CHAPTER 14 (Retreat: Wrong way)

1.2K 65 10
                                    

CHAPTER 14 (Retreat: Wrong way)

(CRESS' POV)

Simula nun hindi na sya nahiya at umiwas sa akin. Naging mabuti kaming magkaibigan -.- Pero si Ace ata baka hindi na...

Kasi kasalukuyan nya akong ginugulo sa pag iimpake. Three days kasi ang retreat namin sa Pampanga. Actually napaka simple lang naman yun parang pinasyal lang namin yung lugar.

"OH? Dala mo ba yung tooth brush mo??" tanong ni Ace. Syempre ka roommate ko lang ang taong to. Kaya hindi ko na sya napigilan magkalkal ng gamit ko.

"Nandyan"

"Eh yung brief mo! Mag dala ka ng extra ah! Para sure" paalala ni Ace.

"Kelan ka pa naging instant nanay ko?? Tigilan mo nga yung pagkalkal mo dyan!" asar kong sabi rito at inilayo yung bag ko sa kanya. Nang mapansin ko na parang sasabog na yung zipper at dumoble and bigat nun "Huy! Tatlong araw lang tayo roon! Ba't pang isang buwan na supply ng damit na nakalagay dito ha??"

"^___^7 Ha?? Syempre nag aalala lang ako sa'yo" sagot nya at napakamot ng ulo.

"Nag aalala?? -.- Kasama kaya kita?" sagot ko rito. Tiningnan ko yung bag na hawak nya. Walang kalaman laman. "Ano yan?? Hangin ba ang laman nyan?? Wala kang balak maligo?"

"^___^7 Ah?? Ano..." tawa pa nya. Mamaya maya bigla na lang itong lumuhod at ipinagdikit yung dalawang nyang palad. "Please!! Cress! Palagay naman yung damit ko sa bag mo! Butas kasi eh!?"

"Iplastik mo na lang!"

"Ayoko! >.< Magmumukha akong basurero"

"Bakit hindi ba??"

"Naman eh!?"

Kahit kalian hindi na ito nalipasan ng kulit. Kala mo batang nagmamalimos.

"O sige na-Ah?" papayag sana ako nung nagkataong bumukas ang nakasarang bag. In short, nasira yung zipper ng bag ko. "Ano to?"

"Ayyy ayusin ko baka maayos" sabi ni Ace kinuha nya yung bag ko bumukas lalo yung zipper. In short, wala ng pag asa. "Ayy! Alam mo buti na lang may dalawa pa akong plastic bag dyan"

"Gagawin mo akong basurero??" asar ko sabi rito. Nanira pa ng gamit ang kumag.

"Hehehe! Nagkataon lang ata yan. Ano bang gusto mo hahawakan mo yung gamit mo o ipaplastik?" tanong nya.

-__-

Hindi na kami nagsalita nun kinuha na namin yung plastic bag, Oo mayaman kaming dalawa. Eh? Anong magagawa namin?? Parehas pa kaming layas. Syempre kanya kanyang pagod muna yun para makabili ng gamit.

"Ewan ko sa'yo!" inis kong sabi sa kanya.

"Hehehe! Sorry na!"

"Manahimik ka na!"

"Umm... Cress... Yung party nga pala" pag open ng topic ni Ace habang inaayos nya yung naghalohalo naming damit. "May babae kasi akong nakasayaw nun tapos nagulat na lang ako nung bigla mo syang hinila. Sya ba yung babaeng gusto mo??"

"Oo, sya nga"

"Ah? Nakakapagtaka lang kasi eh!?"

"Bakit??"

"Kilala nya ako... tinawag nya yung pangalan ko eh!?" banggit nya. Oh? Talaga.

"Sigurado ka ba?"

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon