Chapter 50

32.8K 1K 651
                                    

MMPR 50

Nagising ako sa ingay ng cellphone na nakapatong sa bedside table ko.

Eleven thirty.

Pumikit muna ulit ako ng mariin, pagkatapos ay nagbuntong hininga at inabot ang cellphone.

Gino calling..

Kumunot ang noo ko't hindi ko na pinagtagal ang pagriring, bakit tumatawag si Gino ng ganitong oras? Anong meron?

"Gino.." I whispered, my voice sounded so raspy.

"Collin.." His voice terrifies me. Para iyong kinakabahan, naiiyak.. natatakot.

Umayos ako ng pwesto. Mula sa pagkakahiga ay napabangon ako. His tone of voice is enough to make me sit straight.

"Gino? May problema ba?"

"Collin.. si Klark.. oh my God.." And then his voice broke.

Magsasalita sana ako ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Lumunok ako. What happened to Klark? Gusto kong tanungin si Gino na ngayon ay kausap ko ngunit hindi ko magawa.

Nagsimulang tumulo ang luha ko, ramdam ko ang init ng likido na gumapang mula sa mga mata ko pababa sa pisngi ko. Kumirot ang puso ko hindi ko pa man naririnig ang gustong sabihin ni Gino. What could possibly happen to him, and how bad could it be na tumawag pa si Gino ng ganitong oras?

"Gino, what happened?" Marahan kong tanong. Halos hangin lang ang lumabas sa bibig ko.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng madilim kong kwarto. Tumayo ako upang pumunta sa bintana. Binuksan ko 'yon upang makalanghap ng hangin, para sana ikalma ang nararamdaman ko. I don't want to think that something so bad happened to Klark. I can't..

"He's.. he's dead, Collin.."

Naiwang nakabukas ang bibig ko. My hands started to shake uncontrollably.

He's.. what.. No.. No..

Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi sa sinabi ni Gino. Ang tanging reaksyon ko lang ay ang pagtakip sa bibig. Ramdam ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko.

"Wha.." Bulong ko at lalong naiyak. Humigpit ang hawak ko sa gilid ng bintana.

"Sinugod s'yang ospital kanina lang." He took a deep breath. "Sinusubukan raw irevive ngayon, pero wala na raw pulso o hininga. P-patay na raw nang isugod. Kumalat na rin dito, everyone is worried.."

Everything is rushing to me. Memories of him smiling  brought another tears to my eyes, and pictures of him in pain broke me even more.

"Gino.. please.." Parang nilalamon ang boses ko ng kung ano. "Tell me. T-tell me you're lying please.." Umupo ako. I don't know if I can handle my shaking body.

"Collin. OD raw. I called you because I want to let you know this, I thought you should know.. I'm sorry.." He took another deep breath. "Kapag nakarinig ulit ako ng balita, I'll let you know. Sa ngayon, kasalukuyang lumilipad ang parents n'ya pabalik ng Pinas."

Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi n'ya. Bumalik ako sa kama at nilunok ang mga hikbi ko. 

"Collin, nandyan ka pa ba?"

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon