Chapter 17

29K 696 106
                                    

MMPR 17

Why is he courting me all of a sudden?! This is so confusing.

"Hello? Noon ayaw mong tantanan tapos ngayon namang pinansin ka na, nagtataka ka pa?" Ramdam kong umirap si Claire sa kabilang linya.

"I hate you." Bulong ko lamang. Kinuwento ko kasi sa kan'ya ang nangyari.

"Ano ka ba? Ngayon ka pa ba mago-overthink? Grab lang ng grab! Let it be! Kung kayo, kayo! Kung hindi, edi move on, humanap ng iba."

Humiga ako sa kama at nag-isip isip. Bakit bigla s'yang naging seryoso? At talaga bang nanliligaw s'ya? Then that means.. na ako na lamang dapat ang babae n'ya, diba? Can he do that?

Nagbeep ang phone ko at mula iyon kay Klark.

From Klark:

You didn't answer. I just want you to know that I'm not with any girls you think I'm with.

"Bongga naman! Talagang nililigawan ka na ah!" Sigaw ni Thea. Nasa classroom namin sila.

"Binigyan ka na ba n'ya ng flowers? Chocolates? Or something?" Tumaas ang kilay ni Hannah.

Nakagat ko ang labi ko. That would be very sweet! Umiling ako. Sadly, hindi pa. But who knows! Baka bigyan din ako ni Klark non? Oh I can't stop thinking about it!

"Tss.. I think nililigawan ka lang n'ya kasi alam n'yang kaya ka n'yang pasagutin." Ani Hannah at sa phone na itinutok ang atensyon. "You know, maraming ganung lalaki."

Halos mainis ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung kay Klark ba s'ya galit o naiinis na s'ya sa'kin, kailangan pa ba talaga n'yang sabihin 'yon?

"What? No!" Iling ni Claire. "Madami naman s'yang ibang babae na kaya n'yang pasagutin, but why Collin? I think he's serious na!"

"Baka tinamaan na sa'yo, Collin." Tawa ni Thea.

"Baka naisip n'ya na si Collin, may pinagkaiba sa iba n'yang babae?" Kunot noong sabi ni Hannah.

"Like, what?" Tanong ko.

"You're still a virgin. Pure? Clean?" She chuckled.

Nakagat ko ang labi ko. "May mga oras na pwede n'ya nang kuhanin.. but he didn't."

Ngumisi s'ya. "Maybe he still likes it that way. Maybe because you're new to him, he still finds you good enough."

Pagkatapos ng aming klase ay lumabas kami ni Klark. Palaging sumasagi saakin ang mga sinasabi ni Hannah. I don't wanna think about it. Ito naman ang gusto ko noong una pa lamang. I want this. Ngayon pa ba ako mag-iisip ng kung ano-ano?

Kumain lamang kami ni Klark. Nanood ng movie and then hinatid n'ya ako pauwi. He didn't even made any move! It's like he was really courting me.

Panay ganoon ang nangyayari saamin ni Klark. Minsan ay ihahatid n'ya ako, kumakain kami sa labas, pinapanuod ko s'ya sa paglalaro ng basketball. We even help each other with our assignments.

Weeks have passed. Madalas ay hinihintay n'ya ako sa labas ng room namin o kaya ay sa labas ng school. Kumakain kami, movie o kaya naman ay pumupunta kami sa bahay nila. Close ko na si Kret at ang kambal n'ya ay nakakausap ko na rin. His friends became my friends too. I felt like I am his girlfriend already! Parents na lang ang hindi pa nami-meet.

Of course, sumasagi sa isip ko kung paano nagagawa ni Klark 'to. Seryoso na ba talaga s'ya? At wala akong nakikitang babae na umaaligid sa kan'ya. He is always with his guy friends. Walang Barbara, Nathalie, o Hazel. I didn't see any of his other girls.

Am I changing him already? I hope so..

"So, iyon nga! Grabe naman.. nagtama lang ang braso naman may kuryente na!" Hagikhik ni Gino.

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon