Chapter 39

7.4K 105 41
                                    

Sabay na  napatingin sina Jason at Neil kay Sarah na biglang namula ng magtama ang mga mata nila ni Jason.

"Mabuti naman at nandiyan ka na anak, akala ko nakatulog ka uli. Balak ko sanang puntahan ka para gisingin uli." Sabi ni Lena.

"Lalabas na sana ako kanina ng biglang mag ring ang phone ko kaya sinagot ko na muna. Kumusta daw po kayo Ma , Pa from Migs."

"Nasabi mo ba sa kanya na nasa Sta. Ana ka next week? Siguradong gagawa at gagawa yun ng paraan para magkita kayo." Sagot ni Lena.

Nagkatinginan ang mag ninong. Hinintay ang sagot ni Sarah.

"Nabanggit ko nga Ma, hindi daw pwedeng hindi kami magkita. Hindi siya nangangako pero pipilitin daw niyang madalaw niya ako habang nasa Sta. Ana ako."

"Mabuti naman, " wala sa loob na sagot ni Lena. Walang wala sa loob niya na ang dalawang lalaking nanduon din ay nagkakatinginan na lang, kapansin pansin ang pagkawala ng ngiti ni Jason.

Napansin yun ni Sarah ng hindi sinasadya ay nagtama ang mga paningin nila ni Jason. Namula ang dalaga. Napansin niya ang pamumula ng tenga ng binata. Alam niyang nagseselos ito kay Miguel. Nagsisi ito bakit nabanggit pa niya ang napag usapan nila ni Miguel. Nginitian niya ang binata. “Hi Jason, thank you sa mga bulaklak ha. Ang gaganda.”

“Glad you like it,” pilit na ngumiti si Jason, ayaw ipahalata sa mga magulang ni Sarah ang nararamdamang pagka inis na magkikita sila ni Miguel sa Sta. Ana.

“Sige upo na kayong dalawa, kumain na tayo bago pa lumamig itong mga pagkain.” Narinig nilang sabi ni Lena na pinangalawahan naman ni Neil.

Hinila ni Jason ang isang upuan para kay Sarah, saka lang ito umupo ng nakaupo na ang dalaga. Ganoon din ang ginawa ni Neil, hinintay niyang makaupo si Lena bago ito umupo sa tabi nito.

Nagkakatinginan na lang sina Lena at Neil sa nakikitang pag aasikaso sa isat isa ng prinsesa nila at ni Jason. May kakaibang kilos ang dalawa na nagpapataas sa kilay ni Lena pero hindi ito nagpahalata. May panahon para tanungin niya ang anak. Si Neil naman ay nag umpisang magkuwento at magbiro bago pa magkaroon ng ilangan. Hindi nagtagal at masaya na uli silang nagkukuwentuhan at nagtutuksuhan. Halatang halata ang closeness sa isat isa nina Jason at Neil. Nagkakatinginan na lang ang mag ina , . Naisip ni Lena, paano nga namang hindi mahuhulog ang loob ng anak niya kay Jason, halos parehong pareho sila ng ugali at sense of humor ni Neil.

“Ano gusto ninyong gawin after nating kumain? “ Tanong ni Neil kina Lena at Sarah. “Ikaw Jason, may lakad ka ba?”

“Wala naman Ninong. Ano ba plano ninyo?”

“Ewan ko sa mag ina ko? Kung ano gusto nila, yun ang gagawin namin. You are welcome to join us.”

“Would love to, kung hindi ako makakagulo sa bonding nyo as a family.” Nakangiting sagot ni Jason.

Inakbayan ni Neil ang inaanak. “Whatever happened, you will always be a family , don’t you forget that. “

“I know that , thank you.”  Wala sa loob na napatingin ito kay Sarah na may sinasabi kay Lena.

“Ninong, palagay mo seryoso si Miguel kay Sarah?”

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon