Chapter 2

39K 888 46
                                    

Humilig ako sa inuupuan ko at nag-isip ng mabuti. Parang biglang nawala ang tama ng ininom ko sa sistema ko. Did I just.. make myself a.. walking shame? Did I really tell that story?

Nakagat ko ang labi ko. I really like Klark but what the hell was that? Gusto kong guluhin ang buhok ko! Nakakahiya! Ininom ko ang laman ng baso ko na galing sa fruit punch na may halong alcohol rin yata. Katatakas ko lang mula sa dalawang lalaki na kanina pa ako kinukulit para sa number ko. The alcohol is losing it's effect on me.

"Hey, Collin." Humahagikhik pa si Nathalie habang papalapit saakin. Beside her is Klark. Nakahawak s'ya sa bewang n'ya.

Nagkatinginan kami. Umupo si Nathalie sa harapan ko, kaya naman nasa harap ko rin si Klark. Kitang-kita ko ang pigil na pagbungisngis ni Nathalie, samantalang si Klark ay nakatingin lang sakin habang naka-awang ang labi ngunit nakay Nathalie naman ang kamay.

"Hi!" Ngumiti ako sa kanilang dalawa at pasikretong umirap.

"Your second boyfriend is Nathaniel, right? My brother told me that before!" Natatawang sabi n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko ngunit hindi ko iyon pinakita. Muntik ko nang mai-buga ang iniinom. I forgot! May ex ako na kapatid nitong si Nathalie! Sophomore pa lang kami noon, senior naman si Nathaniel. Trip lang iyon noon, nakikiuso lang ako dahil halos lahat ng kaklase ko ay may mga boyfriend na.

I gulped. Ngumisi lang ako. I hope she won't explore the topic further. There's no way she knew!

"Second year tayo nung naging kayo, but then you lost your virginity to him last year..?" She tilted her head. "Isang buwan lang kayo ni kuya.."

Naramdaman ko ang malamig na pawis sa noo ko. Oh please, just shut up already!

"It's either.. he was cheating on her girlfriend or," Ngumiti sya. "You made up a steamy story.."

Doon na nalaglag ang panga ko. I glanced at Klark who is observing me. Naglalaro ang kamay n'ya na nasa bewang ni Nathalie. Hinahaplos n'ya iyon ngunit saakin s'ya nakatingin. Nanliit ang mga mata n'ya habang nakangisi ang nakaawang n'yang mapupulang labi.

Hindi ako makapagsalita.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun, so what kung virgin ka? That's not something to be ashamed of!" Umiling s'ya at natawa.

God! I wanna slap her in the face! Oh my God, nakakahiya. Malalaman pa ni Klark na naggagawa lang ako ng storya.

"I lost it with Nathaniel, Nathalie." I just said.

I don't care if she'll ask her brother later, what matters to me now is how I'll save my ass in front of Klark!

Umiling sya habang may siguradong ngiti. "Nope, he's serious with his girlfriend. It's okay. No one will know." Kumindat pa s'ya. Pulang-pula na ang mukha n'ya dahil siguro sa dami ng nainom. "Your secret is safe with me." She playfully whispered.

Well, now Klark knows as well! Jeez!

Hinawakan n'ya ang kamay ni Klark at hinila palayo. Tinalikuran nila ako. Umakbay si Klark sa kan'ya at may kung anong binubulong malapit sa tainga ni Nathalie, hindi ko alam kung may sinasabi ba s'ya o hinahalikan n'ya si Nathalie. Then lumingon s'ya saakin ng kaunti at ngumisi.

Napapikit ako ng mariin sa sobrang galit. I hate her! Kaya naman nang dumating si Thea ay inaya ko na s'yang umalis.

"Grabe ka, Collin! Kailan ka pa naging story maker?"

Parang s'ya, hindi gumawa ng kwento kanina ah? Napasimangot ako kay Thea. Tumingin na lamang ako sa labas ng sinasakyan naming taxi.

"Oh, bakit ang lungkot mo?" Tanong saakin ni Thea.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon