CHAPTER 35 [Bitterness 6]

773 36 1
                                    

CHAPTER 35 [Bitterness 6]

(TRINITY'S POV)

O_O

"Bakit nandito ka?" tanong nya sa akin.

Panandalian na namang tumigil ang mundo ko sa nangyare. Ano ba to? Sya na anmana! Sa kaydamidami ng pwedeng masalubog sya pa at nakasabay ko pa talaga sa elevator!

Shems naman! Ibagsak nyo nga ang langit ng may madahilan ako rito! Sige na! sige na! sige na!

Hindi ako makahinga. Sobra!

"Ah!... Uh... nagmamadali ako!" pagdadahilan ko at hindi mapakali yung mata ko sa kakatingin sa kung saang saang sulok ng elevator.

"Ah ganon ba? Ako rin ehh" sagot nya ay pinindot yung button ng pang 4th floor.

"Wait ako muna" sagot ko at pinindot yung 5th floor kung nasaan ang sinehan ng mall.

"Sandali lang to" sabi nya at pinindot uli ang floor na bababaan nya.

"Ako rin!" sagot ko at pinindot din yung floor na bababaan ko. Nung susubukan pa nya uli pindutin yung button pinigilan ko na yung kamay nya. "Unahin mo muna ako!"

"Ako nga hindi mo inuna eh" sabi nya na walang ngitian kaya sure akong hindi ito nanloloko. "Ba't ba natin pinipindot pindot yan eh kusa naman yang bukas once na pinindot mo yung floor na gusto mong babaan?"

"Alam ko! Alam ko naman kung paano gumamit nyan no!" asar kong sagot dito. Siguro gulong gulo lang ako kanina kaya nawala ako sa sarili ? "Aba! Sino ka ba! Hwag mo nga akong kausapin"

Ayun tumahimik naman sya. Hay! Nabibeastmode ako kapag kausap ko sya sobra! Wala pang limang Segundo.

"Kausapin mo naman ako" sabi nya. Ayan na naman po sya sad a moves nyang mangulit ng mangulit hanggang sa bumigay ka, masaktan ka, iwan ka, inamag ka na.

"Ang kulit mo!" inis kong sabi rito. Unti unti na raramdaman ko na naman ang pagbi beastmode ko. Yung tipong gustong sumirit ng dugo ko sa ulo ko.

"Wala namang tao eh tayo lang ah"

"Hahanapin ko pa ba yung paki ko?"

"Sige nga hanapin mo nga!"

"Ba't hindi mo na lang ako iwasan! Akala ko ba hindi mo na ko kukulitin!"

"Hindi mo ko natiis no? Galit ka kasi namimiss mo lang yung pangungulit ko. Hindi ka honest sa sarili mo alam mo yun?" sagot nya at tinitingnan kung nasaang floor na kami. Nasa second floor pa lang naman.

"Wow ah~ Ako pa ngayon ang hindi nakakaalam sa nararamdaman ko!? Pwede ba h'wag mo nga akong kausapin?!" sabi ko rito at kung saan saang sulok nag iirap. May mairapan lang... Ang bagal naman ng elevator na to. Pabigay na nag ata to eh konting sakay pa ng tao rito bubulusok na kami pababa sa kabagalan.

Shems! Ayus na nga yung buong buwan ko na wala ang manlolokong mokong na to tapos... tapos...

"Trinity"

"ANO!?" galit kong sigaw rito.

"Kalma lang! malapit na ko bumaba oh?"

"Oo nga eh! Ang tagal naman" parinig ko na hinihintay ko syang umalis kaagad doon.

"ito na oh?!" sagot nya at hindi pa bumubukas yung pinto ng 4th floor. "Sige una n--- Ah? Hala ayaw?"

"Ano?"

[BOOK 2] Ms. Snob meets Mr. Kulit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon