CHAPTER 33 [Bitterness 4]

786 44 2
                                    

CHAPTER 33 [Bitterness 4]

(JANINE'S POV)

Nakakainis! Dahil sa larong to baka masira na naman yung plano ko! Argh! Lumapit ako kay Ryler habang naglalaro pa kami. No choice ako ito kasi yung P.E. namin eh!?

"Hoy! Ryler! Captain to captain to di ba? Bakit si Trinity yung pinapabantay mo kay Ace!" reklamo ko rito habang nakapamewang. Habang ang lalaking kausap ko kailangan ko pang habulin para lang makausap. "hoy! H'wag ka ngang patakbo takbo! Kinakausap pa kita!"

"Kausap mo ko? May game tayo! Mamaya mo na ko kausapin!" mahingal hingal na sabi ni Ryler at sumenyas kay Andrey na kakampi nila para agawin kay Ace yung bola.

"Sabing ikaw ang magbantay kay Ace! Hwag si Trinity!" asar kong sabi at napasambunot sa sarili.

"Asar ka na? Hindi ka naman captain namin ah... makapagutos ka!" Reklamo nito at inirapan ako. Uso irapan sa amin lalo na kung hindi mo gusto kausap mo. "Atsaka strategy namin yun! Hwag ka ngang manggulo! Doon ka!"

I close my fist. My blood is bursting into my nerves. I can't control my emotion. Tumalikod ito sa akin at nasaktuhan namang may tumulak sa akin mula sa likod. Kaagad kong inangat ang isang paa ko at sinipa yung likod ng tuhod ni Ryler.

Napitohan ako ni Ma'am at panandaliang itinigil yung game namin. Alam nyo bakit? Napaluhod si Ryler sa ginawa ko at kasalukuyang napaparay sa sakit.

"Anong nangyare!?" pag alala na sabi ni Ma'am at lumapit kay Ryler. Hindi makapagsalita sa sakit. "Janine!!"

Nagulat ako sa sigaw ni Ma'am sa pangalan ko. Kaya agaw eksena na naman ako dahil nakatingin sila sa akin.

"Ma'am? Hindi ko po sinasadya! Actually may tumulak sa akin kaya napasub sob na lang ako kay Ryler" pagdadahilan ko.

"Sinong tumulak?" tanong ni Ma'am. Nagtaas ng kamay si Andrey. Sya pala yung nakabangga sa akin.

"Ma'am, nabangga ko sya pero hindi ko tinulak. Atsaka kung may physical contact akong nagawa hindi naman ganoong kalakas" paliwanag ni Andrey. Nagtataka itong nakatingin sa akin.

"Anong hindi! Tumalsik nga ako! Hindi ba malakas yun!!" sigaw ko rito.

"o baka naman tumalsik ka lang mag isa?" napatingin kami sa nagsabi. Nagpapractice ito ng dribble, si Trinity. "... just saying"

Nakakainis! Nakita ba nya? Mukha namang nangaasar lang to. Namuo yung tension namin sa paligid at halos lahat ng kaklase namin nakatingin hindi alam kung sino yung titingnan sa dami ng nasangkot.

"Mukha namang hindi expected. Wala namang sigurong may gustong mangyare yun" kuro kuro ni Ma'am. "...pero Janine ik-"

"Ma'am! I think kailangan nyo na syang dalhin sa infirmary. Kawawa naman oh!" sabi ko at tinuro turo si Ryler.

"r-right! Cancel muna yung laro. Class magsibalik kayo sa room" utos ni Ma'am. Nagpatulong sya sa pag alalay kay Ryler papuntang infirmary.

Who~ buti na lang wala na sila. Baka mabuko pa ko nito kapag nagusap pa kami ng matagal. Hindi pa rin nagsisialisang yung mga kaklase namin.

Kailangan kong magmukhang mabuti!!

Lumapit sa akin na naiiyak si Agi.

"Simula't sapul kay Ryler na ako nakatingin! Kaya alam ko yung nangyare" sabi ni Agi at patakbong umalis sa court para sundan sila Ma'am.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now