Chapter. 20

7.6K 105 56
                                    

Maaga pa ring gumayak si Sarah kahit hindi siya sigurado kung sasabay siya kay Jason pagkatapos ng walang paalam nitong pag alis ng nagdaang gabi. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang binata matapos ng pag uusap nila kagabi bago ito walang sabi sabing umalis habang kausap niya si Miguel sa telepono.

Inisip na lang niyang pag bumaba siya at wala si Mang Vic na naghihintay, maglalakad na lang siya, maganda namang exercise yun sa kanya. Mahuhuli siguro siya ng ilang minuto pero maiintindihan naman siguro ng boss niya.

Kakalabas lang ni Sarah sa kwarto niya, balak niyang gumawa ng kape at toast ng makatanggap siya ng text message , "good morning my dear princess, have a coffee and egg muffin for you, waiting downstairs,"

Sumigla ang mood ng dalaga, nabawasan kahit na paano ang pag aalala niya. Ayaw din niyang tuluyan na silang hindi mag usap ni Jason. Bukod sa Papa niya , si Jason ang masasabing nakakakilala sa kanya sa bagong mundong gagalawan niya.

"Good morning, thank you, will be down in 10 minutes" reply ni Sarah.

Nakahinga ng maluwag si Jason ng mabasa ang sagot ng dalaga. Nag aalala din siyang masamain ng dalaga ang ginawa niyang pag alis ng walang paalam kagabi. Nakapag shower na siya ng humupa ang matinding selos na naramdaman ng marinig ang malambing na pakikipag usap ng dalaga sa telepono kay Miguel.

Hindi nga nagtagal at nakita na nila ni Mang Vic na palabas ng building ang dalaga. Dali daling bumaba si Jason at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Isang nag aalangang ngiti ang bati ng dalaga sa kanya. Pagkaupo ni Sarah ay binati din si Mang Vic.ng magandang umaga.

"Magandang umaga din saiyo iha. Kumusta tulog natin kagabi?" Tanong ng mabait na driver ni Jason.

Napatingin si Sarah kay Jason na nakaalalay pa rin sa kanya, hinihintay na makaupo siya ng maayos.

Hindi mabasa ni Sarah kung ano ang nasa isip nito. Bumilis ang pintig ng puso ng dalaga ng ilang sandaling nagtama ang mga paningin nila. May lungkot sa mga mata ng binata at kung hindi siya nagkakamali katulad niya itong ilang oras lang ang naitulog.

"Thank you," bulong ng dalaga bago tuluyang isinara ang pintuan ng sasakyan. Pagpasok ni Jason sa sasakyan , ay ibinigay naman ni Mang Vic ang kape at eggmuffin sandwiches kay Jason para mapaandar na nito ang sasakyan.

"Here's yours," iniabot kay Sarah ang isang kape at isang brown bag.

Nagpasalamat uli si Sarah, at maingat na humigop ng kape. Wala silang kibuan, tahimik lang silang umiinom ng kape, paminsan minsan ay may mga sinasagot na mga messages si Jason. Nahalata ni Mang Vic ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya tumahimik na rin ito.

Paghinto ng sasakyan sa harap ng building ay hindi na hinintay ni Sarah na pagbuksan pa siya ng pinto ni Jason o ni Mang Vic. Nagmamadali itong nag alis ng seatbelt at sa kagustuhan na makalabas agad ay nauntog ang ulo nito sa roofmount dvd holder ng sasakyan. Napasigaw ito sa sakit na naramdaman.

Nagulat sina Jason at Mang Vic, ng makita ni Jason kung ano ang nangyari ay napamura ito.

"God damn it!" Dali dali nitong inalalayang makababa ang dalaga at tiningnan agad ang gilid ng noo nito kung may sugat.

"You okay?" Tanong nito na punong puno ng pag aalala. Maingat na hinawakan ang gilid ng nuo ng dalaga at nagulat pa si Sarah ng marahan itong dampian ng halik ng binata.

"Masakit ba? There's a liittle bump ."

"Hindi na masyado," nakayukong sagot ni Sarah.

"Let's go inside so we can put an ice on it. You okay to walk?" Tanong nito sa dalaga habang inaalalayang lumakad.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon