Chapter 35

8.2K 122 65
                                    

Nagising kinabukasan si Sarah na nasa bed niya ang Mama niya, nakaupo sa gilid ng kama niya. Pinagmamasdan siya.

 

“Good morning Ma!” Mahinang bati ni Sarah sa Mama niya.

 

“Good morning anak, kumusta ang pakiramdam mo. Mabuti naman at wala ka ng lagnat.” Tumayo si Lena at hinalikan sa pisngi ang  dalaga.

 

PInakiramdaman ni Sarah ang sarili. I feel a lot better na. Hindi na masakit  ang lalamunan ko.” Masiglang sagot ng dalaga. Babangon na sana ito ng pigilan ng Mama niya.

 

“Magpahinga ka na lang muna.Sabado naman, wala namang trabaho..”

 

Biglang naalala ni Sarah ang mga kaibigan, “Sina Laarni at Will? Andito pa ba sila? Nakakahiya naman , hindi ko man lang sila naasikaso.”

 

“Huwag kang mag aalala anak, inaasikaso sila ni Jason. Nasa gym sila ngayon, si Jason naman ay pinauwi ko muna para naman makapagpahinga. Pagbalik nung dalawa, pinaghahanda naman sila ng lunch ni Aling Remy.”

 

“Kumusta ang Bandila kagabi Ma? Nakatulugan ko na paghihintay.”

 

“Sabi nga ni Jason, di bale anak, naka record naman, pwede mong panoorin mamaya.”

 

Pumikit si Sarah, inaalala kung ano ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang naalala lang niya ay ng buhatin siya ng binata papunta sa kwarto niya at ng halikan niya ito sa pisngi bilang pasasalamat. Pagkahiga niya ay alam niyang pinanood niya ang show kung saan guest ang Papa niya pero hindi niya maalalang napanood niya ito. Nakatulugan niya ang panonood.

 

“Nakakahiya kay Jason.” Namumulang sabi ng dalaga pagmulat niya uli ng mata. Nakatitig sa kanya ang ina.

 

“Pag uwi namin, pauwi pa lang sina Laarni. Tinanong ko kung nasaan ka. Yun nga sinabi nilang hindi ka na nakabalik ng umalis kayo para manood ng show dahil masama nga daw ang pakiramdam mo. Dahil pauwi naman na sila, sumama muna kami ng Papa mo para masilip ka man lang namin.”

 

“Hindi ko na namalayan yun. Tulog na tulog na siguro ako. Saan po natulog si Laarni. Usapan po namin magkatabi kaming matutulog dito at si Will duon sa kabilang kwarto.:

 

“Duon na lang namin siya pinatulog sa kabilang kwarto. Isinama naman ni Jason pauwi si Will, duon na daw ito sa kanya.

 

“Mabuti naman po kung ganoon.”

 

“Inabutan namin si Jason na nakatulog diyan sa may paanan ng bed mo. Umalis lang ng sinabi kong ako na ang magbabantay saiyo. Pagkagising ko  anduon na sa kusina at naghahanda ng breakfast . Hiyang hiya nga si Laarni na si Jason pa ang naghanda ng breakfast nila ni Will. Gusto na nga sanang umuwi ng dalawa para hindi na raw makaabala pero tinanong sila ni Jason kung ano ba daw sana ang balak ninyong gawin today. Yun kinuwento nila, na jogging kayo then tuloy sa gym then swimming uli. Sinabi ni Jason para hindi naman masayang ang pagpunta nila dito, di gawin pa rin nila yung plano kahit hindi ka kasama. Binigay ni Jason yung pass niya sa gym at sa swimming pool.”

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon