CHAPTER 11 [Feelings]

1.2K 60 12
                                    

CHAPTER 11 [Feelings]

(TRINITY'S POV)

"...TRINITY!!!!" tuwang tuwa na tawag ni Apple sa pangalan ko. Kasalukuyan kasing may Orientation kami sa covered court tungkol sa retreat na gaganapin sa Pampanga.

"=_= hindi matawaran ang saya mo ah" pansin ko rito.

"Paano ba naman!!! Tara Trinity! May ipapakita ako sa'yo ^_^ Matatawa ka" panigurado nya. Hinatak pa nya ako papunta sa bleachers bandang dulo ng court.

May itinuro syang tao sa upuan. Nakahiga ito at may nakatakip pang dyaryo sa mukha.

"Sino yang Mamang yan?? =_= ha?" tanong ko kay Apple.

"HahaXD HIndi yan Manong! Tingnan mo..." sabi nito at inalis yung talukbong nun "Si Cress yan XD"

=_= Oo nga si Cress nga.

"Paano ba yan?? Ikaw na muna ang bahala dyan ha??" sabi nito at umalis ng tuluyan.

Anong gagawin ko sa taong to?

"Hoy!" gising ko rito at inaalog alog pa ang ulo nya.

"hmmmp~ Ang epal mo naman!" sabi nya at kumunot pa ang mukha. Pero tulog pa rin sya.

Ang cute naman nito pag tulog!

Kalma lang Trinity! Lumandi ka na naman.

"Hoy!" gising ko uli rito.

"TAMA NA! HWAG MO NA AKONG KWENTUHAN!!!" ayun tuluyan na syang nagising sa pagkakatulog. Akalain mong parang sya yung bida sa Feng Shui kung makagawa ng nakakatakot na mukha. "... Ha??? Ano? -_- Ba't ka nandito?"

"=_= HIndi naman kita kinukwentuhan"

"Ah??? May sinabi ba ako??" tanong nya. Halatang naaalimpungatan pa sya. Napatingin sya sa kamay nya. "Sh*t! sa sobrang antok ko ata dalawa yung nabili kong ticket para sa retreat!!!!"

Ayun galit na galit sya.

May namuo ring parang bangin na malalim sa baba ng mata nya.

"Ano bang nangyare? =_= at puyat na puyat ka ata" tanong ko. Tumayo pa to na may pagewang gewang na kasama. Daig pa ang lasing.

"May sira ulo kasi akong nakasama sa kwarto =_= Gising lang ako para ikukwento nya yung na mimiss nyang girlfriend" pagkwento nya sa akin. Halatang asar na asar sya sa lalaking yun.

"May nangyare ba?"

"Anong nangyare??"

"=_= Nangyare?? Di ba... dalawang tao... magkasama sa iisang kwarto. Ano kaya yung mangyayare?" balik kong tanong rito. Sobrang lumaki ang mata nya at balak pa akong batukan. Buti't hindi nya tinuloy.

"Ano ka ba?? O_O Hindi ako bakla! Sa dorm ako nakatira. Kaya normal lang yung may makasama ka sa kwarto" asar nyang sabi.

"Ah Ganon ba? =_= mas mabuti na yung maliwanag." Paliwanag ko rito. "Abnormal siguro yang kasama mo?"

"-_- Sobrang sobra"

"Ano bang pangalan nya???"

"Sabi nya sya raw si Ac---Oh?" pagsabi nya. Bigla kasing sumulpot si Andrey sa gilid namin. Hingal na hingal sya at mukhang problemado na sobra.

"CRESS! TRINITY! TULUNGAN NYO NAMAN AKO!" pagmamakaawa ni Andrey sa amin.

"Sige lang... pero pag tungkol sa pera... wala na kami dyan" sagot ni Cress.

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon