Chapter 39

33.8K 1K 489
                                    

MMPR 39

Lumagpak ang katawan ko sa sofa. Kauuwi lang namin. Tinaas ko ang kamay ko sa ere para pansinin ang balat kong namumula.

"Collin!" Bati ni Lola sa akin.

Napatayo ako at humalik sa kan'yang pisngi

"Lola! Kamusta po ang grand opening?" Ngumiti ako.

"Maayos! Magaling!" Humalakhak si Lola. "At alam mo bang may nagpareserve na agad sa ating reception? You wouldn't believe it, Collin!"

Ngumiti ako. I love seeing her happy, sana lumaki na lang akong kasama s'ya, sana dito na lang ako pinalaki nila mommy. Sobrang pagod ako pero pinilit kong pakinggan si Lola sa mga kwento n'ya.

"Magaling pala, Lola.." Halakhak ko.

"Sa isang araw ay occupied ang reception natin, I will be very busy para pagtuonan iyon ng pansin.. kung minsan ay sumama ka sa'kin, kesa maburo ka dito sa bahay."

"Opo, Lola."

"Magkakaroon ng party sa susunod para sa matagumpay na pagtayo nito. You will be there, anyayahan mo ang nga kaibigan mo para lalong magkaroon ng exposure, okay?"

Tumawa ako. "Oo naman, La."

Muli kong tinignan ang balat kong namumula. Kailan kaya mawawala 'to? Napansin ko rin ang bracelet na suot. Tadeo gave it to me earlier, bago umuwi. Isa iyong white gold bracelet with ice crystal pendant. It is so beautiful..

Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa Facebook. I visited Thea's profile. She looks happy with her new set of friends, pero nagkakasama-sama pa rin sila nila Hannah at Claire. Kung nagbukas na s'ya ng kan'yang facebook, paniguradong nakita n'ya na ang mga nakatag na photos sa akin.

Sumunod ay si Claire ang pinuntahan ko, like Thea, she's happy, and then si Hannah. Ganun pa rin. Walang pinagbago ang mukha n'ya.

They all look like they're enjoying the college life. Both Thea and Claire are taking up accountancy, while Hannah is in nursing uniform, I'm not sure about her.

Pumikit ako ng mariin. Galit ang nga nararamdaman ko pero hindi ko s'ya masisi sa pagkamatay ng anak ko. It was me. Ako 'yung may alam sa aming dalawa. Ako ang nagpabaya. Pero hindi dahil doon ay hindi na ako galit sa kan'ya. She ditched me. Still. Kahit na para sa walang kwentang lalaki. Still, she ditched me.

Kyle. Kyle is still with his girlfriend. At si Gino na palagi kong nakakausap kahit na hanggang ngayon ay maayos pa rin naman.

Matagal akong nagstalk sa kanila. Binuksan ko ang messenger ko pero wala pa rin talagang message doon si Thea o si Claire. Mas marami pang nagmessage sa akin na mga schoolmates at classmate na nagtataka kung anong nangyari sa akin at nawala ako.

Wala akong nireplyan kahit na isa sa kanila.

And then.. I typed Klark's name in the search box.

This is torture. Paano ka ba magmo-move on kung hindi mo totorturin ang sarili mo? You have to do that. To feel numb.

Nanginginig ang kamay ko nang buksan ko ang profile n'ya.

Ang profile picture n'ya ay 'yung huling profile picture n'ya pa rin noong umalis ako sa Facebook, and it was him grinning on the camera, and i'ts me on the back, playfully sticking my tongue out. Damn him! What is this?

Ang huling post n'ya ay noong mga panahon na bago pa kami magkahiwalay, may post s'ya doon ng mga selfies namin na hanggang ngayon ay hindi pa nabubura. Mga tag photos lang mula sa mga kaibigan n'ya na nasa mga parties sila ang huli.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon