Chapter 21

26.4K 697 73
                                    

MMPR 21

Agad na nagbigay ng space sila Thea para kay Klark. Nakalimutan kong sabihin sa kanila na papuntahan n'ya ako.

"Hello, Klark!" Bati ni Claire.

Ngumisi si Klark sa kanila at agad na umupo sa tabi ko. Nilagay n'ya ang baba n'ya sa itaas ng balikat ko. Nakita ko ang pagpikit ng mga mata n'ya. Kasunod non ay inabot n'ya ang kamay ko para paglaruan ang mga daliri ko.

"Klark, you tired?" Mahinang tanong ko at hinaplos ang pisngi n'ya.

Naramdaman ko ang mainit na paghinga n'ya na dumapo sa balikat ko. "Yeah, and kinda sleepy.."

I can feel eyes watching us. From everywhere. We've never been this close in the public's eye, especially sa school. Hindi pa s'ya humilig saakin ng ganito ka-sweet in public. Madaming nagkalat ngayon kaya naman natural na maraming makakakita saamin, they are too obvious though. Wala namang atraso saakin 'yon pero ramdam ko rin ang titig ni Vernna.. and that bothers me.

Nang tignan ko pabalik si Vernna ay agad s'yang gumalaw na para bang kailangan pa s'yang bigyan ng kalabit bago gumana. Tumawa na lamang s'ya sa sinabi ni Oliver sa kan'ya. But this time, her smile is.. it's weak and fake.

Why? Don't tell me, gusto n'ya pa rin si Klark? Bakit ganito s'ya kung makapagreact ngayon? Samantalang cool lang s'ya noong birthday ni Kret! Affected masyado ang labas n'ya ngayon, and I wonder why.

Umalis sila sabay-sabay. Babaeng-babae s'ya tignan pero puro lalaki lang ang mga kasama n'ya ngayon kagaya noong una ko s'yang nakita. One of the boys? Siguro nga. Mag-isa lang naman s'yang pumasok sa school naming mga high school.

"Klark, hindi mo ba pupuntahan 'yung mga barkada mo? Nandon sila oh." Tanong ko kahit na sa totoo lang ay ayaw ko s'yang papuntahin doon.

Unti-unting nawala ang mukha n'ya sa balikat ko. "Hmm?" Nakadilat na ang mapupungay n'yang mga mata. Something is wrong with his eyes. Kind of red and tired? Is he really that sleepy?

"Sabi ko puntahan mo 'yung mga barkada mo.."

Tinitigan n'ya pa ako ng mabuti. Kumunot ang noo n'ya. "But Vernna is there?" Para bang nagtataka ang boses n'ya at nawi-weirduhan saakin.

Sumakit ang dibdib ko doon sa sinabi n'ya. So apektado lang pala s'ya kaya hindi s'ya nakalapit.

"Yeah, I know. So affected ka pa rin pala?" Tumawa ako.

Kumunot ang noo n'yang muli. "This isn't about me.. ikaw ang inaalala ko."

"Hm,"

"You are jealous with Vernna." Niyakap n'ya ako. "I don't feel anything for her, Collin. It's you. I don't want you to feel jealous and mad."

Ngumisi ako.

"I'm not, Klark. Mas okay kung pupuntahan mo sila ngayon. Mas okay 'yung may closure kayo, mukha namang barkada n'yo rin s'ya? Huh?"

Tumango lang s'ya.

Nakagat ko ang labi ko. So magkakaibigan sila? At nagkagusto s'ya sa kaibigan n'ya.

"Go.. baka sabihin inaagaw kita sa mga kaibigan mo." Sabi ko na lamang.

Tumawa s'ya. "But I'm yours.."

Ngumisi ako ng malungkot. Hindi naman n'ya makikita dahil masyado s'yang nakalapit saakin. I don't know, ramdam ko pa rin na talagang meron pa rin s'yang something para kay Vernna. I just feel it. Or maybe I'm just over thinking? At bakit naman nagtatagal parin kami kung hindi n'ya ako mahal?

Nagpaalam sila Claire na pupuntang restroom kaya naman nagtangka ako na magtanong.

"How.." Parang may nakabara sa lalamunan ko. "How much did you love her, Klark?" Tanong ko. Nanghina ako pagkatapos. Damn, Collin. Nagtanong ka palang! Hindi ka pa nakakakuha ng sagot!

My Most Painful RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon