Chapter 49

6.4K 107 40
                                    

Matapos maisuot ang t shirt ay tinitigan na lang ni Sarah ang boyfriend. "Akala ko pa naman pag sinagot na kita, mababawasan na pagka seloso mo, mas tumindi pa yata. Ibig mo bang sabihin , mula ngayon hindi na ako pwedeng mag two piece?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sarah kay Jason na kinikindatan lang siya.

Inakbayan ni Jason ang dalaga na wala na ring nagawa kung hindi yumakap sa bewang ng kasintahan at sabay na silang naglakad papunta sa beach. "Pagbigyan mo na ako ngayon sweetheart. Sa una lang siguro. Alam mo ba yung feeling na sana lang masolo mo yung pinakamamahal mo, yung ikaw lang ang lahat lahat din sa kanya."

"Bakit palagay mo ba hindi ka ganoon sa akin Alam mo bang binali ko lahat ng pinangako ko sa saraili ko nuon. Tingnan mo nga , kahit sina Yeng at Shin, hindi makapaniwala na sa sandaling panahon ay napasagot mo ako."

"Pwede bang marinig uli." Lambing ni Jason.

"Ang ano?"

"Yung kung gaano mo ako kamahal." Nakangising sagot ni Jason.

Kinurot na lang sa tagiliran ni Sarah ang kasintahan. Naiinis siyang hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Kinikilig ba ang tawag duon. "Oo na mahal na kita , hindi ko din maintindihan kung bakit , bossy at demanding ka na, kabi kabila pa ang mga babaeng gustong makalapit saiyo. Hindi ko kailanman na pinagarap na magmamahal sa isang katulad mo, pero heto, kahit na anong pigil at tago ko ng nararamdaman ko saiyo, lumabas din. Sana lang hindi ako magsisi." Humilig ito sa balikat ng kasintahan. Napansin niyang napapalingon ang mga babaeng nadaraanan sa kanila. "O hayan, kaya mo yata inalis ang t shirt mo para ipakita yang abs mo eh. Ayaw mong pagtinginan ako ng tao, gusto mo lang yata saiyo sila mapatingin eh." Biro ni Sarah, sabay takbo palayo.

Natawa din si Jason, hinabol niya ang kasintahan na nagulat ng bigla na lang siyang buhatin nito ng maabutan siya. Nagtitili ang dalaga habangng itinatakbo siya ng kasintahan palusong sa tubig.

Sa beach lumipas ang buong hapon ng dalawa. Inabutan na sila duon ng paglubog ng araw ng hindi nila namalayan. Noon lang uli naging ganoon ka carefree ang oras ni Jason , walang pressure, walang inaalalang trabaho. Ang nasa isip lang niya ay kung gaano siya kasaya na kasama ang dalaga. Nagpapahinga sila matapos ang matagal tagal din nilang pamamalagi sa tubig. Nakahiga si Jason sa buhanginan, nakaunan ang ulo sa kandungan ni Sarah habang hinahaplos haplos ang buhok nito.

"Sana magkaroon tayo lagi ng mga pagkakataong ganito. Yung walang pressure. Dito hindi tayo masyadong kilala ng mga tao, wala tayong inaalalang reporter na kukuha ng pictures mo kasi ikaw ang instant celebrity na anak ni Neil Emerson Co Jr." Sabi ni Jason na nakapikit ang mata.

"Ako ba o ikaw ang hinahabol ng mga reporters?" Tanong ni Sarah.

"Sa ngayon ikaw, pero malaki ang posibilidad na pag nalaman nilang girlfriend na kita, lalo tayong magiging mainit sa mata ng mga reporters."

"Nagtataka naman ako bakit sila interesado sa buhay natin , hindi naman tayo artista." Hindi na maitago ang inis sa boses ni Sarah.

Dinilat ni Jason ang mata at nagtama ang tingin nila ni Sarah. Nakita niya sa mukha ng dalaga ang pagkainis, umangat ang isang kamay ng binata at hinaplos ang mukha ng kasintahan. "Sweetheart, hindi bagay sa maamo mong mukha ang ganyang expression."Bumangon sa pagkakahiga at at inalalayang tumayo ang dalaga. "Nasobrahan ka na yata sa bilad ng araw, mabuti pa bumalik na tayo sa villa, mamaya lang darating na mga kaibigan mo. Kailangan na nating umorder ng pagkain. Sigurado ka bang mas gusto mong sa villa na lang tayo mag dinner?"

"Oo para mas may bonding, isa pa hindi na rin tayo makakapunta sa bar na kinakatantahan nila tonight, kailangang maaga tayong matulog, maaga tayong gigising di ba?"

Napangiti ng todo si Jason, kumislap ang mga mata, "gusto ko yan , maaga tayong matutulog."

Nandilat ang mata ni Sarah sa narinig, "opo maaga tayong matutulog pero magkahiwalay, duon ka sa kwarto mo, at ako sa kwarto ko." Naiiling na sagot ni Sarah.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon