Chapter 42

26.7K 1.1K 463
                                    

MMPR 42

I got an unexpected visitor after that day, si Tommy! An old friend of mine.

"Napadaan lang talaga ako, dito." Ngumisi si Tommy sa akin. "You know, I'm exploring the whole wide world!" He exclaimed.

Humalakhak ako. "You're crazy! If you want to explore the world, mangibang bansa ka." Irap ko.

"Yup, duh? Kagagaling ko lang sa Spain. Palibhasa hindi ka na nagbubukas ng Facebook?"

Ngumisi ako. Kanina lang ay biglang nagkaroon ng door bell at nakita ko na lang s'ya. May bigay s'ya saaking pulang Fendi bag. Wala pa rin sila Lola, kanina ay nakausap ko sa tawag at nagtataka kung bakit nauna akong umuwi. Alalang-alala pa, nagpaliwanag na lang ako sa kan'ya ng kung ano, mabuti ay naniwala. Si Kyle naman ay nagtext sa akin na magkita kami, kaso ay hindi pa 'ko makakabalik, nakakapagod bumyahe ng ganun kahaba. Ang tanging narito ay ang magkapatid na si Kuya Isiah at Julia.

"Who's that?" Pabulong na tanong ni Tommy nang mapadaan muli si Kuya Isiah.

Pinagtawanan ko s'ya. "Baliw, pinsan ko 'yan." Mukhang type n'ya kasi.

Ngumuso s'ya. Tinignan kong mabuti ang kan'yang short asymmetric haircut. I like that. Baka sa susunod ay ganun na rin ang ipagawa ko. Mas gusto ko na ngayon ang short hair.

"In fairness, ah? Bagay sa'yo ang maikli." Aniya, at kumuwit sa cake n'ya.

"Talaga?"

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. It's Tadeo.

Tadeo:

Hey, mamaya ah? Sunduin kita, please don't forget.

To Tadeo:

Yes, sure po, ikaw lang naman makakalimutin eh. Tanda mo na kase. :)

Natawa ako sa sarili kong text sa kan'ya. Gusto ko kasi s'yang asarin, hindi ko naman alam kung paano. I wonder, napipikon kaya s'ya? He hates it when I use 'po' when we're talking, but that's just my way of showing my sweetness, hindi pa kasi ako sanay na sweet sa kan'ya.

May sinasabi si Tommy pero hindi ko s'ya napansin dahil nagreply agad sa akin si Tadeo.

Tadeo:
Aww okay! Can't wait to see you. Susunduin kita around?

Natawa ako dahil hindi n'ya lang pinansin ang sinabi ko. Tadeo isn't really a phone person. Mas gusto n'ya pa ang tawagan ako kesa makipag-textan buong magdamag.

To Tadeo:
Around 7? Ikaw ang bahala.

"Hay nako, girl! So busy! Ngiting-ngiti ka pa dyan.. kayo pa rin ba ni Klark?" Tanong ni Tommy. He crossed his legs.

Hindi na yata ako masasanay pa na marinig ang pangalan ng lalaki na 'yon. I hate that name so much. At naalala ko lang ang ginawa ko sa kan'ya kahapon.. and it makes me feel guilty so bad! No, Collin! Don't fight with yourself. You shouldn't feel guilty. Bagay lang sa kan'ya 'yon!

"Nope." Simpleng sagot ko.

"Talaga? Balita ko na-rehab 'yon ah?" Bigla s'yang humalakhak.

Kumunot ang kilay ko sa biro n'ya. "Seriously!"

Lalo s'yang natawa sa reaksyon ko. Nagkibit balikat s'ya pagkatapos. "I don't know! Narinig ko lang. Masyado bang na-adik sa pagmamahal mo? Your love is my drug lang ang peg!"

Umirap ako. Seriously, I don't wanna talk about him. Quotang-quota na ako sa kan'ya.

"Sayang naman, pinakawalan mo pa. So hot." Iling n'ya.

"Let's not talk about him."

"So may bago ka?" Tumaas ang kilay n'ya at lalong umusbong ang ngisi sa labi.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon