Chapter 28

6.9K 93 38
                                    

Ilang minuto bago lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Lena galing ng Isabela, excited  ng naghihintay si Sarah, kasama si Jason na  hindi pumayag na hindi siya kasama sa pagsundo.

 

Kinakabahan siyang hindi maipaliwanag pero anduon din yung excitement na sa wakas makikilala na rin niya ang kaisa isang babaeng minahal ng ninong niya. Hanggang sa mga oras na yun hindi pa rin siya makapaniwala na may mga pagmamahal pa rin  pala gaya ng pagmamahalan ng ninong niya at ng babaeng kilalang kilala niya sa pangalan pero ngayon pa lang niya makikilala at makikita ng harapan.

 

Palihim niyang sinulyapan si Sarah na panay ang tingin sa gate kung saan lalabas ang mga bagong dating.  Nakaramdam ang binata ng matinding kagustuhang yakapin  ang dalaga, gusto niyang iparamdam na masayang masaya din siya para sa pamilya ng dalaga na kung tutuusin ay pamilya na rin niya.

 

Napansin siya ni Sarah, lumapit ito sa kanya,  wala sa loob na humawak sa braso ng binata."Salamat sa pagsama mo sa akin, naging driver ka pa tuloy."

 

"My pleasure, natutuwa nga ako na pumayag kang sumama ako. Sa wakas makikillala ko na rin ang Ninang ko.

 

"Ninang mo?" Nagtatakang tanong ni Sarah.

 

"Oo, pag napangasawa siya ni Ninonng Neil, di Ninang ko na rin siya and if I get lucky soon to be my Papa and Mama too as soon as I am able to put a ring in your beautiful finger." Kampanteng sagot ni Jason.

 

Nanlaki na naman ang mga mata ng dalaga.Hahampasin sanaa niya ito pero mas mabilis ang mga kamay ng binata.

 

"Hep hep," nahawakan niya agad ang kamay ng dalaga.

 

Walang nagawa ang dalaga kung hindi mapatitig na lang sa binata ng masuyong halikan ang kamay niya.

 

"See , unti unti nalalaman ko na mga kilos at mannerisms mo." Nakakaloko ang ngiting sabi ni Jason.

 

Nangiti na rin si Sarah. "Minsan kahit gusto ko na talagang mainis saiyo, hindi  ko alam kung talagang presko ka or assuming lang."

 

" When  you smile at me  like that it makes my heart do crazy things. Do you realized what power you have over me?" Hinahaplos haplos ng ng daliri ni Jason ang likod ng kamay ng dalaga na hawak hawak  pa rin niya.

 

Sarah blushed and flicked her  gaze back toward the arrival area .



"I know I might be too fast in expressing my feelings for you but I don't want to wait very long like what happened to Ninong and your Mama."

 

"Well, your love is not as strong as the love of my Papa to my Mama then."  Pairap na sagot ni Sarah.

 

"That's not what I meant sweetheart. Gusto ko lang maging maligaya na agad agad ang buhay ko, yung makasama ko na ang babaeng alam kong makapagpapaligaya at kukumplero sa buhay ko. Alam ko , ikaw na yun. I want whatever part of you I can have. Kahit kunti lang sa ngayon,  masaya na ako." “His lips touched  Sarah's head, and  she closed  her eyes . Sarah enjoyed the sweetness of the moment , she is starting to like those little moments with him.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon