Chapter 15

31.3K 760 93
                                    

MMPR 15

What he was trying to say is, hindi ako pwedeng maging close sa ibang lalaki, at s'ya ay pwede. Is that it? Ang akala ko kasi, kung may ibang babae s'ya, pwede rin akong may iba. Hindi sa may iba ako.

Okay naman na sana kami eh. Papalagpasin ko na lang sana at bibigyan ko lang ng ilang araw dahil hindi ko naman kayang tanggapin na lang agad ang pagsisinungaling n'ya pero nilapitan n'ya pa ako at inakusahan! Tinawag n'ya pa akong whore. Mabuti sana kung manga-akusa s'ya eh kung malinis s'ya.

Tahimik akong nakauwi. I didn't even think about him at all. It's tiring, at least give me a break.

"Hey, Collin.." Pagkapasok ko ng living room para sana umakyat sa kwarto ko ay narinig kong may nagsalita. I found my mom sitting on the couch.

"Mom!" Lumapit ako sa kan'ya at hinalikan s'ya sa pisngi.

"You want to eat outside?" Ngiti n'ya.

Nakagat ko ang labi ko at tumango na lamang. Umakyat ako sa kwarto ko para makapagpalit. Habang nag-aayos ay bigla na lamang nagring ang phone ko. Sinulyapan ko iyon.

Klark Jimenez calling..

Huminga ako ng malalim at hindi iyon sinagot. Is he going to explain to me about Barbara? I guess so. But I have no time to listen to all his bullshts. Of course, magsisnungaling s'ya.

Hindi ko iyon pinansin at nag-ayos na lamang. Ngumuso ako nang hindi na muling tumawag si Klark. He gives up easily.

Nang handa na sana akong lumabas ng kwarto ko ay bigla na lamang iyong nagvibrate. There's a message from Klark.

From Klark:

I'm sorry, okay? I'll make it up to you. Please?

Bago ko pa man itago ang phone ko ay nagtext na naman s'ya.

From Klark:

I'm coming over.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagtype doon.

To Klark:

Don't!

Gusto ko pa sanang ipaliwanag sa kan'ya na aalis ako kasama si mommy ngunit masyado na akong nagmamadali. And I don't think it's necessary, I don't need to tell him everything I do.

"I have to be something more. Someone he never had." Bulong ko sa sarili ko nang maala ang mga sinabi ni Kyle.

"Mom, where is dad?" Tanong ko.

"Still busy, may tinatapos pa. How about you? You're graduating, anong balak mo? What course will you take?" Seryosong tanong n'ya habang kumakain kami.

"Ahm.. I'm not yet thinking about it, mom.. you told me, sa ibang bansa na ako magcocollege diba?" I asked.

Tumango s'ya. "If that's what you want."

Napaisip ako doon. Hindi ko naman talaga gusto sa ibang bansa. Mas pipiliin kong dito na magcollege. Hindi naman mahigpit saakin si mommy. She just wants a good life for me. Sakto lang s'ya, hindi mahigpit at hindi naman rin maluwag.

"You have boyfriend?" She asked.

"Huh? Mom, wala.." Ngumisi lang ako.

Ngumisi lang rin s'ya. "That's good. Mas okay kung sa college ka na magboyfriend. You never had a boyfriend right?" Tumingin s'ya saakin.

Halos mabulunan ako doon. I had seven boyfriends! Hindi ko alam kung maituturing nga bang boyfriend ang mga iyon. Wala naman talaga akong minahal sa kanila. All of them were just.. public displays?

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon