Chapter 43: Friend-zoned

581 12 2
                                    

Chapter 43

Zac's Standpoint

"Bakit ka nag sinungaling sa kanila? Wala naman talaga akong sakit eh." reklamo ni Mara habang nandito kami sa bahay nila. Kakauwi lang namin galing sa Studio, kinausap ko yung ate nya na Manager namin na aalis na ako sa banda. Nung una hindi makapayag pero sinabi ko na mag m-migrate na kami sa ibang bansa, pumayag din. Wala naman daw akong kwenta.

"Manahimik ka nga dyan. Aalis na ako."

"Pagkatapos mo akong tanggalan ng kaligayahan. Iiwan iwanan mo lang ako?" bigla akong napalingon sa kanya. Anong pinagsasasabi nitong babaeng ito? Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"I'm having fun there! Pero dahil badtrip ka pati ako nadamay! Katabi ko na sya eh" sabay pout. Napaisip ako sa sinabi niya.. Katabi na niya.. Ang katabi niya sa kaliwa ay si Kenn habang ako ay sa kanan.

"Ako ang katabi mo kanina?" nag aalangan na tanong ko.

"Ang slow mo! Umuwi ka na nga!!" tapos iyon tinulak na niya palabas ng pinto. Teka, may nag sink in sa utak ko.

"You liked Kenn?" napahinto at nag blush si Mara sabay tulak na naman sa akin.

"Umuwi ka na nga!" umalis na din ako. Napailing na lang ako. May gusto pala sya doon sa weak na iyon. Kumulo na naman ang dugo ko. Naalala ko na naman ang kalandian ng lalaking iyon kay Serah! Mabuti na lang at di ko kaibigan o barkada iyon dahil babansagan ko talaga syang AHAS! Sinipa ko yung bato sa kalsada. Badtrip!

Hindi muna ako umuwi sa amin. Pumunta ako sa may Park. Humanap ng upuan at tumambay. Napalingon ako sa paligid ko. Napamura ako sa isip dahil naiinggit ako. Oo, naiinggit ako. Paano ba naman puro couples ang tao dito. Ako lang ang walang kasama. Badtrip!

Ano ba kasing ginawa ko sa kanya? Galit ata sya sa akin eh. Sa tuwing naaalala ko yung paglayo niya sa akin naaasar ako sa sarili ko! Ikaw, pagkatapos mong yakapin ang mahal mo tapos siya biglang iiwas. Anong mararamdaman mo? Ang sakit dre! Tapos niyakap pa niya si Kenn! Pwede naman ako na lang eh.

Ilang araw na lang ang nalalabi ko dito sa Pilipinas.

Dahil nababadtrip nga ako umuwi na lang ako sa amin. Habang nasa biyahe ako panay ang replay nung kalandian nung weak na iyon kay Serah.

Kitang nagtititigan kaming dalawa kanina bigla ba namang yayain si Serah para samahan siya. Ano ba siya? Lolo? Hindi na kayang lumakad mag-isa kaya kailangan ng yaya? Tapos doon sa Van, pa gentleman pang nalalaman. Alam kong dapat itratong prinsesa si Serah. Pero ang OA nyang tignan nung inalalayan nyang bumaba ang taong mahal ko. Di niya alam patay na siya sa utak ko sa dami ng saksak na ginawa ko sa katawan niya.

Pagkadating ko sa bahay, kumiss lang ako kay Mishka na buhat ni Mommy sabay akyat sa kwarto ko. Hinagis ko lang sa sahig yung bag ko sabay higa sa kama.

Nakauwi na kaya si Serah?

Ang bobo ko talaga! Paano kung di uuwi ni Kenn iyon? Hayss.. Napabalikwas ako ng upo, babalik ako doon. Baka saan dalhin noong kupal na iyon si Serah. Malilintikan talaga siya! Tumakbo ako pababa sa hagdan pero sa isang kisap mata. May naapakan akong malambot na madulas. Ampotek! Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo dito sa hagdan habang sumasakit ang tagiliran.

Tumingin tingin ako sa paligid. Kilala ko ang may kagagawan nito,

"DRIAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!"

"Anong nangyari sayo?" lumabas si Mommy sa kusina at dali dali akong tinulungan makatayo. Pero di ko kinaya dahil napasama ata talaga ang bagsak ko doon sa hagdan.

"Si Dria! Nakikita mo ito Mommy?" kinuha ko sa paanan ko yung balat ng saging. "-she planned this!"

Kinuha naman ni Mommy iyon at bumalik na sa kusina at ako naiwan dito. Maya maya lumabas na din si Dria, lumapit siya sa akin habang nasa likuran niya si Mommy at may hawak na tsinelas. Siguro papaluin.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon