Chapter 40

28.5K 1K 645
                                    

MMPR 40

Matapos kong maghilamos ng mukha para tanggaling ang pintura ay sa sasakyan ako nagtungo. Umupo ako sa likuran, sa nakabukas na trunk ng sasakyan nila Makhayla na van.

Nagbasa ako ng messages.

From Tadeo:
How are you? Having fun with kids?

Nagreply agad ako.

To Tadeo:
Yes, it is fun here.

Pumikit ako ng mariin para ipahinga ang mga mata, pagdilat ko ay tumatakbo si Jepoy palapit saakin, kitang-kita ko an ngiti sa mga labi n'ya, lumitaw na naman ang dalawang biloy n'ya, ang cute talaga.

"Jepoy, bakit naandito ka? Tapos na ba kayong magpaint?" Tanong ko.

May binigay na naman s'ya sa aking dilaw na gumamela. Nang kuhanin ko iyon ay may kasama pa itong papel na nakatupi. Hindi ko iyon pinansin at nilagay lang sa tabi ko. I know it's from him!

"Siguro po crush ka ni kuya Klark.." Sabi bigla ni Jepoy.

Ngumiti ako kay Jepoy, I don't wanna wash away that smile so I just continue talking to him about it.

"Bakit mo naman nasabi?" Kinilabutan ako.

"Kasi palagi s'yang nakatingin sa'yo eh."

Bumuntong hininga ako. What the hell? Tss!

"Alam mo, ate Collin, sobrang bait no'n ni Kuya Klark." Aniya. "Palagi n'ya akong tinuturuan na maging mabait sa babae. Dapat daw minamahal ang mga babae, mahirap daw kasi magtampo. Sa kanya ko nga natutunan na hindi ko dapat inaaway si Kristy.."

Ang kapal ng mukha n'yang turuan ang ibang bata, ah?! Kapal! Grabe! I-apply muna n'ya sa sarili n'ya pwede ba?

"Sana mapatawad mo na s'ya.."

Tumitig ako kay Jepoy. Alam kong bata lang s'ya at walang alam tungkol sa mga bagay-bagay, malayo pa s'ya sa mga problemang pwedeng harapin. Malayo pa s'ya sa mga totoong problema.

"Tska, mas nauna naman akong naglagay ng pintura sa mukha mo.. bakit nung si Kuya Klark na, galit ka agad? Ayaw mo ba sa kan'ya..?"

Natunaw ang puso ko sa malungkot n'yang mga mata. Tila ba iiyak na sila. Mahal n'ya si Klark. Mahal ng bata na 'to si Klark.

"Mabait naman si Kuya Klark eh.. hindi naman n'ya sinasadya na dumihan ka sa mukha.. please, Ate Collin, h'wag ka na magalit sa kan'ya.. tska, nagkakatuwaan lang naman po tayo no'n."

Lumunok ako. "Sinabi n'ya ba sa'yong sabihin sakin 'to?" Tanong ko.

Umiling s'ya. "Hindi.. pero kasi nung bumalik s'ya kanina nung sinundan ka, hindi na s'ya nagsasalita. Ayaw kong malungkot s'ya, Ate Collin.. simula noong nagpunta s'ya dito, naging idol ko na s'ya.."

Nagpunta? Matagal nang nagpupunta dito si Klark?

"Bakit mo naman s'ya naging idol?"

"Kasi sabi n'ya pareho kaming pogi.. at saka mabait s'ya."

Tanging pag-ismid lang ang naisagot ko.

Tumango na lang ako. "Bumalik ka na doon, Jepoy." Mayroon pa s'yang pinta sa mukha, naroon pa ang pula sa ilong n'ya. "O kaya naman, maglinis ka na. Malapit nang maglunch."

Malungkot akong tinignan ni Jepoy bago tumango at nagpaalam.

Napansin ko naman ang nakatuping papel sa gilid ko na ibinigay rin ni Jepoy. Binuksan ko 'yon.

It's a paint of a three stick figure. Isang lalaki, isang babae at isang bata na nasa gitna at nakahawak sa dalawa. It's a family.

'I'm so sorry. For everything.'

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon