CHAPTER 18 [Master Ryler/ Hokage]

1.2K 50 10
                                    

CHAPTER 18 [Master Ryler/ Hokage]

(RYLER'S POV)

"Huy! Tara na! dali na!" tawag ko kay Ace mula sa labas ng maliit na gate. Balak ko kasing itakas ang lalaking ito -.- pero hanggang ngayon nagtataka pa syang nakatitig sa akin mula sa loob ng school. "Huy! Ano ka ba? Nagbibilang ng alikabok? Tara na!"

"Wait! Hindi ba ako mapapahamak dyan sa plano mo?! At talagang saktong wala pa ang guard ng lumabas ka ha?" tanong nya sa akin. Eh ewan ko ba? Kala ko ba matalino to.

"Naiwan ba yung utak mo sa state? Syempre isasakto ko talaga na wala yung guard ng makalabas tayo. Anong gusto mo ipagpapaalam ko pa. Hindi tayo papayagan nun Ace" paliwanag ko rito. Para akong naiihi kung makipag usap sa kanya sa pagmamadali ko. "Uy! Ano na?!"

"sandali... ipagpapaalam ko muna kay Agi" sabi nya at tumalikod. Kaagad akong sumugod sa kanya at hinila na lang ito palabas.

"NO! NO! NO! NO!" sabi ko sa kanya. Nung makalabas na kami sa gate nakahinga na ako ng maluwag. "Wooosh~ Oh di ba!"

"Anong oh di ba? Hindi totoo yung mga pinagsasasabi mo no?"

"Totoo yun!!! ^__^ tutulungan kitang enjoyin ang buhay. Kumapit ka lang sa akin kapatid" sabi ko sa kanya.

"Hindi yun... HIndi ka nagpaalam kay Agi no??"

O_O Nakuha nya agad???

Kaagad ko sya muling inakbayan habang palakad kami palayo sa school.

"Hindi ba ang sabi ko wala munang mag uusap tungkol sa babae. It's BOYS DAY!!!"

"at kalian pa na declare yan??" tanong nya sa akin.

"so shut up ka na lang" sabi ko sa kanya at nung Makita ko na yung hinihintay namin saka ko sinabi sa kanya. "Nandyan na pala sila... Hey guys!"

Lumingon ang mga ito sa amin. Sila yung mga sinasabi kong kasama namin at sila rin ang may alam kung saan yung daan doon.

"Ano? San tayo pupunta?" tanong ni Ace. Hinayaan ko na lang sya mag isip. Nung nasalubong na namin yung iba naming kasama saka ko sya pinansin.

"Sa heaven! Hey guys! Si Ace nga pala." Pakilala ko sa kanila. Mga nasa apat lang naman ang dumagdag sa amin ni Ace kaya hindi ganon kaingay.

"Newbie?" tanong ni Xander. Sya yung pinaka matangkad sa amin ngayon. Tumango tango ako. Parang ewan naman makatingin sa amin si Ace. "Hi Ace! I'm Xander. Are you ready?"

"Ready, for what?" tanong ni Ace. Halatang baguhan pa lang ito.

"Of course we are! Ipinanganak kaming laging handa! Di ba Ace?" tanong ko at niyugyog na lang sya.

"Haha. Lagi ka na lang ganyan Ryler... sige na. Sabay sabay na tayo!" sabi ni Xander.

Ngumiti na lang yung iba naming kasama at saka nagpatuloy na uli sa paglakad papuntang heaven.

"Ano bang kalokohan to Ryler?" pabulong na tanong ni Ace sa akin. Inakbayan ko uli sya para makapagusap kami ng deretso at pabulong.

"Hindi to kalokohan!? Pagpapakasaya to!!!"

"Ewan ko kung anong tawag mo sa pinaggagagawa mo pero deretsuhin mo na ko... anong heaven?"

"Heaven! Makikita mo na mamaya! Hwag kang excited!?"

"Ayan ka na naman eh!? =_= Pakisagot naman ng maayos yung tanong ko"

"( =_=) kapag sinabi ko hindi ka naman sasama~" napaka hina kong bulong rito.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now