Chapter 30

24.5K 783 223
                                    

MMPR 30

Napadilat ako nang maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Damn! Nasusuka pa yata ako. Alas kwatro pa lamang ng umaga!

Mabilis pa sa kabayo ang takbo para umabot sa CR. Agad kong tinanggal ang cover ng bowl. Shit! Dumukwang ako doon ngunit hindi naman ako nasuka.

Napasandal ako sa dingding. Nahihilo ako. Pakiramdam ko ay may lalabas ngunit wala.

Humiga ako sa kama. Gusto kong magpahatid ng pagkain kay manang kaso nahihilo rin akong tumayo.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at nagdasal na sana mawala na 'yung hilong nararamdaman.

"Oh my God, ano bang nakain ko?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagising ako nang mag alas nuwebe na. Wala na! Hindi na ako makakapasok sa school nito.

Hinagilap ko ang phone ko. Nagsisisi ako. Madalas pa naman akong absent at naghahabol na nga lang ako sa grades ko. Hindi naman na pala masakit ang ulo ko, tas hindi pa ako pumasok. Tsk!

From Klark:

Good morning :)

From Klark:

Gising na. Aren't you going to school today?

From Klark:

Hey?

Nagreply agad ako doon.

To Klark:

Nahihilo lang ako. Kagigising ko lang.

Tinawagan ko si Gino. Agad n'ya iyong sinagot.

"Bakit 'di ka pumasok?" Bungad n'ya.

"Sumasakit ulo ko, Gino. May ginagawa ba?" Tanong ko.

"Obviously, wala. Kaya nga sinagot ko tawag mo." Tumawa s'ya. "Papasok ka pa ba?"

Naghikab ako. "Hindi na. Inaantok pa ako.."

"Okay! Vacant naman. Puro wala teachers eh. Swerte mo, huh?"

Tumawa ako at nakipagkwentuhan sa kan'ya bago ibinaba ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay si Klark naman.

"Klark?"

"Bakit busy line mo kanina, may katawagan ka?" Tanong n'ya.

"Wala.. uhm, si Gino lang. Tinanong ko kung may ginagawa sa klase." Sagot ko. Ayaw ko namang magsinungaling sa kan'ya. Naisip ko sanang si mommy ang sabihin pero mas maganda nang magpakatotoo.

Hindi s'ya nagsalita.

"Uy? Nandyan ka pa ba?"

Umubo s'ya. "Yes. Sabi mo masakit ulo mo?"

Tumango ako kahit 'di n'ya nakikita. "Medyo.. kanina lang."

"Gusto mo bang puntahan kita?" Tanong n'ya.

"H'wag na. Bukas na lang tayo magkita, papasok ako. Tska, kanina lang naman masakit ulo ko. Baka kulang sa tulog."

Narinig kong may tumawag sa kan'ya sa kabilang linya. Probably Oliver.

"Bye, Collin. See you tomorrow, then?"

Kinabukasan ay ganun ulit ang nangyari. Iba nga lang, dahil habang kumakain ako, doon ko naramdaman ang pagduwal.

Kumaripas ako ng takbo sa sink at sinuka lahat ng kinain ko. Shoot! Something's wrong with my stomach! Dammit! Anong nangyari at sobrang sensitive nito ngayon?

Napahawak ako sa sink nang maramdamang nahihilo na talaga ako. Umupo ako at napagpasyahang hindi na muna pumasok ulit. Ngayon ay masama na talaga ang pakiramdam ko.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon