CHAPTER 38 [Past love story]

878 39 2
                                    

CHAPTER 38 [Past love story]

(JANINE'S POV)

"Thanks for your cooperation" sabi sa akin at nagkamayan kami. Isa na akong successful na business woman.

Kasalukuyan akong nasa office at nagbabalak umalis. Pupuntahan ko pa kasi yung taong buong buhay nya ikinulong ang sarili sa bahay nila. Bago ako dumeretso nag ayos muna ako.

Nung nakarating na kami sa bahay nila. Kinatok ko ng mga tatlong beses ang pinto.

"Excuse me? Pabuksan ako ng pinto?" tawag ko sa taong nasa loob. Mga limang minute na hindi pa rin ako pinagbubuksan. Halatang ayaw akong papasukin. Pinihit ko ang door knob na naka bukas pala.

Pumasok na ako ng walang paalam sa loob. Isang tao lang naman kasi ang may ari at nagiisang nakatira rito. Dumeretso ako sa sala nang makita ko sya.

"Anong ginagawa mo rito?" mataray na bati nya sa akin. Isang matipuno at nag aalab sa ka-appeal-an na lalaki ang kasalukuyang umiiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.

Hindi ko akalain lalaki ng ganitong kasobrang gwapo si Ace.

"Kailan ka pa tumanda ng ganyan? Uso ang TV ngayon para sa balita" puna ko rito. Inilapag ko yung bag ko sa upuan na nasa harap nya. "Ba't hindi mo ko pinagbubuksan ng pinto?"

"Ikaw lang naman ang bumibisita sa akin dito eh!"

"Ba't ba ang taray mo lagi sa akin? Hindi mo ba nakikita? Ako na nga lang ang dumadalaw sa'yo rito eh."

"Ikaw lang kasi ang nakakaalam na dito ako nakatira! Hindi ako makalabas ng bahay ng maayos dahil dyan sa mga istatwang nasa labas! Daig ko pa ang na house arrest!"

"Ikaw kasi eh! Sabi ko naman sa'yo eh, sinira mo yung deal natin!?" sabi ko sa kanya at sumama na naman ang titig nya sa akin. "Ano? May ginawa na naman ba ako?"

"Sinira mo yung buhay ko!?"

"Yan ka na naman! Lagi mo na kang sinasabi sa akin yan Sanay na ko! Sanayan na lang talaga" sabi ko habang nakangiti sa harap nya.

Padabog nyang ibinaba yung harap nyang newspaper. Tumayo at seryosong nakatingin sa akin.

"Ano bang dahilan ah?" tanong nya. Ramdam mo yung pagkairita nya sa harap ko.

"Dahilan?"

"Dahilan mo para sinarin yung buhay ko?" tanong nya sa akin. Napakamot sya ng ulo. "Wala ng nagawa yung magulang ko dahil sa desisyon nyo ni Lolo. Marami ng nag aalala sa akin!? Bakit mo ba sinisira ng tuluyan yung buhay ko ah!"

"What do you mean? Dahilan kung bakit nagustuhan kita?"

"Oo yang dahilan kung bakit napagtripan mo ko!"

"Sige ikukwento ko sa'yo" banggit ko at tumayo rin para haplusin ang makinis nyang mukha. Kaagad naman nyang hinawakan ang kamay ko at inilapag sa lamesa.

"Ikwento mo na ng magkadahilan ako!" masungit nyang sabi. Simula nung araw na nalaman ng lolo nya kung saan sya matutunton at sapilitan syang inilayo. Hindi na sya naging masayahin, palabiro at maamo tulad ng dati.

Wala na kasi syang naging bagong kaibigan. Hindi na rin sya lumab as ng bahay. Oo nga't nag aral sya sa states at nakapagtapos ng Business Administration na course pero hanggang ngayon hindi pa rin sya pumapasok sa company nila para mag umpisa.

Inaamin ko na minsan na kokonsyensya ako. Lalo na lagi nyang sinasabi sa akin na 'Sinira mo yung buhay ko!' at lagi nyang pinaparamdam yun bawat dalaw ko sa kanya.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now