Chapter 45

7K 105 64
                                    

"Grabeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!! Anong nangyari sa ice queen?"

Nagulat sina Jason at Sarah sa narinig na sigaw ng isang babae . Sabay na napatingin sa pinanggalingan ng napakatinis na sigaw. Nakita nila dalawang babae na mukhang gulat na gulat pero kinikilig.

"Patay!" Narinig ni Jason na bulong ni Sarah. Kumawala ito sa kanya at masayang lumapit sa dalawang babaeng nanlalaki pa rin ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Yeng , Shin!! Nakakagulat naman kayo!" Naiiling na sabi ni Sarah habang masayang palapit sa dalawang kaibigan.

"Ikaw ang nakakagulat! Muntik na kaming himatayin sa nakita namin ah! Wow! Ang init ng halikang yun ha." Hindi mapigilang sabi ni Yeng. Niyakap din si Sarah pero nakatingin pa rin kay Jason na palapit na rin sa kanila.

"Ang gwapo Sars," bulong naman ni Shin. Palihim na kinurot ni Sarah ang kaibigan.

"Jason, I'd like you to meet my two great friends. Shin and Yeng. Barkada ko sila nung college, dito sila nagtratrabaho sa Santa Ana. Girls, Jason Opsima, ang boss ko."

"Wow, wish ko lang kasing gwapo at hot mo ang boss ko, siguro everytime I get a chance, hahalikan ko din." Sabi ni Yeng na iniabot agad ang kamay.

"Nice to meet you Jason, since boyfriend ka na ng bestfriend namin , ok bang tawagin ka na rin naming Jason o mas tamang Mr. Opsima?" Tanong ni Shin na nakangiti.

Nagulat si Sarah sa sinabi ni Shin. "Boyfriend?, teka hindi ko .....

"Jason na lang please, happy to meet you girls," hinapit ang bewang ni Sarah na gustong itama ang naunang sinabi ni Shin. "syempre isa sa mga gusto ko talagang makilala ay mga closefriends ng girlfriend ko." Tumingin kay Sarah na kumikislap ang mga mata.

"Sabi ko na nga ba, pag na in love ka, mawawala lahat yung mga inhibitions mo, sinong mag aakalang makikita ka namin ng ganito?" Kinikilig na sabi uli ni Yeng. "Hindi ka naman namin masisisi , ang saya ko para saiyo girl!!" Tili uli nito.

"Yeng, ano ba? Hindi ka pa rin nagbabago, ang ingay mo pa rin." Bawal ni Sarah sa kaibigan. Tumingin kay Jason. "Pasensya ka na diyan, may pagka hopeless romantic yan eh."

"Pasensya na kayo kung nasira namin ang moment ninyo. Excited lang talaga kaming makita ka na kaya nagbakasakali kaming makita ka namin dito. Nabanggit mo kasi sa text mo na dito kayo mag check in, and since mga VIP kayo, sure kaming ang villa ninyo ay dito sa area na ito. Hindi nga kami nagkamali, at anong bumungad sa amin , hindi ka na ice queen friend! Nainggit ako bigla. Meron pa bang gaya niyang single na bagong kakilala mo sa Manila kinikilig na tanong ni Shin.

"Ano ba magtigil na nga kayo, hindi ko siya boyfriend no?" Pagtutuwid ni Sarah, inaalis ang kamay ni Jason na parang naka glue sa bewang niya. Abot tenga pa rin ang ngiti , mukhang tuwang tuwa sa nakikitang pagkailang ni Sarah.

"Denial queen ka naman ngayon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yeng.

"Hindi naman talaga, tanungin mo pa siya?" Sabay tingin kay Jason.

"All I know is I am crazy in love with her." Sagot naman ni Jason. "Hayaan na muna ninyong i deny niya , ang mahalaga, nakikita naman di ba? She is starting to like me too."

Hampas ang natikman ng binata galing kay Sarah. "Ewan ko saiyo." Kumawalang pilit kay Jason at lumayo.

"Sige magkita na lang tayo bukas, may raket kami ni Shin sa isa sa mga bar dito. Maganda sana kung makakapunta kayo, kaya lang alam naming pagod kayo sa biyahe , mag loving loving na lang muna kayo."

"Actually we were just talking about celebrating the success of a business meeting, when you said raket, what exactly do you mean?" Tanong ni Jason.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon