Chapter 54

14.1K 99 7
                                    

** PL´s Note: Hooray! Ayoko ng magexplain kung bakit ngayon lang ang update hahaha. De joke lang! Masama kasi loob ko dahil, hindi ko maopen ang ginawa kung Chapter 54 nung nasa Pinas pako. Publish ko din dapat kasi siya, eh unfortunately walang Ms Word tong laptop ko, eh iniwan ko yung isa kung computer ayun, diko maupdate nagkandaleche leche na hahaha..

Sa mga typo pasensya na! Diko na to binasa ulit eh. Gusto niyo makita boyfriend ko? Anjan sa gilid sya <3 hahaha. Ayieeee <3. Nekekeleg ako! Hahaha! <3. Just promise me that you´ll, promise me that you´ll stay! :)..

___________________________________________________________________________

Chapter 54

Habang pinagmamasdan ko ng taimtim ang mukha ni Sophia, hindi ko maiwasan ang hindi rin maramdaman ang sakit na nararamdaman niya.

Ngumiti ako ng bigla siyang lumingon sakin ng nakangiti.  ¨Halika!¨ Dinala ko na siya sa tabing dagat para manuod ng sunset.

Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya habang inililipad ng hangin ang bawat strands ng buhok niya dahilan para matakpan ang maganda nyang mukha.

Sa loob loob ko sana, ako nalang. Ako nalang ang minahal niya. Napangiti ako ng mapakla at napayuko.

¨Zhai..¨ Napaangat muli ang mukha ko ng tawagin niya ako, pero nabigla nalang ako ng hawakan niya ang pisngi ko para may punasan. Napatitig ako ng husto sa mukha niya habang pareho kaming tahmik na dalwa.

Hindi ko alam pero ung puso ko pakiramdam ko sasabog na, napapikit ako at napaiwas ng tingin sa kanya. ¨May problema ba?¨Tanong niya.

Umiling iling lang ako sa kanya at hindi na muling lumingon kundi sa palubog na araw nalang..

After ng tahimik naming panunuod ng sunset ng tahimik, naglakad lakad nalang kami ngayon sa dalampasigan.

(Tingin kayo sa side external link, sa Magalluf yan, one of my favorite place here in Spain. Super warm kasi and very relaxing. I took a picture nung 1st time naming bumaba papunta jan, always ako sa Magalluf pero hindi ko alam na may magandang beach dun. Diko macopy ung URL eh, nasa fb ko kasi T.T)

Kanina pako tahimik, at alam ko na nagtataka narin si Sophia sa mga ikinikilos ko, kanina pa niya ako sinusubukan kausapin, lagi ko lang naman sinasabi sa kanya na okay lang ako..

Baka kapag kinausap ko pa siya hindi ko na mapigilan ang sarili ko, hirap na hirap nako sa nararamdaman kung pagtatago ng feelings ko sa kanya, and to think na malaya ko na tong sabihin sa kanya, and to think na kaming dalwa lang ang magkasama dito. Malaki ang chance ko para hayaan ko ang sarili ko na ipakita ang pagmamahal ko. Pero paano ang kaibigan kung si Ryan? Paano ang baby nila? Paano si Phia? Paano ang sitwasyon, magiging makasarili ba ako?

¨Kanina ka pa tahimik, best may problema ba?¨ Tiningnan ko lang siya ng taimtim, gustong gusto kung haplusin ang mukha niya, gustong gusto kung ilapat ang labi ko sa labi niya, gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at iparamdam how much important she is, gusto kung iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

¨Thanks!¨Nasabi ko nalang, kumunot naman ang noo niya.

¨No, I should be the one!¨

¨Phia, I want you to be happy. Your happiness is also my happiness, just always put it in your mind, I will never leave you..¨Yumuko ako. ¨Not until you get married.¨Tumawa ako ng mahina. Siya naman tahimik lang.

Hinawakan niya ang pisngi ko. ¨Hindi ko alam kung matutupad pa ang pangarap ko, ang maglakad papunta sa harap ng altar, ang importante sakin ngayon ay ang magiging baby ko.¨

Ngumiti ulit siya ng pilit at tumingin sa asul na tubig ng dagat. Pumikit siya at niyakap ang sarili, kasabay ng pagpikit at pagsinghot sa hangin.

--

¨Oh well, congrats!¨Bati ko agad sa tumawag nasi Nikka, pinadala pa nila samin ni Phia ang video and pictures ng kasal nila. Civil lang naman sa France then ang alam ko ay sa Pinas sila magpapakasal ng grande!

Nagkatinginan kami ni Phia at sabay napangiti. Almost 2months na ang nakakalipas ngayon tinutulungan ko si Phia para sa naisipan niyang gustong buksan na Restaurante.

¨¨ Alam mo, siguro dun nalang natin ilagay ang counter.¨Sabi niya sa mga tauhang kinuha namin, nagsave kami ng kaunting pera para sa maliit na negosyong ito na binili namin, kaunting renovation nalang at magiging maayos na ulit ang lugar. Napili namin ni Phia na dito nalang sa isang Island kumuha ng pwesto kung saan maraming tao lalo na at pagsummer. Sa Puerto!

Natutuwa ako dahil sa paglipas ng panahon ay nakikita kung sinusubukan ni Phia ang magsimulang muli.

¨¨ Ahh...¨Agad akong napatakbo sa kanya.

¨Phia¨! Mabilis ko siyang nasalo. ¨What happened!??¨ Nag-aalalang tanong ko.

¨Z-zhai...¨Nasalo ko siya sa bewang siya naman nakapikit at nakahawak sa tyan. ¨Ma-ma-manga-.....¨¨ Hindi pa man natatapos ni Phia ang sasabihin naramdaman ko nalang ang pagkabasa ng tshirt at pantalon ko.

Pumutok na!

¨Ma-ma-manganganak kana!?¨ Napanganga ako at natulala nalang.


****

Cathy´s POV

¨Wala ka bang balak ipaalam kay Phia to!?¨Lumingon sakin si Ryan ng walang kaemoemosyon, agad kung iniiwas ang tingin, naaawa ako sa sitwasyon ng pinsan ko, puro pasa ang mukha niya, ang kapal na ng buhok at bigote niya, napapabayaan na niya ang sarili niya.

¨Wala naman siya diba? Hanggang ngayon walang nakakaalam sa inyo kung nasaan siya.¨Maluha luhang sabi niya. ¨Hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan ang mag-ina ko.¨

Hinawakan ko ang kamay niya.

¨Tibayan mo lang ang loob mo!¨

¨Hindi kona alam, sa susunod na hearing hindi kona alam kung paano kopa ipagtatanggol ang sarili ko, alam ko, na gagawin lahat ni Sab mabulok lang ako sa kulungan nato!!!¨¨  Punong puno ng diin na sabi niya.D

 


















Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon