CHAPTER 26 [Apple and Andrey 2]

826 37 0
                                    

CHAPTER 26 [Apple and Andrey 2]

(ANDREY'S POV)

*FLASHBACK~

Hindi ako nakapasok kahapon kasi nagpacheck up ako. Feeling ko kasi may mali sa heart ko. Pero nung pagkadalaw ko sa doctor pinagtatawanan lang ako. Tinanong ng doctor sa akin kung sino raw ba yung babaeng nasa isip ko nitong nagdaang mga araw.

Hindi ko na sya sinagot tumakbo na lang ako palayo. Kaya naisip kong kausapin na lang si Cress ngayong araw. Pumunta ako sa kanila at nakabusangot na mukha ang nadatnan ko.

"Oh? Ba't nandito ka?" tanong nya.

Pumasok na agad ako sa loob at ininum yung orange juice na nakapatong sa lamesa nya.

"May problema ako pre!" pag oopen ko sa kanya.

"Lumabas ka na"

"Wait lang! hindi ko pa nga sinasabi sa'yo eh!?"

"So plano mo talagang idamay ako riyan. Beastmode ako ngayon kaya kung---"

Kaagad akong sumingit sa pagdadrama nya at pagpapahiwatig na lumayas ako sa room nya.

"TinginKoPreInLoveNaAko"

"Ha? Ano??? Labas naman sa ilong yang pinagsasasabi mo. Ano yun?"

"Tingin ko ano??? Tingin ko lang naman eh... parang ano ata ako... tingin ko in love a-ata ako eh. Tingin ko lang!"

Mangisingisi syang syang umupo sa bakanteng upuann sa harapan ko. Feeling nya ata joke time ito kaya kung makatawa na sya parang nasisiraan lang ng bait.

"PWAHAHAHAHA! ANo sabi mo? In LOVE KA?"

"Alam mo naman pala eh ( =_=) Ipapaulit pa sa akin?"

"Seriously? Ikaw na kilalang babaero in love. Pero sige maniniwala na ako kasi Pfffft~ ngayon mo lang nasabi sa akin yan since nagumpisa kang mambabae eh hahahaXD sino ba yan?" tawang tawa nyang sabi. Ano nakakahinga ka pa? Puro tawa eh. Kala ko ba beast mode ito? Grabe nakakain ata ng kaligayan sa katawan eh.

"Total nasa good mode ka na eh... tingin ko.... Si...."

"Si Isabelle ba yan? Yung sinabi mo sa akin na katextmate mo?"

"Hindi, si..."

"Si Anne? Or si Belle? O baka naman yung babaeng nakilala na sa bar si Lea. Oo pre si Lea nga! Hindi pa yun yung type mo.... Sexy, attractive at may sex appeal. Sya no?"

"Wala pa nga akong sinasabi kung sino sino ng mga babae yung pinagsasasabi mo dyan"

"Eh Sino nga??? Ang tagal mo kasing magsalita"

"Patapusin mo ko! Si Apple!" mabilis kong sabi at nilakihan nya ako ng mata. "Si Apple! Si Apple! Hindi ko alam pero tingin ko si Apple."

"malabo lang yung mata mo... Impossible! Hwag sya pre. Wala akong tiwala sa'yo eh" deretsong sagot ni Cress sa akin at naging seryoso na ang atmosphere. "Pre ako makakaharap mo. Hwag si Apple ang pagtripan mo"

"Seryoso ako simula pagkapasok ko. Kaya ako lumapit sa'yo kasi---"

"Hwag mong ituloy hindi ko kaya... naduduwal ako"

"Ayan ka na naman eh!?" asar kong sabi rito.

"Seryoso rin ako! Nakainom ako kagabi eh" sabi nya at humarap uli sa akin. "pre wala na akong planong makipagusap sa'yo... biglang sumama yung timpla ko. Hindi naman ako si Apple para sabihan mo ng ganyan eh!? Kung gusto mo sya ang kausapin mo... basta yan kung ano man ang labas nyan at nalaman ko na nangtitrip ka lang. Ihanda mo na yung kabaong mo ako mismo maglilibing sa'yo"

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon