CHAPTER 32 [Bitterness 4]

850 43 1
                                    

CHAPTER 32 [Bitterness 4]

(JANINE'S POV)

"Wow Ace! Behave ka ngayon ah?" tanong ko sa kanya. Tinawag kasi sya kanina ni Ryler kaya lumapit to at kaagad naman na lumapit sa akin.

Masama ang tingin nya sa akin at inirapan ako. Ayun na naman inilabas na naman nya yung nguso nya na humahaba sa tuwing tatabi sa akin. Umupo ito sa tabi ko.

Kikiligin na sana ako ang kaso alam ko naman na tumabi lang sya sa akin kasi may deal kami. =_____=

"Kagatin kita dyan eh! Don't talk to me!" sagot nito at ipinakita pa yung front view ng nguso nya.

"Gawin mo nga!" sabi ko at ngumuso. Tumiklop kaagad yung bibig nya at inirapan uli nya ako. Lumayo sya ng kaunti sa akin.

"Ewwww!"

"Arte mo!" sabi ko sabay irap ko sa kanya.

Nakakapaglakad na ako kahit na nagiwan ng pilat yung ginawa kong sugat sa sarili ko. Nagmistulang misteryo na lang ang nangyare sa amin ni Trinity at wala ni sinong nakakaalam sa tunay na nangyare. Wala rin naman akong balak buksan pa yung topic na yun baka mabuko pa ako sa ginawa ko eh.

Maski si Ace hindi nya alam ang nangyare.

"Masaya ka naman eh?" sabi nya at nakatingin banda sa dulo kung nasaan sila Trinity at Ryler. Sya na naman ba?

Halata sa kinukilos ni Ace yung inggit. Paano ba naman simula nung tinupad nya yung deal namin hindi na sya ganon nakipaghalubilo sa mga kaibigan nya. Its better, solo ko lang sya.

"Hwag mo syang lalapitan ah!" babala ko kay Ace. Nakakaramdam na naman kasi ako ng kakaiba sa kanya ngayon. Okay na nga kami na nilalayuan nya si Trinity nitong nakaraang araw eh. Madali na lang kasi yung mapasaakin si Ace, konting seduce pa.

"Problema mo? Ginagawa ko naman ah! Ano pa ba yung gusto mong gawin ko?" inis na tanong nya.

"It's either magpapakatanga ka or magmomove-on ka na kaysa naman sa nagiinarte ka!"

"Below the belt na yan ah!"

"Excuse me, naka p.e. pants ka. Hindi ka nakasuot ng belt"

"I know! Hindi mo kailangang gawing litteral no!" sabi nya at tumayo. Itinuro nya yung P.E. teacher namin natinatawag yung pangalawang batch para maglaro. Kami yun at kasama sila Trinity.

Hula ko iiwan na ko nito oh! Tapos pipiliing mag plaro ng basketball. Alam ko naman e! Hindi ko na kailangang magdrama pa rito.

"Hoy!" tawag nya sa akin at inalok yung kamay nya sa akin.

"Ano yan?"

"Kamay!"

"Alam ko! Para saan? Isasampal mo ba sa akin?" tanong ko rito at inirapan sya.

"Tsk~ Arte mo! Amina nga yan!" asar nyang sabi at hinawakan yung kamay ko para tumayo tapos hila hila nya ako papunta sa team namin para sa basketball. "Hindi kami makapaglaro kapag wala ka!"

Kinikilig ako hahahahaha!

"Syempre! Kagrupo ka namin tapos magkabatch tayo. Hwag kang pabigat ah!" dugtong nito.

"Ay akala ko maamo na?"

"Seriously? Hindi porket galit na galit ako sa'yo dahil sa pangengealam mo ibig sabihin ayaw ko na sa'yo still tao ka pa rin." Paliwanag nya. "Naniniwala ako na lahat ng tao ay nagbabago"

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon