Chapter 38

30.4K 1K 411
                                    

MMPR 38

I felt like everything is moving in slow motion. Biglang nawalan ng buhay ang mga tao sa paligid. All of a sudden, it's just him and me.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, wala akong maisip na tamang salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin ako sa kan'ya.

I was drunk a while ago, how the hell can I think straight right now? How can I feel so much anger right now? I should only feel happy and drunk.

"Shit is that.." Nang sandaling magbago ang music ay narinig ko ang boses ni Jhanica.

May hawak s'yang bote, Nakatayo lamang s'ya sa gilid ko.

Nagiwas ako ng tingin sa kan'ya. Hindi ko na dapat s'ya pinagaksayahan pa ng ilang segundong tingin!

Klark Chance Jimenez.

Kahit na malayo s'ya ay nakita kong maraming nagbago sa kan'ya pero wala na akong panahon pa para isa-isahin ang mga 'yon.

Sino ba s'ya? Hindi ko na s'ya kilala.

Nagtatakang tumingin si Tadeo sa kapatid n'yang si Jhanica, pagkatapos ay inilipat sa akin muli ang tingin. Kinabahan ako doon. Tadeo, the innocent Tadeo doesn't know anything about this..

"Collin.." Kahit na lasing si Jhanica ay nakita ko ang pagaalala n'ya.

Tumawa ako. I laugh to dismiss the bad vibe! This is a party! This should be a party! But damn! Tangina! Nakakagalit! Nagagalit ako kasi nararamdaman ko ang kirot at puot na sumusuot sa bawat himaymay ko.

Hinawakan ako ni Tadeo sa aking baywang, naramdaman ko ang maingat n'yang paghawak sa akin. Inaalalayan n'ya ako. "You're drunk.." Anito.

Tumulo ang luha ko sa gilid ng mata ko kahit na patuloy lang ako sa pagsayaw. Hell, this is a party!

"Collin.." Nakita ko ang awa sa mga mata ni Jhanica. Hinatak n'ya ako paalis doon, palayo.

Biglang tumino ang pagiisip ko. Bakit ganun? Naginit pa lalo ang mga mata ko. Naalala ko bigla ang lahat-lahat. Ang gagong si Klark. Ang baby namin. Ang pagpapakatanga ko sa kan'ya. His playboy remarks! The happy moments. The lies! His sugar coated words.

Klark Jimenez is a big lie!

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jhanica na nagaalala. "Isa that Klark? Tama ba ang nakita ko?"

Nagpunta agad kami ng hotel. Thank God, ayaw kong makita ni Klark na umiiyak ako. I shouldn't be crying. Iniyakan ko na s'yang ng maraming beses. Ayos na 'yon. Tama na 'yon. I should be happy!

"Who is Klark?" Tanong ni Tadeo.

Nakagat ko ang labi ko nang marinig ang boses n'ya, nasa likuran pala namin s'ya. Lalo akong naiyak. He doesn't know. Paano kung malaman n'ya? Iiwan n'ya ba ako? Hindi na ba n'ya ako magugustuhan?

Walang sumagot sa kan'ya sa aming dalawa. Hindi ako makasagot. Hindi rin nagsasalita si Jhanica. 

Hindi nakasunod si Sharmaine at Makhayla, siguro ay walang alam sa nangyari, hindi ko alam kung nasaan sila. Nagtuloy kami sa elevator at nang lumabas kami ay dumiretso sa room namin nila Makhayla. Umupo ako sa kama at malamig na tumitig sa kawalan. Control it, Collin. You are not crying over that monster.

"Okay lang ako, Jhanica. Okay lang talaga 'ko." Sabi ko na lang kay Jhanica na nagaalala.

Narealize ko na kapag nagpapanggap ako, nagiging cold pala ako.

Tumingin si Tadeo sa kan'yang kapatid. "Jhanica, sige na. Ako na ang bahala dito. Pumunta ka muna sa room mo at magayos. Bibisitahin kita mamaya. H'wag ka nang kumabas, you're also drunk."

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon