Chapter 3

40.5K 902 61
                                    

MMPR 3

"Nagmumukha ka lang tanga eh." Komento ni Hannah matapos kong magkwento sa kanila.

Medyo natigilan ako dahil nagulat ako sa sinabi nya. She's not usually like that. She's sweet and silent. Nagsitanguan sila Claire at Thea.

"That's so.." Ngumiwi si Claire. "Pathetic!"

"Kailan ka pa naghabol sa lalaki? Oh my God?" Pinaypayan ni Thea ang kan'yang mukha kahit na air conditioned naman ang sala.

Umirap ako. "Hindi ko sya hinahabol."

Humalakhak s'ya, nang-iinis. "Duh, joke 'yon? Clearly, hinahabol mo s'ya. Hindi ka lang n'ya pinapansin ngayon kaya hindi mo pa sinasagad. Tignan lang natin once na mapansin ka na ni Klark."

Ilang weeks na simula noong birthday ni Nathalie. Pero hindi man lamang ako minemensahe ni Klark o tinetext. Hindi s'ya interesado saakin! Dahil ba naniwala sya kay Nathalie?

Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na si Thea at Claire sa isang club dahil Friday na. Kasama namin ang mga pinsan ni Claire at ang mga kaibigan sa labas naman ni Thea. I wanna unwind that's why I'm with them, but here I am, bored.

Nakaupo ako sa isang high stool, hawak-hawak ko ang phone ko habang nags-scroll sa newsfeed ko sa facebook. Sila Claire at Thea ay nasa dance floor. Ang mga kasama ko dito ay sila Janine, pinsan ni Thea at ilang mga lalaki na hindi ko na kilala sa pangalan.

"What's with the bored look, Collin? Have fun!" Tawa ni Janine. Tumingin saakin ang mga kaibigan nilang lalaki at ngumiso.

Tumango lang ako kay Janine at binalik ang mata sa phone. I wish Klark is here. Napabuntong hininga ako nang maisip na si Klark na naman ang naiisip ko. God, what's wrong with me. Why do I like him this much?

Napakunot ang kilay ko nang makita sa newsfeed ko na may upload ang kaklase ni Klark na mga kuha sa club na ito, ngayon-ngayon lang. Isang picture lang iyon at sumasayaw sila sa gitna, stolen iyon. Sinubukan kong hanapin kung nandoon si Klark ngunit medyo blurred ang kuha.

Lumunok ako at pumunta sa washroom. Tinignan kong mabuti ang sarili ko at nag-retouch ng kaunti. Sana ay nandoon si Klark. Inayos ko ang hapit kong itim na dress at bahagyang hinawakan ang magulo kong buhok. Kitang-kita ko ang porselanang kutis ko.

Lumabas ako ng washroom at naglakad sa dancefloor. Magulo na ang lahat. Mga nakainom na talaga, o di kaya'y lasing. Hindi ko matagpuan sila Thea.

Habang naghahanap ako sa gitna ay may bigla na lang tumabig saakin mula sa likod. Hindi ko na sana papansinin dahil madalas naman talaga masagi lalo na kung nasa gitna ka, pero.. kaibigan 'to ni Klark.

"Sorry-- Collin?" Napatingin ako kay Ellis, isa sa mga kaibigan ni Klark.

"Oh, hi!" Ngumiti ako sa kan'ya at tumingin sa paligid n'ya. Walang Klark.

Tumawa s'ya at napansin ko pa ang pagtingin n'ya sa katawan ko. May sinabi s'ya ngunit hindi ko marinig kaya naman lumapit pa s'ya saakin para bumulong.

"I said you look good in your dress," Tawa n'ya dahil hindi ko marinig.

Natawa lang ako sa sinabi nya at napa-iling. Hindi ko naman s'ya close, ngayon ko nga lang s'ya nakausap at heto't kung ano na ang sinasabi n'ya.

I can't see Klark! Hindi ko lang maiwan itong si Ellis dahil baka kasama n'ya si Klark. I can't find the right word to ask him!

"So.." I chuckled. "Are you with your friends?"

Hinawakan n'ya ako sa bewang, ang matigas n'yang braso ay dumikit saakin. "Yes, kasama ko sila Oliver!" Sigaw n'ya. Hirap na talaga akong makarinig. The dj should lower the volume!

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon