Chapter 64

1.8K 37 4
                                    

Rina's POV

Inayos kona ang gamit ko at inilagay sa kotse. Papunta ako ngayon kay Zhai. Nag aalala nako sa isang yon.

Ng makarating naman ako. "Goodmorning. Andyan ba si Zhai?" Tanong ko agad sa empleado niya mula sa lobby.

"Goodmorning Mam Xyrina. May appointment po ba kayo kay Sir?" Tanong niya.

I smiled. "Hm. Wala naman. I just drop by."

She smiled. "Nasa office po niya. Pero mam..." Kumunot noo ko ng bumaba expression ng muka niya. Tiningnan ko lang siya ng nagtatanong. "Si Sir po kasi...."

"Bakit?"

"Ahm wala po. Buti nalang po at dumating kayo." Nagtataka naman akong umalis dahil sa sinabi niya. Alam ko naman ang nangyayari sa negosyo nila ngayon.

Sa dami ng negosyo ng pamilya ni Zhai. Hindi na nila alam kung papano patakbuhin sabay sabay. Resorts, Hotels, Restaurants. Ngayon namomoblema pa siya.

Pagpasok ko sa elevator huminga ako ng malalim at lumabas pagdating ko sa harap ng pinto ng office niya.

Muli akong huminga ng malalim at dahan dahan kumatok. Walang sumagot mula sa loob. Kaya naman sinubukan ko tong buksan dahan dahan.

And I saw Zhai standing nakatalikod siya mula sakin at nakaharap lang sa glass window niya.

Pinagmasdam ko lang siya saglit. Kung may kakayahan lang ako na alisin lahat ng sakit at problema niya nagawa ko.

"Loving you for a long time was never been easy." Bulong ko sa sarili ko. "Watching you from a far is the only thing I can do." Dagdag na bulong pa ng isip ko.

Ng maramdaman niya na may tao. Unti unti siyang humarap sakin.

"Rina." Banggit niya sa pangalan ko. I smiled atsaka lumapit sa kanya.

"Kamusta kana?"

Ngumiti lang siya at naglakad palingon ulit sa glass window niya. Alam kung hindi totoo ang mga ngiting iyon.

"Magiging okay din ang lahat." Dagdag ko.

Muli ay lumingon ulit siya at this time lumapit na siya sakin.

"Magiging okay ang lahat. Maaayon ang nararapat." Sabi niya na ikinagulo ng isip ko.

"Anong ibig mung sabihin?" Tumawa siya ng mahina.

"Magiging maayos ang lahat." Ngumiti at ginulo niya ang buhok ko.

"Zhai, nandito lang naman kami. Di mo naman kailangan solohin ang problema mo." Lumunok siya at ramdam ko ang bigat sa nararamdaman niya.

"Rina...." Bulong na banggt niya sa pangalan ko. Matagal lang siya nakatingin sakin hanggang sa. "Anyway....napadaan ka ata dito?" Pagbabago niya ng topic.

"I just dropped by to visit you."

"Thank you. Masaya akong nakita kita." Saad niya.

"Anyway di rin ako magtatagal Zhai, may kailangan pa kasi akong tapusing report." Sabi ko nalang. "Zhai...magiging ok din ang lahat okay?" Sabi ko.

Ngumiti siya. "Oo magiging okay din ang lahat." Sabi niya ng nakangiti. Pero maayos na ngiti. So kuntento nako don.

*****
Ryan's POV

Paguwi namin sa bahay. Dali dali kami ni Phia papasok para makakuha ng towel. Pero pagdating namin nagulat nalang kami pareho ng makita namin ang bahay.

Nakatayo don sila Tita Bern at Mama ni Phia habang inaayos ang mga bulaklak.

Napatingin ako kay Phia na napangiti at agad na lumapit sa mga bulaklak.

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon