CHAPTER 29 [Bitterness 1]

890 49 0
                                    

CHAPTER 29 [Bitterness 1]

(TRINITY'S POV)

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Cress sa akin habang seryosong naka cross arm sa harap ko.

Ako pa talaga ang tatanungin ng ganyan. Bahay ko kaya to?

"Hindi ba dapat ako ang magsabi nyan?" balik na tanong ko rito. Yumuko ako para kusutin yung mata ko. Halata kasi akong umiyak.

"Bakit ka ba nagkukulong?" tanong nya sa akin.

"HIndi ako nagkukulong! Nagpapahinga la—"

"Nagpapahinga ng tatlong araw? Tapos ngayon na araw ng klase nagpapahinga ka pa rin?"

"Baliktad naman ba ngayon parang dati ako ang nasa kalagayan mo ah!?"

"=.= Yung dati ba? Na ikaw ang sumundo sa akin makapasok lang. Binabalik ko lang ang pabor Trinity" sabi nito at pinigilan nya akong mag salita. Inilagay nya yung palad nya sa bibig ko. "Hwag ka ng magsalita ng kung ano anong salungat sa mga pinagsasabi ko ah! Ang gusto ko magkwento ka sa nangyare sa'yo kung bakit ka nagkakaganyan ha!?"

Daig pa nito ang kidnappan scene. Itinaggal nya kaagad yung palad nya sa bibig ko para makapagsalita. Kahitb na gulong gulo na ako kung bakit nandito itong lalaking to. HIndi ko na sinubukan pang magtanong.

"Si Ace kasi eh..." umpisa ko na may pagngangatal ng boses. Naiiyak na naman ako. Napakamot ng ulo si Cress. Pumapalakpak na ata yung tenga nya kasi tuwing umiiyak ako nitong mga nagdaang mga araw si Ace lagi ang dahilan ko.

"Oh? Ano na naman ba yung sinabi ng mokong na yun?"

"s-sabi nya... sabi nya... pagod na raw sya sa akin~" sabi ko at naiyak na ng tuluyan. "Hindi ko naman gusto ang umiyak eh!? Nasaktan ako bigla hindi ko aakalain na sasabihin nya yun!? Okay lang sana kung hindi na lang nya ako pansinin eh!? Pero sa bibig na nya mismo nanggaling eh!?"

Lumapit si Cress sa akin para abutan ako ng panyo at tubig na dala nya. Nahahalata ko naman na naawa na to sa akin. Wala naman akong malabasan ng sama ng loob. Yung mga dati kong kaibigan lumalayo sa akin. Si Agi sinusubukan nyang suyuin si Ryler para magkabati kami. Kapag kay Kuya ko namang sinabi baka magiskandalo na yun.Baka sugudin pa nya si Ace. Buti na lang si Cress ang dumating sa akin.

Umabot kalahating oras ang pag iyak ko. Akala ko hindina ko iiyak ngayong araw. May round four pa pala. Hinintay ako ni Cress hanggang sa tumahan ako.

"Ayos ka na ba?" tanong nya at tumango tango ako bilang pagsang ayon. Kanina pa sya pakamot kamot ng ulo.

"May kuto ka ba?" tanong ko sa kanya. "kanina ka pa pakamot kamot dyan"

"Nang asar pa to!? Naiirita lang ako! Nakakainis ka kasi pati na rin si Ace" sabi nito at nakakunot ang mukha. "Ikaw hindi ba ayaw mo na doon tapos yung kinukulit ka ni Ace iniiwasan mo. Ngayon na sumuko na sya iiyak ka ng iiyak na ganyan!? Tapos ito namang si Ace napakagulo ng utak! Parang nagising na lang sya na pinalitan ang ulo nya! Bigla bigla na lang magiging ganoon"

Ramdam ko yung galit ni Cress sa aming dalawa ni Ace. Maski sya nadamay pa sa gulo namin. Siguro nga ay pikon na pikon na ito sa aming dalawa.

Natahimik ako na napayuko. Parang pinapagalitan ako ng magulang ko kung magsermon sya sa akin.

"Huy! Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo sya ah" sabi nito at hindi makatingin sa akin ng deretso. "Ang akin lang hindi kita hahayaan na mapunta uli sa kanya. K-kaya..."

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Where stories live. Discover now