Chapter 43

28.2K 1.2K 612
                                    

(Di ko pa naeedit masyado. Kung maraming typos, iwasan nyo na lang. Edit ko po sa susunod)

MMPR 43

"No.. Stone heart, Collin. Don't feel anything."

Bulong ako ng bulong sa sarili ko habang mariing nakapikit sa nakasarado naming gate. Alam kong nasa likuran nun si Klark.

Ngayon pa ba? Kung kailan nahuhulog ka na kay Tadeo? 

Nang makabawi ay agad akong tumakbo papasok ng aming bahay. Pumasok ako ng kwarto at nilubog ko ang ulo ko sa sa aking unan. I can't believe he's hurting me again.

"I hate you, Klark! I hate you! Damn you!" Sigaw ko habang nakangudngod ang mukha sa unan.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone sa aking bulsa. Matagal pa bago ko iyon kinuha.

Tadeo:

Kakauwi ko lang, ikaw? Nakauwi ka na? Hinatid ka ba nila? I miss you already.

Lumunok ako at nanginginig na nagreply.

To Tadeo:

Yes nakauwi na ko. Hinatid ako.

Pagkatapos kong magreply ay pumikit ako para hindi maramdaman ang sakit. Collin, Collin, Collin! Listen to yourself! Sinaktan ka na n'ya ng ilang beses, hindi pa ba sapat 'yon? Gaano pa ba kasakit ang gusto mo? Stop thinking about him!

So what kung nagbago na s'ya? Kung nagbago man s'ya, wala ng mababago 'yon! The pain and the damage has been done, he cannot change what he did or what he said. So what kung ngayon mahal n'ya na ako? So what? So fucking what, Collin? You don't love him anymore! Itatak mo 'yan sa kokote mo!

Humagulgol ako nang sumakit ang puso ko, pakiramdam ko'y punong-puno na 'ko. Napahawak ako sa labi kong nanginginig, pababa sa leeg ko kung saan dumaloy ang luha ko, bumaba ang haplos ko sa banda kung saan talaga sumasakit. Ang puso ko. Ang sakit. Gusto ko 'yong pagaanin. Ayoko na.. ayoko na.

Nakatulog ako nang umiiyak. Nagising lamang ako dahil naalimpungatan. Nang tignan ko ang orasan ay 3:00 AM ang sinasabi non. Sobrang aga pa pala.

Tumayo ako upang bumaba at uminom. Nakaramdam ako ng gutom. Gumawa na lamang ako ng gatas at kumuha ng cookies, tumaas na ulit ako. Naalala ko naman si Tadeo! I was texting him!

Tadeo:

Nagenjoy ka?

Tadeo:

I really miss you. Kahit na magkasama lang tayo last week.

Tadeo:

Nakatulog ka na? Napagod ka siguro. Good night! :)

Agad akong nagreply.

To Tadeo:

Yeah, sobrang napagod nga ako. I miss you too.

Ang akala ko ay hindi na s'ya magrereply dahil natutulog, ngunit bigla na lamang nagring ang phone ko. He's calling!

Tadeo calling...

Sinagot ko 'yon. Tumikhim ako bago magsalita.

"Tadeo? You're still awake?"

"Yeah," Bumungisngis s'ya. "Can't sleep.."

Ngumiti ako. Tadeo is perfect. He's too good to be true, actually.. and I really think he's more than I deserve.

"Ako kagigising lang, hindi na ako makakatulog nito." Mahina akong tumawa.

"Do you want me to come over? Magdadala ako ng takehome foods. Para sa breakfast mo.." Habang nagsasalita s'ya ay pinatay ko ang aircon ng aking kwarto.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon