CHAPTER 21 [follow her]

1.1K 50 0
                                    

CHAPTER 21 [follow her]

(TRINITY'S POV)

Bwisit naman! Kainis kahit kalian! Kailangan ba sa harap ko pa iannounce yan? Hindi ba pwedeng ibulong na lang nila sa isa't isa?!

Hindi ko matigil yung pagtulo ng luha ko. Teka ba't ba ako umiiyak? Siguro hindi ko lang matanggap na pinagpalit na pala ako ni Ace. Sa Janine na yun!

Nakalabas na ako ng school. Hindi ko alam kung san na ako pupunta pero ang gusto ko lang malayo sa dalawang yun.

"Trinity!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin habang mukha akong tanga paiyak iyak na naglalakad pa rin.

Si Cress.

Napahinto ako sa paglalakad hanggang sa naabutan na nya ako.

"Ba't mo ba ako sinundan?" tanong ko rito. Napakapit sya sa ulo ko. Mahingal hingal pa itong nakahawak sa mga tuhod niya.

"Sandali? Pwedeng h-huminga?" tanong nya sa akin.

"=____= Yung totoo?" pabalik kong tanong rito at tumango tango sya. "Iwan mo na nga lang ako Cress!"

"Huyhuy! Inaasar ka lang naman"

"Nagawa mo pang mang asar ngayong pagkakataon na to ah"

"Ba't ba kasi masyado kang affected sa nangyare?"

"Normal lang yun!" asar kong sabi rito. "Ikaw ba naman Makita mo yung taong gusto mo na may kasama o may gusto ring iba, matutuwa ka ba?"

"parang ako lang pala eh" sabi ni Cress sa akin. Nagtataka akong napatingin sa lalaking to. Huminga sya ng malalim para makabawi sa hangin. "Kayo ni Ace... ganyan kayo sa akin eh -.- Hindi ba?"

=_=

Hindi ko maialis yung sarili ko sa titig nya. Mas seryoso pa kasi ito sa akin.

"=_= T-tigilan mo nga ako dyan!"

"Tingnan mo to? Iwas agad sa topic ah"

"Pwede ba? Cress ngayon ka pa nangasar ng ganyan. Kita mo tong badtrip na bastrip na ko sa Ace na yan eh! Tapos sumunod ka pa para mang asar lang"

"Oo na!" sabi nito at inakbayan ako. Napasama naman ang titig ko sa mokong na to. "Hindi ba humingi ka ng pabor sa akin? Tanda mo pa?"

"Hindi mo naman ako kailangan akbayan eh" sabi ko rito. Tinanggal ko yung isang kilo nyang kamay. "Tanda ko pa! sabi ko tulungan mo kong iwasan si Ace. Hindi mo na kailangan pang gawin yun wala sya rito."

"Ahhh Ace!" sabi nito na nakatanaw sa lugar na nasa likuran ko. Automatic na napalingon ako ng mga 360 degree. =_= hindi naman feeling ko lang. Para kasi akong magkaka stiff-necked ako. Kasing bilis kasi ng kidlat ang paglingon.

Tutal nakalingon na lang din ako. Nilinga linga ko ang paligid saka humarap kay Cress.

"Wala naman sya-ARAY~" reklamo ko ng bigla na lang nya akong pinitik sa noo pagkaharap ko sa kanya. "Ano ba yun?"

"Yaan si Ace oh? -.- Andyan sa ulo mo lagi!" sabi nya at bahagya pang hinila ang buhok ko. "Tara na ilalayo kita kay Ace, tatagalin ko sya dyan sa kokote mo"

Hindi na ako nagreklamo. Tutal ayoko na rin naman umiyak. Atsaka hindi ko rin naman gusto ang makita pa ang mukha nun. Sumunod lang ako habang hila hila ni Cress ang manggas ko.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now