CHAPTER 10 [My roommate]

1.3K 70 12
                                    

CHAPTER 10 [My roommate]

(CRESS' POV)

Napabuntong hininga ako saka padabog na sinara ang pinto. Halos hindi ako makahinga sa pasaway na lalaking yun.

"HOY!" sigaw ng isang nerd na lalaki na katabi ng room ko. "Paki ayos naman yung pagsara mo sa pinto! Istorbo ka!"

"Ako? Baka gusto mo Isuksok ko yang salimin mo sa mata mo ng makakita ka!"

"Ay sorry naman hehe... sige sirain mo lang" sabi nun at unti unting isinara yung pinto nya.

Walang makakapigil sa akin. Pumunta ako sa room ni Mae yung may ari ng dorm.

Nung makarating na ako sa room nun.

Halos nanlaki yung mata nya ng Makita ako.

"Oh? Bumalik ka na? Kala ko umalis ka na sa room nyo?" sabi ni Mae.

"Paalisin mo sya roon"

"Ha? Ano??"

"Paalisin mo yung lalaki sa room ko. Do-Doblehin ko pa yung bayad. Hwag lang ako may makasama sa room na yun"

"Eh kung gusto mo pala ikaw lang magisa... ba't sa dorm ka nakatira?" tanong nya. Yun lagi ang pinupunto nya kapag naguusap kami tungkol sa mga magiging ka roommates ko. "Di ba inayawan ka ng ibang may ari ng apartment keso sinisira mo raw yung mga apartments nila. Naawa nga lang ako sa'yo kaya pinayagan kita ditto eh?!"

"so shut up na lang" sagot ko rito. "Kung hindi mo papaalisin yung lalaking yun... Mamili ka! Ako ang aalis o sya???"

"Gusto mo bang malaman yung sagot ko?" tanong ni Ate Mae. "Sige na nga!!!"

"Good" sabi ko rito at napangiti. Yeah' papaalisin na nya yung lalaking yu---

"Umalis ka na?!"

O_O Ha??? ANO????! AKO???

"Ah!!!! AKO BA???"

"Hindi ba pinapipili mo ko kung sinong aalis sa inyo?? Oh!? Umalis ka na!" pagtataboy ni Ate Mae. Kamuntikan na nyang maisara ng tuluyan yung pinto buti na lang at napigilan ko. Iniharang ko yung paa ko.

"Uy! Uyuyuyuy! Ate Mae! Di nga?"

"Gusto mo ba ulitin ko??"

"Ate Mae! Grabe ka! Ang tagal ko ng suki mo!"

"Wala akong paki -.- Ito mamili ka ah... Magtitiis ka ng may kasama o magiimpaki ka paalis ng room mo ngayon din"

"Bigyan mo ko ng oras -.- Maghahanap lang ako ng lugar" sabi ko rito.

"Ewan ko sa'yo Cress!" sagot ni Ate Mae. May kinuha sya sa loob at iniabot sa akin. Bagahe? "Tutal naman pumunta dito yung pinsan mong si Apple para iabbot tong gamit mo mula sa hospital. Oh? Sa'yo na! tapos umalis ka na agad!"

*BOOOOOOGSH!

Kaya ayun. Bumalik ulit ako sa room ko at kumatok. Ang kapal kasi ng lalaking nasa loob nito. Ni Lock talaga ang pinto.

"Papapasukin mo ko? O Papasabugin ko tong pinto?" tanong ko sa kanya.

"Wait lang naman!" sigaw nun. Binuksan nya na yung pinto. Isang nakakaasar na ngiti pa ang loko. "Oh? Bumalik ka???"

"Room ko to?! Kaya hwag ka ng magtaka" sagot ko sa kanya.

Ang malas ko naman ata -.-

"Gusto mo ng kape??? ^_^"

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon