tingin mo?" Nagulat ako bigla ng tawagin ni Jeff..

"H-ha?" Tanung ko. Napahampas siya sa noo at matawa tawang napapailing.

"Tsk! Kanina kapa kasi tulala dyan! Ano bang iniisip mo?"

"H-ha?" Wala sa wisyo ko na namang tanung.. Hindi ko naman kasi naiintindihan mga sinasabi niya >3<

"Oww.. Let me rephrase my question.. SINO ba ang iniisip mo, para pag-isipin ka ng ganyan?" Tatawa tawang sabi niya.. Namula tuloy ako bigla.. Si Ryan kasi iniisip ko (_.__")a

"W-wala.. Ano nga ba ulit yon?" Paiwas na tanung ko ulit. Napakamot pa siya sa batok bago kami sumakay ng elevator.

"Sabi ko sa pasukan, gagawa na agad ako ng bagay na mapapansin niya, at balak ko din sana nasa mismong birthday niya aamin ako." Tuwang tuwa niyang sabi, napatawa din tuloy ako >.> aba eh namumula si Jeff eh.. Ang cute lang, to think na lalaki siya para magblush ahaha :D.Desidido talaga si Jeff sa nararamdaman niya para kay Rina. I will be happy naman kung sila ang magkakatuluyan, mabait si Jeff at isa pa ideal man siya.

"O-oo, mabuti yan." Sagot ko nalang..

Ryan's Pov

 

"Hello Ate Lizette." Tinawagan ko nalang si Ate para makahingi ng opinyon manlang tungkol dito sa bagay nato.END OF CONVERSATION

Pagkatapos naming mag-usap ni Ate, napasabunot ako sa buhok ko..

It's a gay thing!

At ayokong gawin yon..

Bakit sa dami dami ng Is'suggest niyang gawin ko yun pa? Never ko pang ginawa yon sa isang babae, at wala akong balak gawin yon kahit na kanino.

Pero yung lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng Chance na mapatawad niya, gusto ko ipakita sa kanya kung gaano ako ka-sincere sa paghingi ko ng 'SORRY' .. Dapat ko bang I-grab ang chance nato?

Basta bahala na.. The importang thing is....makahingi ako ng sorry sa kanya, at hindi ako titigil hanggat hindi niya ako napapatawad.

Ang gago ko lang kasi para gawin sa kanya yon! Gawin ang bagay na saktan siya!

_______________________________________________________________________________

LOL! Vote and Comment. Yeaaaaahh.. Live while were young! XD..~~

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon