Chapter 43 ..Temptation.

23.2K 175 29
                                    

** PL's Note: Paki-play ng YTvideo dyan sa may gilid! ---->>

 Feel free sa pag vote and comment haha! Pwedeng pwede yun, walang bayad! TRY NIYO!

Dedicated to: KarenManahan.. Thank you for reading! :)..

____________________________________________________________

Chapter 43 ..Temptation.

 

 

Ryan's POV

 

Pagkagising ko! Kusot kusot kopa ang mata palabas ng kwarto ko. "Good morning!" Napakunot ang noo ko at napalingon mula sa narinig kung masiglang boses.

Tiningnan ko siya ng nagtatanong! Nabigla kasi ako ng makita siya.. Ngiting ngiti siya sakin. "Sofia!" Di makapaniwalang banggit ko sa pangalan niya.

Bago pa muli akong makapagsalita. Hinila ako ni Sofia sa kamay pababa, papuntang dining area.. Tuwang tuwa naman siyang ipinakita sakin ang mga nakahandang pagkain.

"Ahm." Napahinga ako ng malalim at binawi ang kamay kay Sofia. "Sofia.. Anung ginagawa mo dito?" Di makapaniwalang tanung ko sa kanya. Nakakapagtaka man dahil ang aga-aga niyang nandito.

"Pinaghanda kita ng breakfast!" Nakangiti niyang saad sakin. Nilapitan niya ako at kinuha ang dalwang kamay ko. "Napag-alaman ko kasi na wala si Phia dito. Dahil sa trabaho niya sa Manila. So naisipan kona wala kang kasama, gusto sana kitang samahan." Binawi kung muli kay Sofia ang kamay ko. Nabigla man siya sa ginawa ko, pero hindi naman niya kasi kailangan gawin to, para ano? At higit na hindi magandang tingnan.

 

"Sofia bakit mo to ginagawa?" Tanong ko sa kanya. Naihilamos ko pa ang palad sa mukha.

"A-alin?" Painosente niyang tanong sakin, as if hindi niya alam ang sinasabi ko.

"Ito! Sofia, hindi mo kailangan gawin to!!" Hindi naman ako nababahala dahil nandito siya sa bahay, ano nalang iisipin ng makakakita at makakaalam nito, pano nalang kung umabot pato kay Phia..

Nakita kung nawala sa kanya ang ngiti niya. "A-akala ko ba magkaibigan na tayo?" Napahinga ako ng malalim at kasabay noon ang paghampas ng palad ko sa noo.

"S-sofia. Magkaibigan nga tayo....pero......hindi mo naman kailangan na gawin moto!" Sabi ko sa kanya. Yumuko siya ng bahagya at napansin kung may pinunasan sa pisngi.

Muli akong napaiwas ng tingin sa kanya. "Ryan.. Ipinagluto lang naman kita! In fact, nag-iisa lang din kasi ako ngayon dito sa tagaytay." Mas lalong nawala ang pagkabahala ko dahil sa sinabi niya. Ano nalang sasabihin ni Phia kapag nakarating sa kanya to, eh ayaw na niyang makita at malalamang dumidikit pako kay Sofia.

"Even so!" Napapitlag siya ng sumigaw ako. Nabalik sakin ang tingin ni Sofia. Alam kung mali kung uunahin ko pang isipin ang mararamdaman niya kesa ang unahin ang mararamdaman ni Phia kapag nalaman niya ito..

"Sige aalis nalang ako!" Mahinahon na sabi niya, dahil don mararamdaman mo ang sakit at lungkot.

Ilang sandali akong natigilan at napapikit kasabay ng paghilamos ng palad sa mukha.. Pumikit ako ng mariin bago umikot ng tingin sa kanya na ngayon ay palabas na dito..

"Wait!" Napahinto siya sa may pinto without looking at me. Nanatili siyang nakatalikod mula sakin. Mukang hinihintay niya ang mga susunod ko pang sasabihin. Huminga ako ng malalim. Bago magsalita. "Tutal madami ka namang inihandang pagkain, at nandito kana rin lang naman.." Napansin kung napayuko siya.. "Pagsaluhan na natin to!" Dagdag kopa. Ayoko lang namang maging bastos kung basta ko nalang siya paaalisin diba?

Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon