CHAPTER 25 [Apple and Andrey 1]

891 42 1
                                    

CHAPTER 25 [Apple and Andrey 1]

(APPLE'S POV)

On the way na ako sa dorm ng pinsan ko. Wala naman kasi akong magawa ngayon weekends so naisip ko na rin na manira ng buhay -.- Tutal yan naman ang turing nya sa akin since birth hindi na ako naging swerte sa kanya.

Pero bago yan kailangan ko munang magpaalam kay Ate Mae. Bawal ang basta bastang bisita rito eh!?

Yung nandoon na ako sa dorm.

"ATE MAE! BUKSAN MO NA! ATE MAE!" sigaw ko rito.

"SINO BA YANG TUMATAHOL NA ASO DYAN PAKAININ MO NA GUTOM NA ATA" rinig ko na sabi ng asawa ni Ate Mae. Aso pa ako ngayon??

"Oh? Apple =_= Nambulabog ka pa talaga ngayon? Ano yun?" tanong ni Ate Mae.

"Yung asawa nyo inaaway ako" sumbong ko rito.

"Okay lang yun Apple akala ko rin may tumahol na aso sa lakas ng boses mo eh!?" paliwanag ni Ate Mae. Wala talagang kakampi sa akin? "Oh? Napadalaw ka?"

"Bibisitahin ko po si Cress ahhh!?" paalam ko rito.

"O sige lang pero meron din atang bumisita sa kanya kanina eh hindi ko lang matandaan yung pangalan" sabi ni Ate Mae at tila nag iisip. "sa letter A naguumpisa ang pangalan eh... nakalimutan ko na!"

"Ummmm... A ba? A—Albert Omaygad Si Albert yung mapus!!"

"Anong mapus?"

"Mapustisong lalaki!"

"Pustiso??? Hindi ehhh! Hindi sya!?"

"HALA O_O Hindi kaya si Angelbert?"

"Nasa kulungan yun ahh? Dating dito nagdo dorm yun. Hindi hindi sya!" sabi ni Ate at napakamot ng ulo.

"Ahhh kilala ko na Ate Mae =_= Muntikan ko ng makalimutan ang pangalan neto si Aljon yan no??"

"=_= San mo pinagkukukuha ang pangalang yan! HIndi sya! Basta A!!! Pumunta ka na lang dun" inis na sabi ni Ate Mae at pinag sarahan ako ng pinto.

Sino si Aljon? Hala wala na akong kilalang letter A na naguumpisa na pangalan. Nagpapinoy henyo pa talaga si Ate Mae sa akin. Dumeretso na ako sa paglalakad. Nang biglang may pumasok na pangalan sa isip ko...

NO WAY....

Is it Ace?

Si Ace ba? Patay! Pag si Ace yun baka nagsapakan na yung dalawang yun?!

Kaagad akong kumaripas ng takbo. Sa pagmamadali ko naiwan ko pa yung isa kong sapatos sa hagdan hanggang sa nasa pinto na ako ng room.

"WOAH! CRESS! BUKSAN MO! CRESS PLEASE DON'T DO THIS! HINDI MO MASOSOLUSYONAN NG GANYAN KAPAG GALIT ANG INUNA MO! PLEASE C-CRESS!!!!" sigaw ko at pinagpapalo ang pinto Mamaya maya bumukas ang pinto.

Mukhang galit na galit na may halong pagkadismayado ang mukhang nakaharap sa akin.

"What are you doing?" tanong ni Cress.

"Ohmay gasss! Where's Ace? Nandito raw sya sabi ni Ate Mae" sabi ko rito at pumasok sa loob.

Nang makita ko na may kasama nga sya sa sala. Si Andrey... Si Andrey na hindi sumagi sa isip ko nung nag guess-who? Kami ni Ate Mae. =______=

"Hey! Orange!" bati nya sa akin at itinaas ang kanang kamay.

=____= Kausap mo? I'm Apple.

"Sabi na eh =_= Tumawag kanikanina lang si Ate Mae. Bibisita ka raw hinala nya magwawala ka na naman papunta rito tama nga sya" pagkwento ni Cress.

Umupo ako sa sofa at ininum yung orange juice na nasa baso na nakapatong sa lamesa.

"Ba't ba puro ganyan kasama ang tingin nyong mangayyare kapag bibisita ako ah?!" reklamo ko sa kanya at napanguso.

"Kase malas ka!" sabay pa nilang dalawang sabi. Nag join force pa ang dalawang malakas mangasar.

"Oo nga pala. Si Andrey nandito may gusting sabihin sa'yo? =_= Oh Ayan na?" sabi ni Cress at binigyan ng spotlight si Andrey kamuntikan na nito mabuga yung iniinom nyang juice.

"Shhhh~ Cress naman!!" reklamo ni Andrey.

"=_= Bakit? Wala ka bang sasabihin? Hindi ba kaya ka nagpunta kasi magpapaalam ka sa akin na baka pwede mong alam mo na si Apple!!?"

"Anong alam mo na? Ano yun Andrey?" tanong ko rito. Malamang sa malamang ako ang topic nila kanina sa paguusap nila. "Ano na naman ba yung pinagkakalat mo sa akin Andrey!!"

"BIBIG MO~ HUY!" sigaw ni Andrey at parang timang na sumugod kay Cress saka tinakpan ang bibig nito. "Shhhhh~ Shhhhh~ Shhhhh~"

"Anong klaseng sound effect yan? Hoy! Ikaw! Yung sinabi ko sa'yo tandaan mo yun ah! Masasakal kita" babala ni Cress dito.

"Hello! Nandito pa ako! Ano ba yun? Sabihin nyo sa akin!!" pangungulit ko sa dalawa. May matinding secret talaga ang mga to eh!?

Hinawakan ni Cress ang isang kamay ni Andrey. Bigla namang sumugod sa akin si Cress at gamit ang isa nyang kamay hinila nya kami palabas ng room nya.

"HWAG KAYONG LALAPIT SA AKIN AH!? UMALIS NA KAYO!!"

*BOOOOGSH~

Ayan pinagsarahan nya kami ng pinto. =_= Akala ko pagbubuksan nya pa kami pero mga 5 minutes na ang nakakaraan hindi pa nya magawang silipin kami kahit sandali.

"Kasalanan mo Grapes!" sabi ni Andrey habang nakaupo sa sahig sa harap ng nakasaradong pintuan ni Cress. "Dadating dating pa kasi eh~"

"HOY! KAPAL MO! NARINIG KO YUN! Ako na naman yang nakita mo! Eh ikaw nga ang nangulit doon inunahan mo pa ako!?"

"Wow ah~" reaksyon nya.

"Wow ah! Wow ah ka pa dyan! Galit ako sa'yo! Tandaan mo itong araw na to ah!?" sabi ko sabay irap sa kanya. Tumayo na rin ako at nagbalak ng umalis. Nakakainis ang unggoy na yun. Matapos umabsent kahapon ng walang paalam. Aawayin pa ako!? Wow ah~

Naadapt ko na ata ang Wow-Ah!-Reaksyon??

Naglakad na ako pababa ng hagdan ng biglang may humatak sa akin. Tiningnan ko yun at nilakihan ng mata. Si Andrey lang naman yun na humabol sa akin paalis.

"Hoy! Hwag mo nga akong hawakan!?" mataray kong sabi rito.

"Tigilan mo nga yan hindi bagay sa'yo!?" reklamo nya at itinuro yung kanang paa ko. "Na saan na yung isa mong sapatos? Kinain mo ba?"

"Bahala ka dyan!!" sigaw ko at hindi na lang ito pinansin. Paki ko ba kung isang sapatos lang yung dala ko. Wala akong paki!? Tingnan na nila ako magsawa sila sa akin.

"Baliw to!" reaksyon nya. Pa baliw to! Baliw to! Pa sya dyan! Hindi nya ikapopogi yan. "Wait! Sorry na agad. Huy!?"

Hindi nya ako tinigilan hanggang sa makita nya yung isa kong sapatos. Tangay tangay pa nya yun hanggang paglabas ng building. Hindi ko sya pinansin.

(ANDREY'S POV)

Malas naman oh? Mukhang akong langay na sumusunod sa tae. Sakto naka dilaw sya ngayon at naka black t-shirt naman ako.

Grabe talaga magtampo si Apple =____= Parang bata! Kahit pinagtitinginan na kami ng tao hindi pa rin sya tumitigil sa paglalakad.

"Pinagtitinginan na tayo oh? Suutin mo na!!" sabi ko at hinahabol ang kanang paa nya.

"Susuutin ko yang kung sasabihin mo sa akin kung ano yung pinagusapan nyo ni Cress" sabi nya at naka cross arms.

=_____= Ayan! Naalala ko na naman kung ano yung pinagusapan namin. Minsan sarap na nga lang kalimutan eh!?

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now