CHAPTER 36 [END OF BEING BITTER]

827 42 2
                                    

CHAPTER 36 [END OF BEING BITTER]

(TRINITY'S POV)

Umiyak na naman ako! Akala ko ba last na yung huli. Lintek ka Trinity! Bumigay ka na naman sa harap nya. Alam mo namang simula't sapul niloko ka na ng manlolokong yan. Ano? Magpapaloko ka pa uli?

"Trinity" tawag nya ng pangalan ko. Ayan na naman yung lintek na boses na yan. Iniharap nya ako at pinatingin sa mukha nya. "...Hindi ko ginusto na sabihin sa'yong sumuko na ko, hindi naman totoo yun! Si Janine, sinabi nya sa akin na kapag hindi pa kita nilayuan papahirapan ka nya. Alam mo yung nangyare sa inyo sa locker room, yung accidenteng nangyare kay Janine. Naniniwala ako sa'yo nun... alam ko na rin na ginawa nya yun bilang panakot sa akin."

"Sa tingin m---" hindi ko na natuloy ng bigla nyang tinakpan ang bibig ko para hayaan siyang makapagsalita. Ayan na naman sya sinusubukan na naman nya.

"Maniwala ka sa akin! May contact sya sa lolo ko kaya nagbigay sya ng deal sa akin na hindi nya ipapaalam yung kinaroroonan ko as long as magpapanggap akong boyfriend nya at lalayuan kita. No choice ako Trinity kaysa naman mapilitan akong ipagkasundo kay Janine dahil kay lolo mas ginusto ko nun na lumayo sa'yo kahit na ganon nakikita pa rin kita"

"at sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo?" tanong ko sa kanya at panandalian syang napayuko. Mga ilang minute pa nabingi na kami sa katahimikan. Sasabihin ko ba sa kanya?

"Sorry..."

"sinabi sa akin ni Janine na kapag lumapit ako sa'yo ipapabalik ka nya sapilitan sa lolo mo. Ayokong hindi kita makita kaya pumayag ako"

Nagulantang sya sa narinig nya. Hindi nya talaga inaasahang sasabihin ko yung pinagusapan namin. Napakapit sya sa balikat ko. Ang init ng kamay nya ang nararamdaman ko sya malamig na paligid.

Gumaan yung loob ko dahil nasabi ko rin yung itinatagop ko. Kung ganon naipit lang din sya sa sitwasyon.

"Ibig sabihin..."

"ibig sabihin nun, ginawa ko lang yung pagiiwas ko sa'yo dahil ayokong hindi kita makita. Tinabunan ako ng galit dahil kay Janine kaya naging masama ako sa'yo. Hindi ko rin naamin sa sarili kong mahal pa kita"

"Trinity" tawag nya sa akin at napangiti. Gustong gusto kong tinatawag nya yung pangalan ko. Punong puno ng emotion yung mukha nya. Yung kaninang makulit na lalaki na parang walang paki alam sa nangyayare naghalo na lang bigla sa harapan ko. "Ibang iba na tayo sa dati no? Alam mo bang ngayon lang ako nagseryoso ng ganito. Gusto ko lang malaman mo na handa akong magbago para sa'yo kaya ginawa ko yung mga bagay na yun"

"Dito! Dito!" rinig kong boses mula sa labas ng elevator. Nandyan na yung maglalabas sa amin.

"nandyan na yung tutulong sa atin" singit ko sa usapan. Pinunasan ko ang luha ko at muling tumayo. Tumayo na rin sya sa kinatatayuan.

Hinawakan nya yung kamay ko habang pinagdikit nya ang noo naming dalawa. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin nakapikit sya na para bang ninanamnam ang bawat sandaling malapit sa akin.

"Kung ganoon papayag ka ba na... maging tapat na tayo sa sarili natin. Babalik ka ba uli sa akin?"

"Ace"

.

.

.

.

.

.

.

.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now