Chaptet 66

6.1K 125 89
                                    

"Bitiwan mo na nga ako, ano ba?" Nagpipilit na makawala sa pagkakayakap na sigaw ni Sarah pero natatawa na. Nawala na ang inis na nararamdaman sa kasintahan.

Lalo namang hinigpitan ni Jason pagkakayakap sa dalaga. "Bibitawan kita sa isang kundisyon." Sagot naman ni Jason.

"Anong kundisyon?"

"Dito ka lang sa tabi ko, huwag kang aalis. I miss holding you, sleeping with you." Bulong ni Jason sa kasintahan.

Natigil sa pagpiglas ang dalaga, nilingon ang Jason na ng mahalatang kumalma na ang dalaga ay niluwagan na ang pagkakayapos. Dahan dahang humarap si Sarah kay Jason. Her expression softened. He took her face in his hands, "I love you, you are the most beautiful,talented,funny,brave and adorable person I've ever met. Kahit sino pang babae ang makita mong kasama o katabi ko, hindi ka nila mapapantayan sa paningin ko kaya please huwag ka ng magseselos uli although, may part na natutuwa din ako, ibig kasing sabihin nun, mahal mo din ako. Ang ayaw ko lang yung part na galit ka sa akin."

Kinurot ni Sarah ang binata ,"ikaw!!!! ." Natatawang sabi nito. " I love you too, ganoon pala yun, hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko. Halos hindi ako makahinga." Pag-amin ni Sarah."Kung siguro lumapit yun sa table namin, yung tipong sinundan ka pa, baka kung ano nagawa ko sa kanya o saiyo."

Ngumiti si Jason, " kung sumunod siya sa akin di right there and then, malalaman mo na, na wala kang dapat ipagselos sa kanya.Ipapakilala kita as the future Mrs. Jason Opsima.Ngayon alam mo na kung ano ang nararamdaman ko pag nakikita ko ang closeness ninyo ni Miguel. Alam mo bang kagabi muntik na akong bumalik ng Manila ng sabihin ni Tita Lena na nasa pool kayo? Kung hindi ka tumawag , talagang pag nakita ko uli kayong magkadikit ni Miguel, hindi ko alam kung kaya ko pang pigilin ang sarili ko." Nangingiting pag-amin din ng binata habang hinahaplos haplos ng daliri ang pisngi ng kasintahan, hindi inaalis ang pagkakatitig sa maamong mukha ng dalaga. He brought his mouth to hers and kissed her deeply. Jason groaned when he felt, she is not just letting him kissed her, she is kissing him back , encouraging him. "God sweetheart, I wish I can kiss you forever." Halos humihingal na sabi ni Jason ng mapilitang itong huminto dahil alam niya pag hindi niya pinigil ang sarili, baka hindi na sila makarating sa simbahan para sa kasal ng kaibigan. Nararamdaman niya nagsisikip na ang pantalon niya . "It feels amazing kissing you, kung pwede lang ganito na lang tayo.

Humihingal ding inilapat ni Sarah ang mukha sa dibdib ng binata. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng kasintahan. Nararamdaman din niya. Naghintay ng ilang minuto ang dalawa. Parehong nagdadalawang isip na kumilos o magsalita Ayaw nilang masira ang moment ang mga sandaling yun. Magkayakap, magkatabi. Kapwa nila naririnig mga tibok ng puso nila. Pinapakalma mga sarili, na lalo namang nag iinit dahil nararamdaman nila pareho ang tension sa mga katawan nila.

Si Jason ang hindi nakatiis. "Sweetheart, I better get up from this bed. I am afraid if I stay longer,we will miss the wedding ceremony and everyone will know why if both of us are not going to be there. I better go and hit the shower." Hinalikan sa noo si Sarah at bumangon na.

Umupo na rin si Sarah , tinanguan ang kasintahan na atubili pa ring umalis. "I'll see yo later, " yumuko at muling dinampian ng halik ang ulo ng dalaga. Dali dali ng lumabas , hindi na hinintay na makapagsalita pa ang dalaga.

Namumulang tinakpan na lang ni Sarah ng dalawang kamay ang mukha. Lihim na nagpapasalamat na malakas ang kontrol ng kasintahan.

Hindi napigilan ni Miguel ang mapasipol ng makita si Sarah . " Holy macaroni, you look amazing Sars. Parang nakikita ko na , madaming mainggit sa akin pag nakita nilang ikaw ang nakahawak sa mga braso ko. Sinisigurado ko saiyo , baka hindi na makapag concentrate ang isang taong dadatnan natin sa simbahan pag nakita ka lalong lalo na pag nakita kung gaano ako magiging super lapit saiyo."

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon