Chapter 22

7.4K 94 38
                                    

Ang meeting na naumpisahan ng isang konprontasyon at paglilinaw ay natapos sa mga imbitasyon at pangako na magkikita kita uli sila sa isang dinner get together sa bahay ng Tita Lora ni Sarah. Hindi din pumayag si Becka na hindi sila magkaroon ng girl bonding ng pinsan. Kailangan daw magkaroon sila ng girls' day out. Spa day or shopping kaya na naging dahilan para maisip ni Neil na dapat pala ay makapagbukas siya ng account para sa anak. Ilang araw na rin niyang alam na anak niya ang dalaga pero hindi pa talaga sila nakakapag usap na silang dalawa lang. Gusto niyang malaman kung ano ano ang mga gustong gawin ng anak. Ano ano ang mga hilig nito. Kailangan niyang magkaroon ng panahon para sa anak. Nakikita na niya, hindi magtatagal at lalo pang madaragdagan ang mga aali aligid sa anak. Ngayon pa lang nakikita na niya ang dalawang matinding mag-aagawan sa puso at atensyon ng anak . Napailing si Neil ng magtama ang mga tingin nila ng inaanak "All is fair in love and war" nasabi na lang ni Neil. Kahit na boto siya sa anak anakan, hindi siya makikialam sa usaping puso ng anak. Hahayaan niya itong magdesisyon. Sa nakikita niya sa anak, sino man ang mahalin nito ay siguradong karapat dapat.

Nakuntento na lang din si Jason na maghintay at panoorin ang dalaga habang pinagkakaguluhan ng Pamilya Co. Masaya siya para sa dalaga. Alam niyang isa sa mga dahilan kung bakit alinlangan itong makilalang Co ay kung paano siya tatanggapin ng mga ito. Hindi naman niya ito masisi dahil sa naging karanasan ng Mama niya.

"Mabuti siguro na magsipag balikan na tayo sa mga trabaho natin. Ngayong nakilala na natin si Sarah,sigurado ko na magiging madalas ang pgkikita natin, mean time , hayaan nyo munang masolo ko ang anak ko."

Nagkatawanan at isa isang naalala na may mga dapat silang gawin, kausapin o puntahan. Kanya kanyang dampot ng mga briefcases at folders na nasa mesa at isa isang nagpaalamanan.

Ilang sandali lang at silang tatlo na lang ang naiwan. Malambing na yumakap si Sarah sa Papa niya, "thank you Pa, mas makakatulog na ako ng mahimbing ngayong nakilala ko na sila. Wala naman pala akong dapat ikabahala. Mababait naman pala sila parang ang tagal na naming magkakakilala." Tuwang tuwang sabi ni Sarah.

"Hindi sila maging mabait di hindi nila nasunod ang mga luho ng katawan nila." Masuyong hinalikan ni Neil ang noo ng anak. Natawa ito ng makita ang expressionng dalaga.

"Nagbibiro lang ako anak. Ako din natutuwa sa genuine na masayang pag welcome nila saiyo."

"Matutuwa si Mama nito pag ikinuwento ko sa kanya ang naging pagtanggap nila sa akin."

"Speaking of your Mama, bakit hindi mo kumbisihin na dito na rin siya muna sa Manila habang nandito ka. Will get you a house or a bigger condo apartment."

Nangiti si Sarah, "Papa ko sumisimple, aminin mo na kasi na mas gusto mo na nandito din sa Manila si Mama para mas madalas mo siyang makita." Tukso ni Sarah sa ama.

"Ano kaya kung ayain kong sumama sa pupuntahan kog kasal ang mama mo? Nabanggit sa akin ni Miguel na ikaw daw aayain niyang kasama pag punta niya. Double date kaya tayo, palagay mo papayag Mama mo?"

"Diyan natin masusubukan ang convinsing power mo Pa." Kumikindat na sagot ni Sarah.

"Bakit natahimik ka na diyan Jason? Sino kasama mong pupunta? Di ba isa ka sa mga groomsmen?"

Matamlay na tumingin sa kanila si Jason. "Bahala na! Naunahan na ako , yung gusto kong kasama, may ka date ng iba."

Tumaas ang kilay ni Neil. Tiningnan ang anak na mukhang nagulat sa sagot ng binata.

"Paano anak, magkita na lang tayo later. Have to go to my office and talk to some people. Can I take you out for lunch if you are not busy."

Sabay pa halos na napatingin ang mag ama kay Jason.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon