CHAPTER 27 [Apple and Andrey 3]

793 42 5
                                    

CHAPTER 27 [Apple and Andrey 3]

(APPLE'S POV)

Tapos dinaanan ko lang uli sya at naglakad. Napakamot naman ito ng ulo at hindi na naman tinigilan sa pagsunod. Ako pa ba??

Hanggang sa nakadaan kami sa mabatong lugar.

Bawat tapak ko sa bato na papatingkayad ako ng sobra.

Ano kaya kung maglaba na lang ako? Ang taas ng pride ko eh.

"Hoy! Ano ba yan Orange?? May sugat ka na!!" inis nito sabi at bigla na alng nya akong binuhat mula sa likuran ko.

"HOOOOOY! Ibaba mo ko!"

"Magiingay ka o hahalikan kita?"

"Kala mo naman kaya mo!! Eh takot ka nga sa pinsan ko eh. Di mo magagawa yun!" inis ko sabi. Hindi na ako nagpumilit kasi masakit naman talaga yung paa ko.

Habang buhat nya ako idinala nya ako sa patag na damuhan at doon pinaupo. Seryoso syang nakatingin sa akin habang hawak yung isa kong sapatos.

"Ayoko na makipaglaro ng habul habulan sa'yo ah? =____= Tagala bang hindi mo isusuot to?" tanong pa nya.

"Hindi ba sabi ko hindi ko isusuot yan habang hindi mo sinasabi sa akin yung pinagusapan nyo ni Cress! Hindi ko isusuot yan!"

"Pagsinabi ko ba hindi mo ko iiwasan? Tapos susuotin mo to?" tanong nya at yumuko.

"Oh Anong drama yan??"

(ANDREY'S POV)

"Kala mo ba madali magsalita? Itong isip bata na to~"

"Mang aasar ka ba o magkukwento?" tanong nya pa.

( =_=) Nakikipag away na naman sya. Tumahimik ako at umupo sa tabi nya. Sasabihin ko ba?

Paano kung iwasan nya ako?

O baka isumbong nya ako kay Cress?

"Ano!? Oh isuot mo na! sasabihin ko naman sa'yo eh!? Promise?!" sabi ko rito at ibinigay sa kanya yung sapatos kinuha naman nya ito at isinuot sa paa nya. "GustoKasiKita"

Ipinikit ko pa yung mata ko at dahang dahang iodinilat nakangiting nakatingin sa akin si Apple.

"Alam mo ba.... Kanina ko pa gustong isuot to! Ang sakit na ng paa ko eh!? Oh? Ano sabihin mo na?"

"Ha? Hindi mo ba ako narinig? Sinabi ko na ah!?"

"Joke time ba? Wala ka pa ngang sinasabi eh!?" sabi nito. Seryoso? Hindi nga nya narinig. Ang bingi naman ng ilong nito! "Hoy! Ano ba? Ikwento mo na! ng makauwi na ko nagugutom na ako eh!?"

"Tara kakain muna tayo!?" inis kong sabi at hinila sya. Hindi namna sya naglaban at sumama sa akin.

Nakakainis namna! Uulitin ko pa ba? Eh takot na takot akong sabihin sa kanya at baka patayin ako ng pinsan nya. Tapos ng sinabi ko naman ng harapan sa kanya bhindi naman pala nakinig. Tuloy pa yung pagrereklamo nya sa paa nya. Paano na to?

Lord, alam ko po at inaamin ko po sa Inyo na makasalanan akong tao. Ang dami ko na rin pong nalokong mga babae. Siguro nga'y parusa Nyo na po sa akin ang makilala ang makulit na babaeng to at mag asal torpe sa sarili ko. Pero lumalapit po ako sa Inyo ngayon para humingi ng lakas na loob. Kayo na po ang bahala sa akin.

Pumasok kami sa isang Native na kainan na malapit lang sa lugar. Kilala kasi itong kainan nato dito sa Bulacan. Puro native delicacies at mga food na kilala dito sa lugar.

Ako ang umorder sabi nya guso nya yung kakaiba. Kaya ako na ang pumili. Hanggang sa nahanda na nga sa kainan yung mga pagkain.

"Ano to? Andrey?" tanong ni Apple. Kinain nya yung isang prito sa harap nya. "Ipakilala mo sa akin lahat yan! Dali dali!"

"Okay, ito! Pritong palaka na pinalamanan ng giniling tapos ito naman ay.... Hoy! Hoy! Ano? Nasusuka ka?" tanong ko rito at inimas yung likod nya. "Ang takaw mo kasi eh!? Ito oh!? Tubig"

"Ohem!!!! ANDREY! Exotic food naman yung enorder mo!!!"

"Sabi mo kakaiba? Anong mali roon!?"

"Ehhhhh!? Ayokong magsalita ng masama pagkain kasi to eh!? ARGH! Nakadalawa na ako nito eh! Ano ba to!!!" tanong nya na maluha luha. "Ano to?"

"Ayan ba? Ano???... Ummm... daga~" sabi ko rito na medyo mahina.

"O_O OH EM GEE!!!!! Kinain ko si Mickey mouse!!!! Don't tell me?? Si Minnie mouse na to!!!!" sabi nya at itinuro yung adobong daga na nawala yuing kalahating katawan. Tapos umiyak na to sa upuan nya.

"Pffffft~ hahahahaXD" halos mamatay ako sa kakatawa.

Ilang oras ako lang din ang nakakain ng maayos. Sya? Hindi na nya tinuloy yung pagkain. Gabi na ng makalabas kami sa kainan na yun. Best experience ko yung kinain ko si Mickey ang sarap nya sobra. Hindi naman kami maarte pagdating sa pagkain sakto lang na sobrang kakaiba lahat ng inorder ko.

Naglakad na kami dahil ihahatid ko pa sya sa bahay nila. Nang mapansin ko na hindi na pala ito sumusunod sa akin.

"Hoy! Iuuwi na kita! Gabi na!"

"May hindi ka pa sinasabi sa akin"

"Bukas ko sasabihin!? Pramis!!!"

"Hindi! Sabihin mo na ngayon o hindi ako uuwi?"

Ayan na naman sya!

Lumapit sya sa akin at hinawakan yung balikat ko.

"Ano ba? May bukas pa hoy!"

"sabihin mo na..."

Tapos pagkasabi nya nun nagiba na naman yung atmosphere sa amin.

"Ipangako mo na hindi mo ko lalayuan ah!? Hindi mo naman kailangang malaman tungkol sa pinagusapin namin eh. Ang totoo nyang Apple" sabi ko at napalunok. Lumipat ata si Mickey sa puso ko. Sobra akong kinakabahan eh. "Apple... I... I... I... I..."

Nauutal ako.

"I?"

"I... I'm Andrey"

"Susme! Alam ko naman!? Joke time na naman to eh!? Sabi na eh!?... hindi na kita kukulitin."

"SABI KO I'M ANDREY AND... I liked you" sabi ko at walang hingahan. Nanlaki yung mata ni Apple sa akin. Tapos mamaya maya umiyak na naman sya. "Hoy! Hindi mo naman kailangang umiyak eh. Kaya ko namang ipamukha sa'yo na hindi kita gusto, kung ayaw mo?"

"Hindi yun eh! Kasi kanina... akala ko kasi... nabingi lang ako! Kala ko niloloko mo lang ako eh?!" sabi nya na umiiyak ng sobra. "Sabihan mo na ako na isip bata lagi pero... Andrey ngayong araw na akala ko iiwan mo ko anumang oras tapos hindi pala."

"Syempre hindi kita iiwan Apple"

"Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko Andrey!" sabi nya at umiiyak. "I like you too"

size:1UҮ

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon