Chapter 27

25.6K 691 164
                                    

MMPR 27

Gusto akong sunduin ni Klark sa bahay para sabay na kaming magpunta ng school. Kaya lang ay mas magandang mag-isa na lang akong dumating para walang masabi sila Thea kaya naman tinanggihan ko si Klark.

Ngayon rin pala ang awarding para sa mga nanalo sa mga palaro kaya naman kailangan talagang pumasok nila Klark, black team rin kasi ang champion sa lahat ng games.

"Wow! Buti naman dumating ka na!" Umirap si Claire saakin nang makarating ako.

Gusto ko sanang tumawa ngunit hindi ko nagawa. Why is she being hard on me? O baka naman OA lang siguro ako mag-isip. Tss.

"Hindi naman ako kailangan dito eh." Tinaasan ko s'ya ng kilay.

Hindi na sumagot si Claire at pinuntahan na lang si Hannah na ngayon ay inaayusan na ng isang babae at lalaki ang kan'yang buhok.

Tumingin saakin si Hannah sa salamin sa harapan n'ya. "Well, I need supporters, Collin."

Kinukulot na rin ang kan'yang buhok habang busy s'ya sa pagtetext.

Umupo ako sa gilid at binasa ang text ni Klark.

From Klark:

Where are you?

Nagtype agad ako.

To Klark:

Kasama ko sila Hannah. Inaayusan na s'ya. Ikaw?

From Klark:

Papunta pa lang ng school.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtitig kay Hannah. She's the representative of black team, team rin nila Klark. Kung tutuusin nga ay dapat wala naman ako dito dahil white team ako.

Mabuti na lang ay hindi ako pumayag na maging representative kung hindi ay kami pa ang magkalaban ni Hannah.

Tumayo si Hannah. Suot n'ya na ang itim n'yang sleeveless jersey at miniskirt na itim rin. May touch of white sa gilid. Knee length and itim n'yang socks na may three-line sa itaas na lalong nagpapakita ng kan'yang mahabang maputing legs. Malinis na nakapusod ang buhok n'ya at nakasuot ng black head sweatband na Nike ang tatak. Her makeup is light at ngayon ko lang nakita talaga ang magandang hubog ng kilay n'ya.

Wow. She's really, really pretty. Paniguradong mananalo s'ya nito.

"Remember, confident dapat!" Sabi ng nag-ayos sa kan'ya.

"I know." Tumawa s'ya.

Of course, sasali ba s'ya dyaan kung hindi s'ya confident. Even before, I know she can carry herself well. Mahinhin lang talaga siguro.

"Wow. Siguradong ikaw ang outstanding. Siguradong panalo ka na." Sabi ko at ngumiti.

Ngumisi s'ya. "Hindi mo pa naman nakikita ang iba.. pero thanks!"

Nauna  na kami nila Thea sa court upang nasa unahan kami. Nagtabi kami ng tatlong upuan. Para kay Gino, Kyle at Haven.

Nagpasalamat ako nang dumating na sila Gino! Tumabi saakin si Gino, sa tabi n'ya ay si Kyle at si Haven naman doon sa dulo.

Nagsimula na ang pageant. Naunang lumabas ang representative ng white team. Apat iyon. Isang freshman, sophomore, junior at senior. Iyong senior lang ang kilala ko dahil kaklase ko s'ya.

Sumunod ay mga boys naman na apat rin.

Inantok lang ako sa kakahintay. Huli ang black team. Unang lumabas ang pinaka-bata, sumunod iyong second year, pagkatapos ay third year at huli si Hannah. Damn! S'ya ata ang pinakamaganda!

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon