Chapter 12

27.2K 704 87
                                    

MMPR 12

From Kyle:

Birthday ni Tommy! Ano oras tayo punta?

Nanlaki ang mga mata ko sa text ni Kyle. What the hell. Bakit ngayon pa?

Isa si Tommy sa mga kaibigan namin ni Kyle. He's one of my bestfriend! Pero hindi s'ya masyadong nakakasama dahil lumipat na s'ya ng school last year, masyado daw mahigpit ang school namin.

Agad akong tumawag kay Kyle. Hindi pwede 'to! Kikitain ko pa si Klark ngayong araw! It's seven PM already, eight kami magkikita!

"Hello!" Bungad ni Kyle.

"Hello? Kyle! Anong oras ba? Hindi ba pwedeng hindi na pumunta? May lakad ako." Nakagat-kagat ko ang ibabang labi.

"Lakad? Date kayo ni Klark 'no?"

"Kyle Please..?"

"Sige ikaw bahala. Basta ikaw mag-explain kay Tommy." Pinagbabaan n'ya na agad ako.

Sumunod ko namang tinawagan si Tommy. Masyado pa namang matampuhin ito at baka humiling pa saakin ng mamahaling regalo kapag hindi ako nakapunta!

"Hellooo!" Bati ni Tommy.

"Hello Tommy! Happy Birthday!"

"Thanks, Lin. So ano oras kayo pupunta? Can't wait to see you again. The party is starting na!" Medyo maingay nga sa linya n'ya.

Nakagat ko na naman ang labi ko at nag-isip.

"Hey, ano? Baka hindi ka pumunta? Ha! Bahala ka, akala mo sa eighteenth birthday mo hindi ako papayag na maging isa sa 18 roses, hmm.."

Umirap ako at natawa. As if naman isa s'ya sa 18 roses, baka mas maganda pa s'ya saakin pagdating ng araw na 'yon.

"Gaga! Sige ite-text ko si Kyle, hindi ako sure kung anong oras kami pupunta. Sa inyo lang ba?"

"Yes, yes."

Nagtext ako kay Kyle ng oras na pagpunta namin. Si Klark naman ay tinext ko na rin.

To Klark:

Hey, I'm sorry pero dumating kasi si mommy ngayon and I can't got out. Can we meet tomorrow?

Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng simpleng gray spaghetti strap dress na malalim ang neckline. I told Kyle na dadaanan ko na lang s'ya.

"Anong suot mo?" Tanong ni Kyle na may panunuya nang pumasok sa sasakyan. Nilingon ko s'ya dahil nasa backseat s'ya.

Umirap ako. "Duh?"

"Duh." Gaya n'ya lang.

"Duh."

"Gusto mo lang ata makitaan doon." Sabi pa n'ya.

Umirap ako. "Shut up Kyle. Stop being so protective." Ngisi ko.

Tumawa s'ya. "Hindi oy! Nag-aalala lang ako sa mga bisita ni Tommy, baka magsi-alisan!"

Tumawa na lang ako ng pang-inis. Nang-inis lang si Kyle hanggang sa nakarating na kami sa bahay ni Tommy. He lives alone in a big house kaya naman kahit araw-araw ang party sa kanila ay pwede.. both his mom and dad are out of the country. Iba na talaga pag mayaman. May sariling bahay.

Nakabukas ang gate nila at ilang sasakyan ang nakapark sa labas at sa loob. Dumiretso kami ni Kyle at nakipagbatian sa mga kakilala. Natagpuan ko si Tommy na may hawak ng wine glass habang kausap ang tatlong lalaki. Ngumisi ako.

Napatingin s'ya saakin ng dalawang beses at nanlaki ang mga mata. Ibinaba n'ya ang hawak na wineglass at pinuntahan ako.

"Happy 18th birthday! Dalaga ka na!" Salubong ko sa kan'ya at hinalikan s'ya sa pisngi.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon